Chapter 2: Best friend

2186 Words
Julia's POV "Okay class, that's all for today. Thank you." Pagkaalis ni Ma'am Folloso nagtayuan na rin ang mga kaklase ko. May isang oras pa ako para ilibang ang sarili ko before my next duty sa cafe.  "Kaklase ka pala namin," sabi nung lalaking lumapit sa akin na nakatayo ngayon sa aking harapan. Ang lalaking tusok ang buhok, si Aaron Levi. "Anong problema mo?" "Wala naman, hindi kasi kita napansin kahapon." Paano mo ako mapapansin, tulog ka! Walang kwenta kausap 'to. Hindi ko na siya pinansin at tumayo na ako para umalis. Pero bago pa ako humakbang palayo sa kanya, bigla na lang n'ya akong hinawakan sa aking braso. "Wag kang aalis," sabi niya at lalong kinainis ko. "Ano ba?!" Ngumiti siya ng nakakaloko. "Anong pangalan mo?" "Bitiwan mo ako!" Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko. "Bitiwan mo si Julia," parehas naman kaming napatingin sa nagsalita. Nasa kalapit ko na pala si Tristan. Oo bes! Si Tristan Silvestre yung heartthrob dito sa school.  "So, Julia pala ang pangalan mo." Napipikon na ako sa lalaking 'to.  Humarap siya kay Tristan. "Bakit ko naman siya bibitiwan? Ano ka ba niya?" "Sinabi kong bitiwan mo s'ya!" Galit ba siya? "Okay," ngumiti pa lalo si Aaron at inalis ang kamay niya sa braso ko. "Let's go, Tristan," pag-aya nung kaklase naming babae. Siya si Anastasia Mendez, for short 'Ana'. Wala pa rin s'yang pagbabago pagdating sa kanyang itsura, maganda pa rin siya. Napansin kong nagkakatitigan nang masama sila Aaron at Tristan.  Ano bang problema nila? Si Tristan, seryoso tapos si Aaron nakakaloko ang ngiti. Gag* ata 'to! Napansin ko namang nainis si Ana kaya hindi na niya napigilang pagsalitaan ako. "Ang kapal din ng mukha mo para dito ka pumasok!" Lahat kami ay nagulat at napatingin sa kanya. "Hindi ikaw ang dahilan ko kung bakit dito ako pumasok," nagkatinginan din kami ng masama. Kung nakakamatay lang ang tinginan baka isa sa amin ay patay na. "Wow, magkakilala kayo?" Lalong natuwa si Aaron sa nakikita. Tiningnan naman siya ni Ana ng masama at saka nagwalk-out. Sinundan naman siya ni Tristan. Naiwan kami ni Aaron. Pagkakataon ko na 'to para makausap ang kumag na 'to. "Ano bang kailangan mo sa akin?" "Marami kasi akong tanong at gusto malaman tungkol sayo." "Marami?" Anong kalokohang gusto niya malaman? Simpleng tao lang naman ako. "Oo marami. Nakakapagtaka kasi kung bakit concern sayo si Tristan? Kung bakit galit sayo si Anastasia? At kung bakit close kayo ni Vergel? Sino ka ba talaga?" Lumapit pa yung mukha niya sa mukha ko kaya mabilis akong umiwas at mabilis ding tumakbo. Ang tinutukoy niyang Vergel ay si 'Gelo'. "Bahala ka d'yan!" "Hoy! Saan ka pupunta?" Hindi ko na siya pinansin at tuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makalayo. **** Ten minutes bago matapos ang duty ko rito sa cafe bilang server, cashier, taga punas ng lamesa at syempre minsan delivery girl, all around. "Julia, may nagpapadelivery sa kabilang kalye. Doon sa may motorlandia, apat na milk tea. Pakidala na lang. Salamat!" Hays. Kung kailan malapit na ako mag-out saka naman may pahabol na order. No choice naman ako. Dala ko ang apat na milk tea. Binuksan ko yung mirror glass pagdating ko. "Delivery po," ipinatong ko yung milk tea sa lamesa nila. "Magkano Miss?" "Four hundred eighty pesos po Sir," nahuli kong nakatingin sa akin yung matanda. Habang kumukuha siya ng pera, nilibot ko ang paningin ko. Gawaan ng mga motor dito at kahit ganitong oras may customer pa rin sila. Nakatalikod ang isang lalaking matangkad. Actually, familiar yung likod at buhok niya pero hindi ko na lang siya pinansin. "Miss, ikaw magkano ka?" Napataas ang isa kong kilay. Bastos ka! "Ibigay n'yo na lang ang bayad nang makaalis na ako," pero makulit nakakaloko ang mga gag* at nakuha pang tumawa. Ayaw pa rin nila iabot sa akin ang bayad. Kaya naman kinuha ko yung cellphone ko at may tinawagan ako. "Hello, Police Station. Ako po si Julia Santillan, estudyante at part timer sa-" hindi ko na naituloy dahil pinigilan ako nung dalawang lalaki na kaharap ko ngayon. Pati cellphone ko aagawin.  "Tumigil ka nga!" Suway sa akin nung matanda. "Ayaw n'yo akong bayaran eh! Kaya tumawag na lang ako ng pulis. Tamang-tama malapit lang dito." Mukhang nainis na yung dalawang lalaki kaya sa takot nilang mapapulis. Dumukot yung isa ng wallet at mabilis na kumuha nang pera. Inabot niya sa akin yung 500 pesos. "Keep the change. Umalis ka na!" Akala mo naman ang laki ng tip, bente lang naman. Pero napangiti ako, pulis lang pala ang katapat niyo. Mabilis naman akong umalis sa shop na 'yun at bumalik na sa cafe. Sakto namang time out ko na kaya hinanda ko na ang gamit ko para umuwi. **** "Julia, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay."  "Marami lang akong ginawa sa cafe." Bumaba siya mula sa kanyang kama at umupo sa kalapit ko. "Anong feeling nang nasa section 1 ka?" Napatingin tuloy ako sa kanya nang may pagtataka. Bakit siya nagtatanong sa akin ng ganon? "Ayos lang." "Yun lang? Ang swerte mo kaya, kasi kaklase mo yung mga high class," anong swerte sa section ko? Naparoll eyes ako nang hindi oras. "Sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit ako swerte," tumingin ako sa mga mata niya nang hindi kumukurap. "A-ano kasi... syempre kaklase mo sila Tristan at-" nawalang ganahan akong makinig kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Kung 'yon ang swerte para sayo. Malas naman sa akin." Tumayo na ako at papunta na sa cr para magbihis. "Anong ibig mong sabihin?" Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Simula nung pumasok ako sa room ng Section 1, puro problema na lang ang nakukuha ko. At isa pa, sigurado akong bago pa lang nagsisimula ang kalbaryo ko sa school na 'yon," parang na bigla siya sa sagot ko kaya hindi na siya nakapagsalita. Dumiretso na ako sa cr para gawin ang evening routine ko. **** Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong lumabas muna sa kwarto. Tambay ako ngayon dito sa may hagdan at umupo. ***FLASHBACK*** "Julia, alam mo ba mayaman kami," sabi ng bestfriend ko. "Alam ko, ang laki nga ng bahay n'yo eh!" Nasa canteen kami ngayon habang kumakain. "Marami nga kaming pera kaso nasa malayo naman ang magulang ko. Hindi nila ako love," napatingin ako sa kanya. "Ana, love ka nila. Kaya nga malaki bahay n'yo. Tapos marami pa kayong kotse," nakapout siya sa akin. "Naiinggit ako sayo kasi kumpleto kayo sa bahay. Inaalagaan ka ng mami mo tapos hinahatid ka sa school ng daddy mo. Mahal na mahal ka nila. Samantalang ako..." napaiyak tuloy siya. "Wag ka na umiyak, Ana." "Miss ko na sila." Nakakaawa ang bestfriend ko. "Ou nga pala. Sa susunod hindi na ako rito mag-aaral ng Grade 3," nagulat siya sa sinabi ko. "Iiwan mo rin ako? Saan ka na papasok?" Lalo siyang umiyak. "Wala na kasi kaming pera kaya sa school na lang nila kuya ako mag-aaral sa public." Mukhang nagalit siya. Kaya umalis siya palayo sa akin. "Hindi na kita bespren! Iiwan mo rin pala ako!" ***END OF FLASHBACK*** TIK! "Ay, tae ng kalabaw!" Nabigla ako dahil may pumitik sa harap ko para bumalik ako sa reyalidad. Mga alaala lang pala nang nakaraan. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo," tiningnan ko kung sino yung nagsalita. BwisIt 'to! "Anong ginagawa mo rito?" Sa dami nang tao sa mundo, ito pang mayabang na 'to ang makikita ko bago matulog. "Tss," wala kong ganang sagot. "Pupunta ako sa kwarto ko. Nakaharang ka kasi sa dadaanan ko." Tiningnan ko yung space sa tabi ko, kasya pa naman para daanan. "Bwiset ka!" Tumayo na lang ako. Ngumiti agad siya at naglakad pataas. "Next time wag ka d'yan umupo baka hindi mo namamalayan nahulog ka na pala sa hagdan dahil sa lalim ng iniisip mo," tinatawanan pa talaga niya ako. "Wala kang pakialam!"  "Bumalik ka na sa kwarto mo, maaga pa ang pasok natin. Good night!" Saka siya pumasok sa kanyang kwarto. Kainis! Tiningnan ko yung cellphone na hawak ko at binuksan. Hala, alas dose na pala. Mabilis akong pumunta sa kwarto at ni-lock ang pinto. Humiga ako sa kama at saka pumikit. **** Kadarating ko lang dito sa school. Napansin ko na agad ang madaming estudyante. Anong meron ngayon? May pinagkakaguluhan ang mga estudyante kaya nakitingin na rin ako. Sumingit ako sa maraming tao para makita ko kung ano 'yun. "I don't like this!" Sabay sampal ng cake sa mukha nung babaeng ka-schoolmate namin. Umiiyak na yung babae. Nabigla naman ako kasi ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena. Natakip ko tuloy ang bibig ko. Ohmygosh! "Bagay 'yan sa kanya!" "Buti nga sa kanya!" "Ang lakas ng loob ha! 'Yan ang napala mo!" Kung anu-ano ang mga naririnig ko sa mga kalapit ko. Bakit imbis na tulungan nila, wala silang ginagawa at pinapanuod lang nila. Grabe sila! "Hindi ako kumakain nang galing sa basura!" "Ako mismo ang gumawa no'n," sagot nung babae. "I don't care! Kainin mo 'yang gawa mo na nasa mukha mo na. Agang-aga sinira mo ang araw ko!" Napalunok na lang ako ng laway. Mali yung ginagawa niya. Dapat maappreciate niya yung effort nung babae. Lalapitan ko na sana yung babae para tulungan pero may pumigil sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pagtingin ko si Tristan. "Bitiwan mo ko!" Pangungulit ko. Hinila naman niya ako paalis sa eksena at saka lang niya ako binitiwan nung nakalayo na kami. "Isipin mo muna bago mo gawin." "Mali yung ginawa ni Aaron!" "I know! Pero wala kang karapatan para pigilan siya at wag ka na gumawa nang paraan para tulungan yung inaapi nila." "Why?!" "Wag mo nang tangkain pang tumulong dahil ikaw ang makakalaban nila." "Ano?" Medyo naguguluhan ako. "Hindi ko rin naman masisisi si Aaron. Naging woman hater siya, pagkatapos siyang saktan at lokohin ng mga babaeng minahal niya at iwan ng mommy niya." "Kaya siya bumabawi sa ibang babae?" "Hindi naman dahil do'n. Nakasanayan na rin siguro niya na may nasa saktan." "Paano ka nakakasigurado sa mga sinasabi mo?" "Dahil ako ang nagsimula dati. Hindi lang babae pati na rin lalaki ay napagtitripan." Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon. "I'm sorry!" Umalis na siya at iniwan ako. Ganito ba talaga rito? Awayan? Gulo? Saktanan? Hindi ganito ang gusto ko! "Julia, anong ginagawa mo d'yan?" "Gelo, pwede ba kitang makausap? Ang dami ko kasing tanong," nagnod aman siya sa akin. Nakarating kami sa library at dito na kami nag-usap. May mga kinuha rin siyang libro. "Ganito ba talaga rito? May sinasaktan?" Napatingin siya sa akin. "Bakit mo naman naitanong?" "Kanina kasi may inaaway si Aaron na babae. Sinampal ni Aaron yung cake dun sa babaeng may gusto sa kanya." "Huwag mo na lang kaisipin 'yun. Magsasawa rin sila." "Pe-pero mali na yung ginagawa nila," tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. "Napakabait mo talaga Julia. Advice ko lang sayo, umiwas ka sa mga eksenang ganoon. Baka kasi madamay ka sa pagtulong mo sa kanila," naguguluhan ako. Bakit? Kaya