Maaga akong nag gagayak dahil ngayong araw ay kailangan kong mainspeksyon ang dalampasigan. Dahil ayon kay Galvin ay wala daw ni isang poste ng kahit na anong building ang nakatayo doon. Alas singko ng umaga na ako nakarating. Saktong sakto ang dating ko dahil medyo madilim pa ang kapiligiran. Itinago ko lamang ang aking ducati sa likod ng malaking puno. Napansin kong sobrang tahimik ng lugar na ito. Kung noong dati ay maraming mga tao ang nandito upang magbagsak ng mga huling isda sa ganitong oras, ngayon ay mistulang isang sementeryo sa sobrang tahimik ng kapaligiran. Humakbang pa ako ng ilang beses hanggang sa maramdaman ko kung gaano kalambot ang lupa dito. Kung isang normal na dalampasigan ito hindi ito ganito kalambot. Dahil unang tapak ng aking paa sa lupa ay lumulubog ito han

