Chapter 1: First Meet

3717 Words
One small negative thought in the morning can change your whole day. Julia's POV "Julia, are you sure you want to go back and study alone by yourself?" makulit na tanong sa akin ng pinsan kong si Charmie. Nandito kami ngayon sa sala habang naglalaro nang jenga. "Of course!" "There are so many high school here, why you must go to such a far place by yourself?" Nosebleed na talaga ako rito sa pinsan ko. "Don't disturb me!" Ako na kasi yung titira para magtanggal ng isang kulay. Kulay blue yung tatanggalin ko kaya dahan-dahan ko yun hinila. "...gotcha!" "I know. It' s all because of that MVP Basketball idol of yours. Baliw ka na talaga. He's like a total stranger to you." "Charmie, let me tell you. Kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para makuha mo siya." Nakakaintindi naman siya ng tagalog kahit konti. "Weird," nagroll eyes pa at siya na ngayon ang titira. Pinagmamasdan ko siya habang naghahanap ng hihilahing kulay. Hindi rin nakalampas sa akin ang kanyang mga mata na mukhang malungkot kasi magkakalayo na kami. Sorry cous, may rason ako kung bakit ko gustong magpakalayo. **** CHAPTER 1: First Meet  Julia's POV "Thank you po," sabay andar nung taxi pagkababa ko. Nandito ako ngayon sa harap ng tatlong palapag na apartment. Sakto namang may lumabas na matandang babae sa sari-sari store. Isang matandang babae na hindi gaano mataba, maputi ang buhok, may makapal na salaming suot sa mata at nakadaster na kulay pula at may mga polka dots na puti. "Ikaw ba si Julia Santillan?" nag-nod ako at ngumiti naman siya. "...ang gandang bata." "Opo, ako nga po at kayo naman po si Nani, tama po ba ako?" Tipid na tumawa siya. "Kayo talagang mga bata, wala kayong pinagkaiba sa inyong magulang. Natutuwa ako at may tumatawag pa rin sa akin na nani. Pasok ka, iha," nagtataka akong sumunod sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ang salitang 'Nani' ay Lola. "Sige po," humakbang ako palapit sa kanya. "Dito ang bahay ko kapag may kailangan kayo sa akin bumaba lang kayo rito," tinuro niya yung unang palapag na may tindahan sa harap. Sa gilid naman nadun ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Ang sabi niya 'kayo', medyo naguluhan ako sa sinabi n'ya. "Dito naman ay piso net. Pwede kang mag research kapag may assignment ka. Piso lang ang ihuhulog mo para sa apat na minutong paggamit," nag-nod lang ako. May twenty unit na computer at may mga batang naglalaro nang... ano ba ang tawag 'dun sa mga naglalaban? Ah, na alala ko na, Dota. Buti na lang mayroong ganito, di tulad sa probinsya walang teknolohiya. Umakyat naman kami sa ikatlong palapag. Nahihirapan na ako sa aking mga dala pero pinilit ko pa ring humakbang sa hagdan. "Doon ang magiging kwarto mo," itinuro niya sa akin ang ikalawang pinto at nilapitan namin. Binuksan niya yun at may bumungad sa aming isang double deck. Ibig sabihin hindi ko solo ang kwarto dahil may mga gamit na rin sa loob. Kaya pala sabi niya kanina 'kayo'. Now i know. "Sino po ang makakasama ko rito?" tumingin muna siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Si Kathryn ang makakasama mo rito. Parehas kayong bagong estudyante kaya sana magkasundo kayo," nilapag ko sa higaan yung bag pack kong jansport na kulay maroon at ipinasok ang isa ko pang maleta na kulay gray. Medyo mabigat ang dala ko kasi alam kong aabutin ako ng mahigit isang taon rito para sa pag-aaral ko. "Nani, sino naman po ang nakatira sa kabilang kwarto?" "Boys room ang parehong kwartong kalapit niyo. Mababait naman sila kaya wala akong problema sa mga boarders ko, maiwan na muna kita." "Okay po. Maraming salamat po, Nani," ngumiti s'ya sa akin bago umalis. Pagkasarado ng pinto, pinagmasdan ko ang buong kwarto. Hindi kalakihan, kulay puti ang pader na samentado, may dalawang cabinet, isang salamin, may tv, naka-air conditioning, may maliit na kusina, may lamesa't upuan din para sa hapagkainan at s'yempre may cr din. Sana mabait yung makakasama ko. **** "Hmmnn..." naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko dahil pakiramdam ko may kasama ako sa loob ng kwarto.     "Hello," bati sa akin nung boses babae. "Hi," nakapagsalita pa ako habang nakapikit. Ilang segundo rin ang lumipas na ngayon ko lang narealized na may kasama na ako. Napamulat ang dalawa kong mata at napabalikwas. Kinusot kong mabuti ang aking mga mata.  "Kanina ka pa ba dumating?" Tanong niya sa akin habang nagwawalis siya.    "Oo, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako." "It's okay, mukhang pagod ka sa naging byahe mo." "Salamat. Ou nga pala, saan ang higaan mo sa taas o sa baba?" Tinuro ko yung double deck na kasalukuyang nakaupo ako.  "Kahapon lang naman ako dumating, pero mas gusto ko sa taas kasi sa bahay namin sa taas din ng double deck ako natutulog kasama ko sa kwarto yung nakababata kong kapatid."  "Okay, ako na rito sa baba. Salamat!" "Kumain ka na ba?" Umiling ako. "Actually, hindi pa. Nagugutom na rin ako ang kaso hindi ko alam kung saan ang bilihan." "Tamang-tama sabay na tayo kumain ng hapunan. May nakita akong karinderya sa labas malapit dito." "Sige." Inayos ko ang sarili ko.  "Ako nga pala si Kathryn Chen, just call me Kath," nilahad niya ang kanyang kanang kamay. "Ako naman si Julia Santillan," nakipagkamay ako sa kanya.  "Huwag kang mailang sa akin ha. Simula ngayon friends na tayo," ngumiti siya sa akin at ganun din ang ginawa ko. Maganda rin siya, mahaba ang buhok at chinita ang kaso payat. Mukhang may lahing chinese siya. Tumayo na ako at magkasabay kaming lumabas ng kwarto, na una akong bumaba sa hagdan kasunod siya. Nakarating kami sa isang malaking karinderya, walking distance sa apartment. Tumingala ako at nabasa ko ang salitang RIVERA sa taas, pangalan ng restuarant. Mukhang luma ang karinderya dahil halatang ni-renovate lang ang lugar, puro antik na pader yari sa kahoy at sa pagpasok namin sa loob ang daming antigong gamit. Simula sa lamesa't upuan at sa mga nakadisplay na larawan. "Hello, Good Evening. Welcome to Rivera!" Nakangiting bati sa amin nung isang waitress. Umupo kami sa bakanteng upuan. May lumapit naman sa aming waitress at inabot yung menu. Mapapansin na halos lahat nang nasa menu rito ay mga luto sa pancit. Halimbawa na lamang ay Pancit Bihon, Pancit Canton, Pancit Malabon, Pancit Guisado, at marami pa. "Sa akin ay sotanghon guisado tapos rice," sinulat naman nung waitress yung order ko sa isang maliit na papel. "Sa akin naman ay... wait! Ano ang best seller niyo rito?" Tumingin siya sa waitress at ngumiti. "Pancit canton po, Ma'am." "Sige 'yon na lang sa akin at rice." Pagkalista nung order namin ay mabilis niyang dinala sa kitchen yung papel na nakasulat ang order namin. Kasabay ang paglagay niya sa lamesa ng dalawang baso at isang pitsel na may malamig na tubig. "Saan ka nga pala nag-enroll? I mean saan ka papasok na school?" Pagtatama niya sa tanong. "Sa Aim High University, ikaw?" Napangiti siya sa