inilayo ako kanina ni Trsitan? "Akala ko low class lang ang sinasaktan nila. Pati rin pala middle class." "Walang pinipili si Aaron. Kapag gusto niyang saktan, sasaktan niya talaga kaya mag-iingat ka sa taong 'yon." Pero mabait siya, kagabi nga magkausap lang kami. "Salamat sa pagsama mo sa akin dito." "Wala 'yon basta kapag may tanong ka pa sa akin, 'wag kang mahiya," ngumiti ako sa kanya. Bigla namang nag ring ang bell. Sabay kami ni Gelo na bumalik sa room, wala si Aaron mukhang hindi siya papasok. Iyon ang kaklase kong mahilig magcutting class. Nagsimula na ang klase pero marami pa rin ang wala. Bahala sila. **** "Guys, si Aaron may binubugbog na naman!" Nagkatinginan naman yung nga kaklase ko sabay takbo lahat. Mga tsismoso talaga! Wait... ano? Si Aaron may binubugbog na naman? Paulit-ulit sa isip ko ang salitang 'yun, na naman! Kaya nakitakbo na rin ako. Ang daming estudyante, ang daming nanunuod. Nakakatakot talaga si Aaron. Sinandal ni Aaron yung lalaki sa pader tapos sinuntok niya yung sikmura. Hindi lang isang suntok, mga sampung suntok. Halos mabugbog na niya yung lalaki. Pero bumangon pa rin siya at naglakas-lakasan. "Akala mo ba natatakot pa rin ako sayo?" Sabi nung nerd na estudyante. Nanghihina na nga siya, nakapagsalita pa nang ganon. "Isa pa?" "Sa pagkakataong ito, hindi na ako magpapatalo sayo!" Halos maghabol siya ng hininga sa sobrang hingal. Tas tinatawanan lang siya ni Aaron. "Mayabang ka bata!" "Mas mayabang ka!" "Talaga lang!" "Sawang-sawa na akong magpaapi sayo!" Susugurin na niya si Aaron pero naunahan pa rin siya sa bilis nang kilos. Kitang-kita ko ang pagbaligtad nung lalaki. Parang tali lang na pinaikot ni Aaron. Halos lahat nabigla. Sh*t! "Kung nagsasawa ka, umalis ka na rito! Dahil mas nagsasawa ako sa pagmumukha mo!" Nakahiga na ngayon yung lalaki sa sahig. Pagtingin ko sa mukha ni Aaron, may hiwa ng isang guhit na maliit sa kanyang pisnge na kagagawan nung lalaking nerd. Lalo siyang nanggigil. Tiningnan ko ulit yung lalaki, halatang hirap na hirap na siya lalo na ngayon habang nakahiga sa sahig. Tapos tiningnan ko ulit si Aaron, sa pagkakataong ito, nakita na niya ako at nakatingin siya sa akin. Naglakad siya ng konti, medyo palapit sa akin hanggang inapakan na niya yung lalaki sa balikat. "A----aray!" Daing nung lalaki habang umiiyak. Tumilapon din kasi kanina yung kanyang salamin sa mata. Tigilan mo na yan, Aaron! "You could have put up with it just a little longer." Mas diniinan pa niya yung pag-apak doon sa lalaki. Mas natakot naman ako sa ginawa niya. "I'm looking forward to what's going to happen to you next." Nakipagtitigigan pa siya sa akin nang limang segundo bago tinanggal yung paa niya sa lalaki. Tumalikod na siya at umalis. Nakakaawa yung lalaki. Gusto ko siyang tulungan. Lalapitan ko na sana siya pero sa pangalawang pagkakataon may humila na naman sa kamay ko palayo sa lalaki. Napasandal ako sa locker at nakahawak siya sa magkabila kong balikat. Si tristan na naman. "Di 'ba ang sabi ko sayo, huwag kang tutulong!" Naguguluhan ako. "Ba-bakit?" "Gusto mo bang mangyari rin 'yon sayo?" Galit na siya kaya umiling lang ako. "Ayaw." "Pwes, tigilan mo sila. Umiwas ka!" Saka lang niya inalis yung kamay niya sa balikat ko. "Simula ngayon sa akin ka lang susunod," Ano? Ang kapal ng mukha. Hindi mo naman ako pagmamay-ari. "Ayaw ko!" Lumapit yung mukha niya sa akin. "Oo na, susunod na ako!" Saka niya nilayo ang mukha niya at humiwalay sa akin. Mygosh! Nakakainis na ang lalaking 'to. "Good," sabay ngiti niya sa akin at saka umalis. Close na ba tayo? Nakakinis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD