Chapter 7: Infinity of Lies

4423 Words
"Nang mangyari po ang pagpasok ng mga magnanakaw dito sa mansyon, nasaan po kayo ng mga oras na iyon?" "Nasa may kusina po. Naghahanda po kami ng makakain ng amo namin." Finally, the policemen have arrived to fetch the trespassers and thieves. Sa ngayon ay may dalawang pulis ang nagtatanong-tanong sa aming mga kasambahay ukol sa kung nasaan kami nang mangyari ang krimen. At may isa pa silang kasama upang itala ang mga impormasyon at testamento na makukuha nila mula sa amin. Before the interrogation takes place, I managed to talk with Martin about what will be our excuses regarding my whereabouts. Of course, as my back-up, he has to know so he could support my arguments if ever my answers were questioned. Habang nakahilera kami ay pawang nasa may tabi lang namin si Derek upang marinig mismo ng personal ang mga masasabi namin tungkol sa naganap na panloloob. Ni hindi niya nga lubos maisip na habang nasa loob siya ng kwarto ay may nangyayari na palang krimen. So, it was quite understandable that it made him irritated. Prenteng nakatayo nang tahimik at nakakrus ang mga braso niya na animo'y naiinip sa ginagawang imbestigasyon. More like, he is waiting for a good damn specific answer that will enlighten him about what happened. Especially, the one who got rid of those thieves. Though I was able to stop the intruders from saying anything about me by using a d**g on them, I still can't get the hold of my fellow maids and butlers' mouths. They can't stop talking about a masked person who had come to save them all. It's as if they are telling a story about a knight in shining armor rescuing the kingdom. Hindi ko nga alam kung maririndi ba ako o matatawa na lang sa mga reaskyon nila. That's no big deal at all. It was my job. "Kayo po, miss?" patungkol naman sa akin ng pulis at sa isang iglap ay napunta na sa akin ang mga mata ng lahat. Sa maniwala man kayo o sa hindi, hindi na tumatalab sa akin ang konsensya sa ganitong mga sitwasyon. "Natutulog po ako sa may kwarto ko." Pinanliitan naman ako ng mga ng pulis na nagbato ng tanong sa akin na tila ba hindi niya ako pinaniniwalaan. "According to your fellow maid, she is the only one who is present in the maids' quarters during that time. But if you're talking about the room at the attic, that's a different matter as well. We have found one of the five intruders in there. Sinasabi mo bang hindi mo napansin ang pagpasok nito at hindi mo rin nakita kung paano ito napatumba ng sinasabi niyong tagapagligtas?" pang-uusisa nito. Kahit papaano naman pala may mga natitira pa ring mga pulis na may utak. I give him that. However, an agent like me who had lied for ten years using different identities would be a difficult opponent, sir. Sabi nila, mahuhuli mo raw ang isang tao sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata nila. Sorry but that logic is not possible for me. "Ah, pumunta po muna kasi ako sa palikuran noong mga oras na nakapasok po ang mga magnanakaw. Pagkabalik ko po, nagulat na lang po ako na may nakahilata roon." In order to keep a significant secret, one must lie and create an excuse to make herself safe from suspicions. That's one of the basics Phoenix Organization mentors teach for the beginners and trainees. Someone who is as honest like a saint is not fitted for a job that requires deceit and deception. Ngayon pa ba ako papalya kung gayong sa loob ng apat na buwan na pananatili ko rito ay hindi na mabilang ang mga kasinungalingang napakawalan ko at napapanindigan ko hanggang ngayon? "Pero hinanap ka namin sa buong bahay pero wala ka. Sabi pa nga ni Martin, baka may dinalaw ka raw na kamag-anak pero sabi naman ng mga guwardiya, hindi ka raw nila nakitang lumabas," mabilis na pag-arangkada ng sabat ni Andrea. Here she goes again. Hindi na ako nagtataka na siya ang unang magsususpetya sa akin. Kahit naman wala akong ginagawa 'e pinag-iisipan niya ako ng masama. Andrea is the youngest household staff member of this mansion. She's close to my age but I never heard her calling me 'ate' or something like that. Every one of us knows about her feelings for Martin Woods