akin. "Talaga? Pareho pala tayo. Anong academic track na kinuha mo?" "STEM," tipid kong sagot. "Sayang! Ako kasi ay ABM. Pero sabi naman nila, lahat ng senior high school ay magkakasama tapos paghahatiin lang nila ang bilang nung estudyante. Bukas na bukas malalaman natin kung magkaklase tayo," masayang niyang sabi. "May uniform ka na?" Tumango siya. "Yes, nagpatahi agad ako. Excited na kasi ako, for the first time papasok ako sa sikat na school," tahimik lang ako. Buti pa siya may uniform na. Bigla naman dumating ang aming order. "Hala, ang dami." Parehas kaming nagulat sa mga pagkaing nilapag sa aming lamesa. "Bakit ang dami nito?" Tanong niya sa waiter na nagserve.  "Ma'am ang sabi niyo po ay sotanghon guinisa at pancit canton." "Yes, pero per single meal lang." Ang nakalagay kasi sa lamesa namin ay tig-isang malaking plato ng pancit canton at sotanghon guinisa. Kasya na ang buong pamilya sa pagkain at ang malupet ay yung kanin pa namin na nasa malaking mangkok. Jusme! Hindi lang isa, kundi dalawang malaking mangkok! Ginawa nila kaming patada! Kainis! "Sorry po Ma'am, wala kasing nakalagay na single meal. Pag ganun po kasi awtomatikong family order agad ang binibigay namin. Pasensya na po," saka umalis yung waiter. "Kaya mong ubusin 'yan?" Umiling ako. "Diet ako tapos ganito ang kakainin natin," nagkatinginan kami at natawa na lang sa nangyari. "No choice tayo. Let's eat na tapos yung matira ibigay na lang natin sa kapit bahay este kalapit kwarto pala." "Sige," habang kumakain kami, hindi maiwasang tumingin sa tv dahil nasa katapat lang ng pwesto namin. "Tingnan mo ang yaman talaga ng Silvestre Family," halos laging laman ng balita ay tungkol sa pamilya nila sa totoo lang nakakasawa na. "Nakakasawa."  "Sana lahat kasing yaman nila," namamangha siya sa pinapanuod niya. Ang tanong masaya ba sila? "Sa tingin mo masaya kaya sila?" Napatingin sa akin si Kath. "Syempre oo ang sagot. Ikaw ba naman mabibili mo lahat ng luho mo dahil marami kang pera," nagroll eyes tuloy ako. Medyo nadisappoint ako sa kanya, may naalala tuloy akong isang dating kaibigan. "I don't think so," paano kaya nila naha-handle ang negosyo at ang pamilya. Sigurado ako ang hirap.  "Kung ikaw ang papipiliin. Anong gusto mo Julia, ang mayaman o mahirap?" Ang hirap ng tanong niya. "Syempre sa mahirap na ako basta sama-sama ang pamilya, kay sa naman mayaman ka nga pero feeling mo pa rin may kulang kasi broken family pala. Karamihan kasi nang nababasa ko sa pocketbook malungkot ang mayaman. Di bale na lang kung may makatagpo kang Prince Charming na mayaman at magpapasaya sayo." "Nakakaloka ka, girl," hindi ko namalayan mauubos ko na pala yung kinakain ko na inilagay ko sa aking plato kanina. Tumingin ako sa mga natira, ang dami pa. Kaya pinabalot na namin at saka kami umuwi. Libre ni Kath yung pagkain namin kaya kahit paano nakamenos ako. "Nani!" Tawag namin ni Kath nang makarating kami rito sa apartment. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na siya. "Oh! gabing-gabi na, anong kailangan niyo?" "Ibibigay lang sana namin itong pancit bihon, pangpahaba ng buhay," nakangiti kong binigay kay nani yung nakabalot na pancit bihon. "Salamat at nag-abala pa kayo," nagkatinginan kami ni Kath. Akala n'ya ibinili talaga namin siya. "Kanino naman natin ibibigay itong kanin at pancit canton?" Ipinakita pa niya sa akin yung nakabalot na hawak niya. "Eh 'di sa taas," mabilis naman kaming umakyat nang hagdan. Kumatok kami sa pinto pero walang nagbubukas. "Julia, ikaw na lang ang magbigay. Papasok na ako sa kwarto, naalala kong naiwan ko yung cellphone kong nakacharge." nagnod ako at mabilis siyang tumakbo sa loob ng kwarto namin. Humarap ulit ako sa pinto at kumatok. Inulit ko ulit hanggang sa nakalimang katok na ako at saka lang bumukas. "Anong kailangan mo? Istorbo!" Nagulat ako sa lalaking nagbukas nang pinto. Nakataas pa ang kanyang isang kilay at mukhang bagong gising kasi ang sungit tapos ang gulo pa ng kanyang buhok. "Itatanong ko lang kung kumain ka na?" Tumingin siya sa mga dala ko. "Bakit? Para sa akin ba 'yan?" "Oo sana," mabilis niyang hinablot yung dala kong nakabalot na pancit canton at kanin. "Salamat!" Sinarado niya agad yung pinto. Ang bastos ha! Tinuruan ba siya ng tamang asal ng magulang niya? Nakakainis dapat hindi ko na sa kanya ibinigay. Sayang, ang gwapo pa naman niya. Matangos ang ilong, matangkad, maputi, kaso magulo ang buhok. Ano kayang trip niya sa buhay? Nagpunta na ako sa loob nang kwarto namin ni kath. Tiningnan ko si Kath, nakahiga na siya at may kausap sa cellphone kaya hindi ko na siya inistorbo. Nagpunta ako sa cr para sa evening routine ko bago matulog. After ko malinis nang buong katawan ko saka ako natulog. **** " 'Yan ang susuotin mo pagpasok?" Nakasibilyan lang kasi ako. Suot ko kasi ay pants na black at t-shirt na white lang samantalang siya ay naka-uniform na. "Wala pa kasi akong uniform at saka pwede naman 'to dahil unang klase pa lang," nakangiti kong sabi.  "Ikaw ang bahala," tumayo na siya at humanda nang umalis. "Mauuna na ako sayo. See you later Julia." Halatang excited siya dahil 6:00 am pa lang ay pumasok na. Tumingin ako sa aking relo, may isang oras pa naman ako. Isang oras para maghanap ng trabaho na malapit dito sa apartment. Kailangan ko ng pera para sa uniform ko. Umalis na rin ako ng bahay, syempre sinigurado kong nakalock yung kwarto namin. May sarili kaming susi ni Kath kaya anytime pwede rin siyang umuwi kahit wala ako. Nagpunta ako sa isang restuarant na malapit sa apartment. Kaso nabigo ako kasi hindi raw sila hiring. Sumunod naman ay sa isang gasolinahan ang kaso hindi sila natanggap ng parttime, fulltime raw kailangan nila. Nagpunta rin ako sa factory ng noodles kaso baka raw mahirapan ako sa schedule. Sumunod naman ay sa grocery kaso day shift, hindi rin pwede. Last na talaga 'to, pumasok ako sa isang cafe na malapit sa school namin. Tea-tea Co. ang pangalan ng cafe. Bago pumasok sa loob, mapapansin agad ang glass door na may drawing na malaking pakpak ni Gabriel. Si Gabriel yung anghel sa langit. Pagpasok sa loob, parang chess board ang tiles dahil black and white, sa pader naman ay may drawing na doodle art ng mga milk tea. Bawat lamesa rin ay may apat na upuang kulay itim at may tissue sa ibabaw. "Good Morning Ma'am," bati sa akin nung isang waiter. "Ahm, sino po yung manager niyo? Mag-aapply po sana akong parttime job bilang working student," pinapunta ako sa 2nd floor, narito yung office nila. Maliit lang ang lugar at simple. May isang lamesa para sa working table at may mga books at papel na nakapatong, may dalawang upuan din sa harap. Sa pader may calendar at may isang malaking paint ng falls, ang ganda ng pagkakadrawing.  "What is your name?" Tanong sa akin nung isang babaeng mukhang masungit. Nakaupo siya sa upuang umiikot. Humarap lang siya sa akin kaya ngayon ko lang siya napansin. "Julia Santillan, Ma'am," nakangiti kong sagot tapos inabot ko yung resume ko. Habang busy siya sa pagbabasa, tiningnan ko yung name plate niya Lorena Pradillada ang nakalagay.  "Payag ka bang night shift? 6pm to 10pm," tumango agad ako. Pwede na 'yun para hindi apektado ang schedule ko sa school. "Yes, Ma'am," ngumiti ako sa kanya. "Mukha ka namang masipag dahil ang dami mo ng experience. Tatanggapin kita pero ayaw ko ng pasaway, maliwanag?" "Okay, Ma'am." "Nagtataka lang ako kung paano ka nakapasok sa Aim High University. Mayayaman lang ang nakakapasok doon," napalunok ako ng laway. Ano ba ang dapat kong isagot? "Scholar lang po Ma'am." Wala akong maisip na dahilan. "Malakas siguro yung backer mo," umiling ako. Grabe siya! "No, Ma'am. Nagtake lang po ako ng scholarship exam," syempre proud ako. "Mukhang matalino ka nga. Sige mamaya pwede ka na magsimula," lumawak ang ngiti ko. "Ta-talaga Ma'am? Hulog po kayo ng langit. Maraming marami pong salamat," umalis na ako at mabilis na tumakbo papuntang school. Napatingin pa ako sa aking relo. Sh*t! Late na ako! Dumiretso na muna ako sa bulletin board, konti na lang yung mga estudyanteng nasa labas. __________________________ Section 1 (SH 2nd floor- 201)  25. Santillan, Julia ------------------------------------------ Lumapit ako sa isang estudyante. "Kuya, saan ang SH Building?" Itinuro naman niya sa akin.  "Dumiretso ka lang d'yan sa hallway tapos kumanan ka. Makikita mo yung yellow na building."  "Salamat!" Mabilis akong tumakbo papunta sa room; Yung ibang estudyante nakatingin pa sa akin dahil hindi ako nakauniform. Nakarating ako sa room ng nagsisimula na ang klase. Tumingin muna ako sa relo ko, 7:05 am, five minutes late ako. Kumatok ako sa pinto at binuksan ko. Halos lahat ng kaklase ko ay sa akin nakatingin. "S-sorry po Sir!"  "And who are you?" "Julia Santillan, freshmen po." "Ikaw pala 'yon. Welcome to Section 1. Please introduced yourself in front of your classmates." Pumunta ako sa unahan at nagpakilala. "Hello, Ako nga po pala si-" hindi ko agad naituloy yung sasabihin ko dahil may umepal. "Yuck! Cheap!" Napakaepal nitong babaeng clown, ang kapal ng make-up sa mukha. Nagtawanan tuloy yung iba kong kaklase. "Class, please listen to her." Inayos ko ulit ang aking sarili at tumikhim muna bago ulit nagsalita. "Okay. My name is Julia Santillan, 15 years old. I'm ordinary and average in every aspect. I do well independently. So, i won't ask for your attention. Any help would be too much. Nice to meet you." "Take your seat, Ms. Santillan," umupo ako sa may bakanteng upuan sa gitna at saka nagsimula na ulit ang klase ni Sir Villafranca. Naninibago ako sa environment dito sa room dahil pakiramdam ko ay out of place ako at sa mga itsura ng mga kaklase ko mga anak mayaman. Habang nagkaklase, pinagmasdan ko rin ang aming room. May white board sa unahan at may projector, may apat na aircon sa bawat sulok ng room, puti rin ang pader, tiles ang sahig, at yung mga upuan ay may kanya-kanyang lagayan ng libro sa ilalim ng armchair. Feeling rich ang peg ko rito! Natapos ang maghapong klase na sa tuwing may break hours naririnig ko ang usapan nila. "Hindi s'ya bagay na kaklase natin!" "Ang cheap niya, hindi man lang mag-uniform!" "Hindi naman maganda, nagpalate agad para mapansin!" Naloloka ako sa mga naririnig ko kanina. Ito ako ngayon naglilibot sa buong campus. Syempre pinagtitinginan talaga nila ako dahil bagong mukha ako sa paningin nila. May bigla akong naalala, kanina nung nagpapakilala ako may isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko. Yung tusok ang buhok, nakaupo siya sa armchair niya kanina, nayuko at halatang tulog sa klase. Grabe! Ibig sabihin kaklase ko pala siya. Aalamin ko kung sino siya. "Uy, alam mo na ba? Babalik dito si Tristan!" " My love, i miss you!"" "Totoo? Ano kaya ang nagpabago ng isip niya?" "Si Tristan ay babalik na rito sa school? OMG!"  Who the hell? Puro Tristan naman ngayon ang naririnig ko sa mga tsismis. Sino ba s'ya? Kainis! "Hey, Julia!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at napangiti ako nung makita siya. "Gelo!" Lumapit agad ako sa kanya at mabilis na yumakap. Bestfriend ko 'to eh. "Totoo nga na dito kana napasok," nagnod ako at ngumiti. "I miss you, Gelo!" Napayakap ako sa kanya, ilang taon din kaming hindi nagkita. Siya ang childhood bestfriend ko. "I miss you too!" "Gwapo mo ata ngayon," inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya. Napangiti siya at lumabas ulit yung dimple niya. Pero seryoso ako, ang laki nung pinagbago niya nagmukha na siyang binata kahit baby face siya. Nakakatuwa kasi yung buhok niya kulot pa rin. "Syempre ako pa. Kamusta ang unang araw mo?" "Nakakapanibago kasi para akong center of attraction dito. Siguro dahil bago lang nila ako nakita." "Sigurado ka? Baka kasi may nang bu-bully sayo sabihin mo agad sa akin," napatingin naman ako sa kanya.  "What do you mean? Uso rin dito ang bully?" bulong ko sa kanya at nag-nod siya. Akala ko sa public lang nangyayari 'yun. "Marami na ang nagdrop-out dahil hindi na nila kinaya ang pangbubully sa kanila ng mga high class." "What? Ang gulo ha! Ano naman yung high class, sino sila?" "Hindi mo pa pala alam. Kapag magkwe-kwento ba ako makikinig ka?" nag-nod ako. "Dito kasi sa Aim High University, may tatlong klase nang estudyante. Una ang High Class, sila yung mga mayayaman. Sila yung born with a golden spoon in one's mouth, ibig sabihin sila yung ipinanganak nang mayaman at may pagmamay-ari nang bussiness etc. Ang pamilya nila ay na sweldo ng Million, Billion, Trillion at mas malaki pa per month," nang laki ang aking mga mata. Palasyo kaya ang bahay nila? "Ano per month pa 'yon? Grabe nalula ako," nagnod ulit siya. "Ang pangalawa naman ay Middle Class, sila naman ay yung mga anak ng mga senador, gobernador, attorney, may-ari ng mga negosyo na kumikita lamang ng Hundred Thousand per month at may mga stock holder sila," natulala ako sa kanya. "Lamang? Ang laki nang halaga nung hundred thousand." "At ang huli naman ay tayo, Low Class. Kumikita ng lower than one hundred thousand. Tayo yung mga social care, kung saan ikaw ay anak lang ng mga empleyado," nagpout tuloy ako. "Ibig sabihin mapagmataas ang ibang estudyante kaya malakas ang loob nilang mangbully." "Parang gano'n na nga. Maiba tayo, paano ka nga pala napasok dito?" Ngumiti ako. "Pangarap ng lahat na rito pumasok. Sa totoo lang... saka ko na pala sasabihin, secret muna. May itatanong lang ako." Halatang medyo disappoint siya dahil naghintay siya sa wala. "Ano 'yon? Ang daya mo ha." "Bawi ako next time. Itatanong ko lang kung sino si Tristan?" Parang nagulat siya sa tanong ko. "Bakit mo naman naitanong 'yon? Naririnig mo sa usapan ng iba?" "Oo, na curious ako." "Si Tristan, anak nung may-ari ng school na 'to," nang laki na naman ang mata ko. Ganon siya kabongga! "Kaya pala kilala siya." "Siya si Tristan Silvestre, galing siya sa America at siya ang pangalawang anak ni Mr. Silvestre na isa sa pinakamayaman sa buong mundo." "Wow! 'Di ba doon nagtatrabaho Papa mo," nagnod siya. "Kaya nga nag-aaral ako nang mabuti. Para pagnakagraduate ako, pwede nang magresign doon si Papa." "Tama 'yan." "Mag-ingat ka sa kahit kanino rito. Sa ngayon ako lang ang kakampi mo." "Ba-bakit?" "Basta, wag ka nang maraming tanong," tumingin siya sa relo niya. Infairness, ang ganda ng relo niya kulay asul na may 'Ibarra' na tatak. "Okay!" "Quarter to six na. I need to go home. Bye!" "Thank you, Bye!" Pagkaalis ni Gelo, mabilis din akong tumakbo papunta sa cafe para naman sa next duty ko. **** Maaga akong pumasok ngayon. Naglalakad ako papunta sa school. Second day ko na rito, sana naman good vibes. Wala na akong pakialam kung may nakatingin pa rin sa akin. Nang bigla akong may naalala, binuksan ko yung aking cellphone na old version pa ng samsung. ALCATEL bes! Binuksan ko yung apps ng shopee tapos magsi-search ako ng uniform namin baka kasi may second hand, pwede na yun para sa akin basta low price. Habang busy ako sa pag-oonline shopping at naglalakad papasok sa loob ng school, bigla akong napatigil. Inangat ko ang aking ulo. Ang daming estudyante na nakapaligid sa akin. Anong meron? Tumingin ako sa kanan ko, isang lalaking hindi ko kilala. Pero infairness ang gwapo niya. Tiningnan ko siya simula ulo hanggang paa, estudyante rin pero sigurado akong high class siya kasi bukod sa nakauniform ay nakarelo pa siya ng mamahalin, ang kinis ng sapatos niya at mukhang alaga sa derma ang kutis niya. Ang gwapo at ang tangos pa ng ilong. Nagkatingin kami mata sa mata, pero ako ang unang umiwas dahil seryoso ang mukha n'ya. Tumingin naman ako sa kaliwa ko. Nang laki ang aking mga mata dahil hindi ko siya inaasahan. Siya yung lalaking nakatira sa kalapit ng kwarto namin. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yung binigyan ko ng Pancit Canton nung gabi. Gwapo pala siya kapag maayos. Tusok ang buhok na nakatirik sa ibabaw ng ulo niya, bumagay din ang uniform nagmukha siyang kagalang-galang, matangos din ang ilong at medyo singlat (singkit na dulat) at mukhang mayaman din dahil sa suot niya ring relo. May hikaw pa sa isang tenga. Pagtingin ko sa kanyang mukha naka-smirk siya sa akin. "Ikaw pala magandang binibini!" Nabigla ako at umiwas ng tingin. Ngingiti-ngiti pa siya, mukha namang unggoy! Ngayon ko lang narealized na nasa gitna na pala ako ng eksena. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanan at kaliwa. Wrong move Julia! Natatawa pa yung tusok ang buhok samantalang seryoso naman yung isa at ngayon ko lang napansin na halos lahat ng estudyante ng Aim High ay narito at pinapanuod ako-- sila pala. "Tara na Julia," mabilis akong kinapitan sa braso ni Gelo at hinatak paalis sa eksena. "I hate Julia!" "Me too i don't like her!" "Kainis! Feeling maganda!" 'Yan yung mga naririnig ko sa mga estudyanteng nadaanan namin kanina. "Ano bang eksena 'yon?" tumigil siya sa paghila sa akin nang makalayo na kami sa maraming tao at hinarap ako. "Nakikita mo nang mainit ang eksena gumitna ka pa. After 3 years kasi ngayon lang ulit sila nagkita. Dating mag bestfriend sila na ngayon ay magkalaban na." Busy ako kanina sa shopee. "Hindi ko alam na may gano'n busy ako kanina sa cellphone." "Next time, wag mo nang gagawin 'yon." "Sino ba sila? Sikat ba sila kaya pinagkakaguluhan ng mga estudyante?" "Yung tusok ang buhok, si Aaron Levi at yung isa pang lalaki ay si..." "Sino naman siya?" "Tristan Silvestre!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD