Suicideking Kinabukasan, muli ko na namang inihatid si misis sa kanyang pinagtatrabahuhang ospital. Pangalawang araw noon na ako'y walang pasok, dahil sa ang trabaho ng aking asawa'y sa ospital nga, dahil dito'y hindi palaging weekends ang bakasyon niya. Mas maaga pa nga akong nagising sa kanya, kadalasan kasi siya ang nauuna at ako'y gigising na lamang kapag kami ay aalis na. Noong araw na iyon ay parang may kakaiba akong sigla, nakaligo pa nga ako pero hindi naman niya ito gaanong nahalata. "aba, maaga ka yatang naligo ngayon? may lakad?" tanong pa ni Angel. "ah wala naman babe, bakit ayaw mo bang mabango ako? hehe" biro ko pa. "hindi naman, nanibago lang ako...magkikita ba kayo ni Carina mamaya? or ni Kat?" tanong muli niya. "si Carina nag-text kagabi, mamaya nagpapasama sa mall. i