and she proudly declared that she would never lose to someone as clumsy as I am. Heh, as if I'm chasing that Woods. Patay-malisya at maang-maangang reaksyon naman ang ipinantapat ko sa suspetya niya. "Hindi ba't nasabi ko na sa inyo na dadalawang oras lang ang tinulog ko kagabi kaya naman nang matapos ko ang pinapasampay ni Manang Delia 'e natulog na ako sa kwarto. Saka tiningnan niyo ba ang kwarto ko? Ni hindi nga kayo makalapit doon, hindi ba? At saka sabi mo na rin, 'baka' 'yung sinabi sa inyo ni Martin. Alangan namang matulog ako sa guard house para makita ako palagi nina Kuya Rey." Despite the desire to sound sarcastic around her, I tried to control my mouth on spouting more counterattacks. Baka sa sobrang pagdepensa ko ay mapaghinalaan pa ako nang malala ng mga pulis. Still, my excuses were plausible enough to be guaranteed as someone who doesn't have anything to do with the incident. Because after all, they could no longer execute an interview with the guards since they were already killed. Having said that Rey and the other guards were the fifth batch of guards who died for the cause of protecting the heir of this household. It's a shame that I wasn't able to help them as well. However, since I am binded to a legal contract, I have to set my priorities straight. With their killers arrested, they could rest in peace now. I had found the justice they deserved. "Hay, ikaw kasi Jenny! Sa susunod nga magsabi ka para naman hindi kami nahihirapan sa kakahanap sa iyo. Even the young master was worried about you." That's it, Woods. Just go on with the acting. Andrea looks embarrassed when Woods stood up to support and to believe my arguments. I don't know if I should pity her since she is quite a pain on the a*s most of the time but I can't do anything about Woods being my back-up as well. Humarap ako kay Derek at yumuko bilang akto ng paghingi ng paumanhin. This should do the ending of my story for today. "Sorry po. Hindi na po mauulit. Magsasabi na po ako sa susunod." Mukhang nakumbinsi ko naman ang mga pulis sa pag-akto ko at napatikhim na lamang sila upang magbigay na lang ng ilang mga salita bago tuluyang tapusin ang pagtatanong sa amin na mga kasambahay. "Sige po, 'yun na lang po muna. Tatawag na lang po kami kung sakaling may nalaman pa po kaming iba. Bale, mauuna na po kami, Mr. De Guzman," pagpapaalam ng mga 'to. Isa-isa na nilang kinuha ang mga kagamitan na ginamit nila kanina sa pagsusuri at lumabas na rin ng bahay ang ilan pa nilang mga kasamahang pulis. Hinatid ng sambahayan at gayon na rin ni Derek ang mga 'to sa kanilang pag-alis. Matapos na tuluyang mawala sa aming paningin ang mga sasakyan nila ay nagkanya-kanyang toka na kaming mga katulong sa paglilinis ng mga dumi at dugo naiwan ng masamang insidente. Pagkapasok ng lahat sa loob ay abang tinawag naman ako ng demonyo. "Jenny, once you're done with your chores, come to my room," bilin nito at nagdire-diretso na ito sa kanyang kwarto nang hindi man lamang ako binibigyan ng isang tingin. Ano na namang problema niya? Bakit ako na lang lagi? Argh. Bigla namang may kamay na bumagsak sa may kanang balikat ko. "Magaling ka pa rin talagang magsinungaling," he whispered. Dinampot ko naman ang kamay niya at pasimpleng pinatunong nang sabay ang mga daliri niya. Napalayo naman siya sa akin dulot ng ginawa ko. "Chill. Aww, ang sakit. Pinupuri ka lang eh," bawi niya. Halos mapasinghal naman ako dahil dumadagdag lang siya sa init ng ulo ko. "Tigil-tigilan mo 'ko, kahoy. I'm not in the mood to joke around with you," mahinang banta ko rito at agad naman siyang napatikom ng kanyang bibig. Bago pa niya ako lalong mainis ay iniwan ko na siya roon upang tapusin na ang mga gawain ko. On the middle of our work, the other employees can't help but to ask me questions too about my whereabouts during the time of the incident. As usual, my real work here is to lie. Provided by the identity I'm using, they believed everything I said. Even the tiniest bit of lie was deemed the truth. Nakokonsensya ba ako? Hindi ko rin alam. I guess at least, you'll suffer from that soft pinch on your conscience when you realized that these people who don't have anything to do but to keep on believing every lie you tell them, were still smiling and worrying about you. Me, a liar. It's just that I'm lying to them but they keep on doing good things to me. It's just that it sounds so unfair. But inevitable... "'O hija, sige na at kami na ang bahala rito. Pumunta ka na sa kwarto ni Sir Derek at baka mapagalitan ka pa lalo," turan sa akin ni Manong Albert, isa sa mga kasabayan din ni Manang Delia sa tagal na sa pagsisilbi rito sa mansyon. Nag-alangan naman akong sundin ang payo nila sapagkat hindi ayos sa akin na hayaan ko silang linisin ang lahat ng ito samantalang may responsibilidad din naman ako sa nangyaring insidente. "P-Pero po—" "Ang tigas talaga ng ulo mo, Jenny. Sige na. Pumunta ka na kay Sir Derek. Huwag mo na kami alalahanin dito. Malalakas pa kami, hija," at natatawang sumang-ayon pa ang ilan pang nakatatandang kasambahay sa tinuran ni Manang Delia. Well then, I can't decline a bunch of reassuring smiles like those. "Sige po. Salamat po," at nagmamadali na akong nag-ayos upang puntahan si Derek. Tingin ko, nag-aalala lang din para sa akin ang mga tao rito. Este, kay Jenny nga pala. Dito kasi sa mansyon na ito, madalas kong sinasadya ang magpakatanga at magmukhang tanga. Minsa'y sinasadya ko rin ang magkamali. Hindi naman maiiwasan na tumatak na sa mga isipan nila na kinakailangan ko talaga ng kaunting alalay sa pagkilos dito sa loob ng bahay. I guess they won't believe me if I ever take a try on telling them that I am actually a professional secret agent, hired and sent for international military, political, and security purposes. That I don't really have the need to work here because my minimum pay from a client is thirty million pesos and I have my own house, car, properties, etc. That I had an expensive education and is an experienced fighter. That I'm not that idiotic and careless woman they think I am. Bagsak na mga balikat tuloy akong nakarating sa tapat ng kwarto ni Derek. Aish. I shouldn't stress myself like this. Master Phoenix trained me to become a strong person. Stronger than that hopeless little kid. A person who could build the highest walls around her. He told me that someone like me who has the hardest assignments should not lose over to my feelings or be swayed by other people around me. That I can't trust anyone that easily. Including those people... and Derek. As soon as I was able to get myself all together again, I knocked on the door three times. It took him a while before he replied about letting me in. When I came in, I found him sitting in front of his computer doing some reports for tomorrow morning. Of course, I knew since I am monitoring his schedule and records through my computer. Sobrang seryoso ng itsura niya habang mabilis na tumitipa ang mga daliri niya sa keyboard kaya bahagyang nagdadalawang-isip ako kung tatawagin ko ang pansin niya. But he's the one who told me to come here, isn't he? "S-Sir Derek?" pakunwaring kinakabahang tawag ko. Kahit na ba sa totoo lang ay handa naman na ako sa mga pwede niyang ibatong mga katanungan at pangongompronta sa akin. Hindi ko naman inaasahan na agad siyang titigil sa ginagawa niya para lang lingunin ako. "Is it really true that you've been in your room the whole time we were looking for you?" may pagtatakang kwestiyon nito sa akin. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumbinsido. Pumostura ako na tila nagugulumihanan sa tinanong niya. Lalo na at ang alam niya ay hindi naman tapos ng pag-aaral si Jenny. "P-Po?" "Sinabi mo sa mga pulis na natutulog ka lang sa kwarto mo, tama? Pero paanong hindi mo narinig ang mga sigaw at pagbabasag ko? Ginagamit mo ba talaga 'yang mga tainga mo? O kung gusto mo, ipapaputol ko na lang ang mga iyan dahil parang wala rin silang silbi?" Medyo nabigla ako sa pagtataas niya ng boses sa akin. Noong mga unang buwan ko rito, oo, madalas niya akong sigaw-sigawan na para bang alila niya ako. Kung ganoon, bakit ako biglang naninibago? He was like this from the start. Why do I feel like it's been long when I first heard him sounding so stressed? "Sorry po talaga, sir," tanging sagot ko. "Sorry? Sana 'wag mong kalimutan na ako ang amo mo at ikaw, dapat sinusunod mo lang lahat ng mga iuutos ko. You are just a maid. Do you understand? We are paying you a great sum for your service so do your work accordingly," at muli na niyang hinarap ang computer na para bang walang nangyari. Sobrang lamig ng mga salitang iyon ngunit dama ko rin ang galit na nakapaloob dito. Well, in all honesty, if I were to encounter a person with Jenny's complete character and personality, I might really get frustrated. Even so, wherever you look at, whatever angle you wish to see, I cannot become Jenny Rosario. After all, I'm not Jenny and Jenny would never be Rieda. Kahit papaano, nakaramdam ako ng awa para kay Jenny. Dahil sa loob ngmalaking mansyon na ito, sa maliit na sulok ng attic ay ako ang gumaganap na Jenny Rosario. Isang probinsyana na may lola't lolo na naiwan sa probinsya para magtrabaho sa Maynila. Babaeng hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang kamuwang-muwang sa paligid niya. She is the root of the frustration and concern of this household. It's because she can't help her good-for-nothing self. Kahit na ba isa lang si Jenny sa maraming katauhan na ginampanan ko, nadama ko ang sakit na buhat ng mga salitang iyon. Nadama iyon ni Rieda. "Opo. Naiintindihan ko po." **** Pagkalabas na pagkalabas ko at pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ni Derek ay napasandal na lang ako sa may kalapit na pader. Parang habang tumatagal 'e nasisimot ang lakas ko. Dahil ba sa dami ng ginawa ko sa araw na ito? O may iba pang dahilan? Pinikit ko ang mga mata ko nang matagal-tagal. Ramdam na ramdam ko na ang bigat ng mga talukap ko. Contrary to my testament, I haven't slept a single minute since that two-hour sleep. I think I should go and rest because I can't afford to get sick or to slack off on my work for tomorrow. Teka, kumain na ba si Derek? Ang sabi kasi ng mga kasamahan ko, hinintay lang ako ng lokong iyan mula kanina at tinatanggi ang kahit anong pagkain. I thought he is just kidding before when he told me that he would only eat the dishes I made for him and now, I'm sort of feeling a little guilty. The real reason why he loves to make everything hard for me is that I'm the closest to him. Because I know him better than anyone. He's confident and carefree with the thought of having someone who knows him truly. Noong kararating ko pa lang dito, naaalala ko pa kung gaano siya gaano siya kasungit at kasuplado sa lahat. Ni ayaw niya ring ipahawak ang kahit ano sa mga gamit niya. At bilang bagong salta, sa akin pinasa ang trabaho na laging maglalagay sa akin sa posisyon kung saan lagi akong masisigawan ni Derek. That time, I never imagined cleaning would bring everything this far. Flashback. "What the hell?! Look what you've done! Nabasag mo lang! Are you really that stupid?! Lumayas ka na nga dito!" bulyaw niya nang malaman niyang nabasag ko 'yung figurine na nakalagay sa side table niya. Mabilis naman akong yumuko at paulit ulit na humingi ng tawad sa kanya. Sa totoo lang, sinadya ko 'yun para tumatak na sa utak niya na lampa ako. Na walang silbi na katulong. I should emphasize Jenny's characters as early as possible to evade any possible questions in the future. I've achieved what I want yet there are inclusions such as curses and insults from this Derek De Guzman. I've been trying to figure out everything about him but I always end up depending on my observations on him. "Sorry po talaga! Hindi ko po sinasadya! Hindi na po mauulit, sir!" Halos kaladkarin na niya ako palabas pero hindi naman ako pwedeng umalis nang hindi tinatapos 'yung nililinis ko. Hindi ako napapakali sa mga maruruming lugar. Lalo na ang kwarto ni Derek na halos talunin na ang tambakan sa sobrang g**o. I was already considering over-powering him when a light bulb appeared. Dali-dali kong inilabas ang bagay na nakita ko sa kwarto niya kanina nung nagwawalis ako. "Sa'yo 'to di ba? Hinahanap mo 'to kagabi pa eh." Napatigil ko naman na siya sa paghila sa akin papalabas. Phew, what an asshole. Naagaw naman ng atensyon ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya nang makuha niya ang locket sa akin. Ingat na ingat siya sa paghawak nito na para bang mababasag ito kahit anong sandali. Para bang ito ang pinakamahalagang bagay para sa kanya sa buong mundo. He suddenly looks so vulnerable and fragile. What just happened to that grumpy young master a while ago? There has to be something very important on that locket. A memory or something that is immeasurable of value to him. A gift or an heirloom? Ah! Now that I think about it, I first saw that locket on a picture displayed in Sir Romuel's room. The mistress of this household. Derek's mother, Miss Sarah. According to the files I was given beforehand, cancer took Sarah De Guzman's life away even though an assassination is the real cause. He blamed his father for not doing everything he could to save his mother. "Sir?" but he didn't pay any attention. Looks like that locket holds a lot of strings connected to the heir's heart. Somehow, his expression bothers me. A few minutes ago, he's as close as an oyster and now, he appears to be a gentle son who misses his mother. Oh, damn. I guess, trying to sympathize with him is not that much of big deal. "May nakita akong nakaukit diyan. Nakita mo na ba 'yun?" pauna ko nang lapitan ko siya sa kinauupuan niyang couch. Napatingin naman siya sa akin na tila ba nasisiraan na ako. So, he never noticed, huh? I reached out on him for him to hand me the locket for a second so that I can show him what I am referring to. Though looking reluctant as ever probably because of the first impression symptom, he still handed it to me. Umupo ako sa tabi niya at saka binuksan ang locket. Marahan kong tinanggal ang litrato sa loob nito at iniabot ito sa kanya upang mas makita niya nang malinaw ang nakaukit na mga salita. "I'm not familiar with the language. How could I understand what it means?" Ugh. He doesn't know how to read Latin! Anyway, the question is how will I explain it's meaning to him? No! More like the real question here is what kind of story should I make to get him to believe that I can recognize these words? Rieda! Mas mabuti pang hindi ka na nakialam 'e! Should I still continue or should I pretend that I've only seen it but didn't understand it? Geez! Either way, I must think of something! Bahala na! "Ah! 'Yung lolo ko, n-nakapagtrabaho siya dati sa Italy bilang... w-waiter. Tinuruan niya ako ng kakaunti." Napakawalang kwentang palusot. This may be the lamest excuse I ever said but somehow, it is still rational enough. "So what does it mean?" Animo'y isa siyang bata na nakatagpo ng isang bagay na nais niyang matutunan kaya napangiti na lang ako. Just by seeing that curiosity in his eyes, I can perfectly say that he loves his mother so much. "Sei il mio diamante. Ibig sabihin, you are my diamond." As much as possible, I tried not to emphasize my accent. Even though it is quite a work since I've been in overseas for a decade. Mas lumapad ang ngiti niya nang marinig ang mga salitang nabanggit ko. Para bang kay tagal na nang muli niyang marinig ang mga iyon. "She's really the best mom in the world," he said. Dahil nasa locket naman ang atensyon niya ay hindi na ako nag-abala pa na tanggalin ang tingin ko sa kanya. Mas magandang makinig ng mga salitang nakikita mo rin ang ipinapahiwatig sa mga mata ng nagsasabi nito. "Dad has been always been buried with his work. But mom? Lagi siyang nandiyan para sa akin. Pinagluluto niya ako kahit na ba may katulong naman kami. Inaalagaan niya ako nang sobra-sobra para lang hindi ako magtampo kay dad," pagtutuloy niya. Bakas ang pait ng hinanakit sa ngiti niya. Para bang nakikita niyang muli ang mga nangyari noong mga panahon na iyon. At least, you were able to be with them longer than I had with my parents. "Everyone has their own diamonds. Mom would always tell me I'm hers and that someday, I'm going to meet mine too. Someone who can show me innocence and constancy that can match a diamond's." So that's why. Being a mama's boy is quite a case. But it looks adorable. Watching him reminiscing those sweet memories and reminders. I wonder what kind of little boy Derek was before. Is he mischievous? Naughty? Gentle and kind? Obedient? "Pero bakit ka nagrerebelde? Dahil pa rin ba sa tatay mo?" maingat kong tanong. It will be a shame of me if I'll let this chance go. I could even tell this to his father so that they can mend their relationship with one another once and for all. I might reduce my term of service here if I succeeded. Hmm, not bad. Napabuntong hininga naman ang katabi ko. Tila ba isang mabigat na tanong ang nabitawan ko nang hindi ko namamalayan. "Nope. Nagrerebelde ako kasi... kasi... kasi para bang nawalan na ako ng gana sa buhay. Isa pa, hindi ko maiwasan na magtanim ng sama ng loob kay mama." His face is telling me that he's somewhat embarrassed of it. Embarrassed to admit it himself. Eh? Hindi ba't ang sabi niya— "Si papa, laging wala sa tabi ko. Si mama, binali niya ang pangako niya sa akin." Promise? "I hate and love her at the same time. I love her for she loves me more than her life. I hate her because she promised me that she'll never leave me. But what am I now? I'm all alone. I don't have anyone. Promises are really meant to be broken, don't you think? I don't want to trust anyone anymore. I don't want to expect anything from the others. Because all of them will end up leaving me in the corner." Woah. That's deep. I don't know what to say. Komplikado ang isang 'to. He's building a defensive wall around him to ensure that the previous thing won't happen to him again. He's now allergic to getting hurt. Was it a hasty generalization? Nang dahil lang sa isang pangakong hindi natupad, ayaw niya na ulit magtiwala sa mga tao. Oo, alam kong maraming tarantado at gago sa mundong 'to pero hindi naman sapat iyon para maniwalang wala ng mabuting natitira. He made a quick and solid decision for not trusting anyone ever since his mom died. It's quite foolish, you know. "Alam mo, ang tanga mo 'no?" nabulalas ko na lang. "What?!" Napatawa na lang ako nang kaunti sa harap niya para mainis pa siya lalo. He has to fix that attitude of his on his own. Why? Because the root of all of this is his own problem. A problem that he created himself. Makaalis na nga. This guy has to reflect for real. He has to wake himself up while it's still early. A lot of people only realized what matters when it's too late. "Hey! Kinakausap pa kita!" pangungulit niya. You're really hopeless, aren't you? Liningon ko muna siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya. "Ang sabi ko ang tanga mo kasi nagkakaganyan ka nang dahil lang sa isang pangako. Sa mundong ito, punong-puno ng pagtatraydor. Nasa sa iyo 'yan kung gusto mong magtiwala o hindi." Alright. Let's put a little Rieda ingredient just for this time. I have to knock him back on his senses. Malay natin mas mapadali ang trabaho ko kapag nagbago naman ng pananaw ang isang 'to. "Pero ang katumbas ng pagpili na iyon ay kung gusto mong umusad o hindi. Paano naman kasi ang mga taong totoong nag-aalala sa'yo? Hindi mo ba kayang magtiwala kahit kakaunti sa mga taong handang samahan ka hanggang sa huli? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay aayon sa iyo ang lahat, Sir Derek." End of Flashback. I don't know if what I said that time really did work or what. Pero simula nun, umayos-ayos na siya. Nagsusuot na siya ng tamang uniporme, gumagawa ng assignments at projects, at nabawasan na rin ang pagbubulakbol. Hindi nga lang niya matanggal ang paggimik kasama nung dalawa pa niyang kabarkada. Wala naman na siyang nabanggit tungkol sa araw na iyon. Basta simula nun, araw-araw akong may nakikitang bago sa kanya. Mga bagong bagay na hindi ko nakita nang husgahan ko siya na isang anak-mayaman lang. Kung aalalahanin ko nga lang ang mga sinabi ko noong araw na iyon, hindi ko maiwasan na makonsensya kahit papaano 'e. Naturingang ako mismo ang nagsabi sa kanya na magtiwalang muli sa mga taong nakapaligid sa kanya pero heto ako, araw-araw na nagsisinungaling sa kanya. Sa bandang huli, malalaman niya na sa simula pa lang, ako na ang nantraydor. Ako mismo. And I know he'll definitely hate me once he found out. Sorry, Derek. I'm really, really sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD