"Wow! I miss this, sexy girl!" puri ni Sir Odin matapos matikman ang putaheng Fried Chicken Parm Bites at Garlic Noodles na niluto ni Violet sa kanila. "Thank God, it's not as poisonous as before." Dagdag niya pa na ikinahagalpak nilang dalawa ni Sir River. Wala sa hapag si Sir Vander at nasa kwarto niya yata kaya't silang lima lang ang narito at siyang nag-eentertain sa katol— este kay Violet.
Nagbaba ang tingin ko sa hawak na Pancit Guisado na aking niluto. Habang sila ay nagkakatuwaan sa dining area, heto ako at nakikinig lang sa kanila.
'Mukhang hindi nila tayo kailangan dito ngayon, beshywaps.'
"Of course! Duh?! Ako pa ba?" umirap siya saka tinignan si Sir Mavi na mabagal lang ang pagnguya at tamad na hinahalo ang pagkain sa kanyang pinggan na tila nalulunod na sa kanyang isipin.
"Mavi, baby, why aren't you eating your food?" nakatunghay lang sa kanila ang iba habang ang iba nama'y lumalamon lang sa tabi.
'Baby? Tss. Ang korni ng tawagan ha?'
Tamad ko silang tinapunan ng tingin sa huling pagkakataon at saka na sila tinalikuran. Nahagip pa ng mata ko si Sir Ramses na tumingin sa direksyon ko pero hindi ko na lamang siya pinagtuunan pa ng pansin. Ibinalik ko sa kusina ang hawak na niluto saka na ako pumanhik sa aking kwarto para magpahinga. Pagod pa ang katawan ko dahil sa mga pinaggagagawa namin kahapon pati ang isip ko dahil sa nangyari kagabi, tapos ngayon, pati ba naman puso ko papagurin rin? Napakawala niyo naman yatang patawad?
Napabuntong-hininga ako habang nakatulala sa kisame.
Hindi ko naman dapat 'to maramdaman eh, pero ewan ko ba, pakiramdam ko, na-etsapwera ako bigla. Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi alam ko naman talaga ang papel ko rito sa pamamahay nila . . . Sadyang nasanay lang talaga yata ako na wala silang ibang babae na kinukulit, inaasar at kinakausap bukod sa 'kin.
Ano bang pinagsasasabi niya? Eh ano namang pakialam ko sa kanila?
Napabuntong-hininga ako. Muling sumagi sa isip ko ang nga sinabi ng babaeng 'yon sa 'kin kanina.
"I still love him, and I know that he feels the same way for me too after all what happened to us."
Nag-iwas ako ng tingin at inabala na lang ang aking sarili sa paglilinis ng kusina.
"As I said earlier, they are a bunch of expensive people. Well, me too. So you should expect na hindi kami pumapatol sa mga pipitsuging bagay."
Napalingon ako sa kanya. Parang may iba pa siyang gustong sabihin sa mga salitang binitiwan niya eh.
"Bakit mo ba sinasabi sa 'kin ang mga 'yan?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya at inangatan ako ng kilay na pwede na yatang maging London Bridge.
"I'm a girl too, Miss Maid. A beautiful girl to be exact. And I can see the way you look at my boyfriend."
'Kung maka-boyfriend naman 'to.'
"I can see the desperation in there." Ipinagkrus niya ang kanyang braso. "The desperation for attention, at ganyan ang mga klase ng tingin ng mga malalandi na balak mang-ahas ng boyfriend ng may boyfriend."
Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon sa aking mukha.
Ang hirap talaga kapag nababaliw ka sa pag-ibig . . . Kung anu-ano ang nakikita kaya nagiging assuming na.
Nailing ako.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. At saka, bakit mo ba inaangkin si Sir Mavi na boyfriend mo eh sa 'yo na nga mismo nanggaling na kukunin mo siyang muli? Ang mga bagay na kinukuha, ay iyong mga bagay na wala ka o nawala sa 'yo, so ibig sabihin lang no'n, wala si Sir Mavi sa 'yo. Hindi siya sa 'yo."
Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.
"Saka 'wag kang mag-alala, trabaho ang pinunta ko rito, hindi lalake." Huli kong sabi saka siya tinalikuran.
Marahas akong bumuga ng hangin.
"Anong akala niya sa 'kin, mang-aagaw? Maninira ng relasyon? Kerida? Kabet? Number two? Kaloka ha?! Siya 'tong basta-basta na lang susulpot dito tapos mga walang-kwenta naman ang lumalabas sa bibig. Ganyan nga talaga siguro 'pag nasosobrahan sa singhot ng katol ang babaeng 'yon, tss."
Dahil sa inis na nararamdaman ay tinawagan ko si Eva at doon nilabas ang nga saloobin ko. Mula sa pagpunta ni Violet, sa pagkawala ng atensyon nila sa 'kin hanggang sa mga sinabi niya sa 'kin kanina.
"Imagine Bes, pagbintangan ba naman ako? Eh halos hindi na nga nila ako pansinin dahil lang sa pagdating ng Violet na 'yan eh, sa tingin niya ba magkakaroon pa ako ng pagkakataon na maakit 'yang si Sir Mavi para lang mapunta sa 'kin? Kaloka ha! Saka ang lakas makaangkin eh mag-ex naman sila. Hindi niya pag-aari si Sir Mavi. Hindi na ako magtataka kung siya 'yung dahilan kung bakit sila naghiwalay! Siguro nakahanap siya ng bago kaya iniwan niya si sir!"
Marahil nga ay gano'n ang nangyari.
Tatangu-tangong sagot ko. Kaso ay ang dami ko nang nasabi pero wala pa akong naririnig na sagot mula sa kabilang linya. Wala kundi tunog ng bungangang lumalamon ng chichirya.
"Hoy! Eva, nand'yan ka pa ba? Eva?!"
[" 'Wag ka ngang sumigaw! Oo, nakikinig ako! Sige lang, continue. Mag-rant ka lang d'yan."] sagot niya sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga ako.
"So 'yun na nga. 'Yun lang naman 'yung ikinakasama ng loob ko eh. Tapos dumagdag pa 'yang Violet na 'yan. Pakiramdam ko, hindi na nila ako kailangan dito sa bahay," mahinang sabi ko.
Napangiwi ako nang marinig ang pagdighay ni Eva sa kabilang linya. Ang dami na naman sigurong nakupit nito sa tindahan nila.
["Nagtatampo ka kasi pakiramdam mo na-etsapwera ka?"] tanong niya.
"Oo. Parang gano'n na nga. Kasi naman ang saya-saya namin kahapon. Pakiramdam ko nga tunay na kaibigan at pamilya na ang turing nila sa 'kin tapos may dumating lang na bago, who you na ako, gano'n?" nakangusong sagot ko.
["At dahil doon, naiinis ka do'n sa Ube'ng 'yon?"]
"Medyo gano'n na nga. Kung anu-ano kasing binibintang sa 'kin. Kesyo may balak raw akong agawin si Sir Mavi sa kanya eh wala naman sana."
Hindi ko talaga makalma ang sarili ko sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa akin.
["Ah. So in short, nagseselos ka lang."]
"Parang gano'n na nga—"
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, kasabay ng paglagabog ng dibdib ko.
"A-ano? Hoy, hindi ako nagseselos 'no?! H-Hindi mo ba narinig 'yung mga sinabi ko kanina?!"
["Rinig na rinig ko, Bes. At mula sa mga sinabi mo ay malinaw pa sa sikat ng araw na hindi lang 'yan basta pagtatampo. Senyales na 'yan ng isang sakit na tinatawag na 'selos'. Kasi dahil sa pagdating ni Ube, mababawasan 'yung atensyon nila sa 'yo. Saka, 'di ba sinabi mo noon na unti-unti na kayong nagkakalapit ni Mavi? Eh ano nang mangyayari ngayong may pa-epal jam? Edi waley. Linis-linis ka na naman d'yan. Ang pinagkaiba nga lang, may kaaway kang bruha."] Matapos sabihin iyon ay humagalpak siya ng tawa at hindi ko iyon nagugustuhan dahil pakiramdam ko ay mas inaasar niya lang ako lalo.
"T-Tumigil ka nga! Tigil ano ba?!" Pero parang wala siyang naririnig. Sa inis ay ibinaba ko na ang tawag saka pabalya iyong Itinapon sa kama.
Tumawag nga ako para mabawasan ang inis ko, tapos siya lang naman pala 'tong mambubwisit sa 'kin.
Napahawak ako sa aking dibdib habang dinrama ang pagdagundong ng puso ko roon.
Totoo ba ang mga sinabi niya? Nagseselos nga ba talaga ako? Pero bakit naman ako magseselos eh wala naman akong gus--
Natigilan ako.
'Ano, Ida? Sabihin mo? Ipagpatuloy mo. Hindi ka nagseselos dahil wala ka namang??'
"Hindi ako nagseselos dahil wala naman akong gus—"
Napakagat ako sa aking labi.
Ba't hindi ko matuloy? Ba't hindi ko kayang sabihin na wala akong gus--
Napabaling ako sa aking cellphone nang tumunog iyon. Nang buksan ko ay bumalandra agad ang mensaheng ipinadala ni Eva.
"Alamin mo ang totoong nararamdaman mo, Bes. Tignan mo silang dalawa. Kapag hindi masakit, edi okay, hindi ka nga nagseselos. Pero kapag masakit, 'yung tipong parang pinupunit na ang puso mo, alam mo na kung anong ibig sabihin niyan. Malala ka na."
Buong araw akong ginulo ng mga sinabi ni Eva. May pumapasok na ideya sa isip ko pero agad ko rin iyong sinisipa palabas.
Gabi na at malamang ay wala na rito si Ube, pero hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko. Huling labas ko kanina ay hindi pa rin sila natatapos sa pagkuwentuhan. Ilang beses rin akong tinangkang kausapin ni Sir Vander pero ako ang palaging umiiwas. Naintindihan ko naman ang sinabi niya kagabi pero hindi ko magawang isuksok 'yon sa isip ko. Pakiramdam ko kasi ay nagkakamali lang siya. Marahil ay nadala lang siya sa tama ng alak na nainom niya. At alam ko namang hindi ako ang babaeng para sa kanya . . .
Kinaumagahan ay mukha agad ni Ube ang bumungad pagkabukas ko ng gate. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay na para bang pag-aari niya iyon matapos akong taasan ng kilay.
Nakasuot siya ng isang itim na sleeveless fitted croptop at high-waisted short. Pinaresan niyo iyon ng wide heels na sandal at nakasuot rin siya ng summer hat with matching shades pa. May dala rin siyang maliit na bag na mukhang cellphone lang ata ang magkakasya roon.
'Saan ang outing, ate gurl?'
"Boys?!" malakas niyang pagtawag sa buong kabahayan. "Boys, I'm here!" pagtawag niya ulit, at nang walang matanggap na sagot ay tumingin siya sa 'kin sa bossy'ng paraan. "Where are they?!"
Pinigilan ko ang sariling umirap.
"Tulog pa po. Magigising na rin po 'yon maya-maya. "
Umingos lang siya saka na ako nilagpasan at nagtungong kusina. Pabuntong-hininga akong sumunod at ganoon na kamang ang panlalaki ng mata ko matapos makitang nasa basurahan na ang inihahanda kong agahan.
"B-Bakit mo tinapon?" nagugulantang kong tanong habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nasayang. Bumaling ako sa kanya na parang hindi man lang inintindi at narinig ang sinabi ko. "Hoy, bakit mo tinapon?!"
Tinaasan niya ako ng kilay saka mapang-asar na ngumisi. Naikuyom ko ang aking kamay habang nagtitimpi.
'Kahapon pa 'to eh.'
"Did you just call me . . . 'hoy'? How dare you use that cheap word on me?! You're just a maid here. We're not on the same level for you to just call me like that. Kayang-kaya kitang patalsikin rito if I wanted to."
Napalabi ako sa banta niya pero mas lalo niya lamang pinakukulo ang dugo ko.
"Alam kong maid lang ako rito. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mo kailangang magsayang ng pagkain?! Hindi porket mayaman ka, pwede mo ng gawin 'yan rito. Bahay 'to ni Sir Mavi, hindi sa 'yo."
"You know what? You're so talkative! Ganyan ba ang mga pinaggagagawa mo rito? Sinasagot-sagot mo sila whenever you like it? What an ungrateful b***h!"
Napatingin siya sa kuyom kong kamao saka nang-uuyam na ngumisi.
"What? Are you going to hit me? Sige lang. As what I said, kayang-kaya kitang sesantihin. Let’s see kung saan ka pulutin."
Naglapat ang labi ko at kinontrol na lamang ang aking emosyon. Baka matulad siya kay Jake pag hindi ako nakapagpigil.
Ngumisi siya lalo nang makitang hindi ko siya kayang labanan.
"That's right. Know your place. And just a piece of advice, 'wag assuming, huh?"
Tinalikuran niya na ako at nag-umpisa nang maghalungkat sa kusina. May kung ano siyang niluluto roon. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood lang siyang pakanta-kanta roon.
"Hey maid, wash this one."
Itinuro niya sa 'kin ang ibang sangkap para sa lulutuin niyang fried rice.
Tahimik ko siyang sinunod at nang matapos ay may inutos na naman siya. Pa-isa-isa iyon. Sa tuwing matatapos ako ay may agad siyang isinusunod. At sa napapansin ko ay tila nananadya na siya, kaya sa inis na umuusbong sa 'kin ay naiwisik ko sa kanya ang aking basang kamay kaya't ganoon na lamang ang pagtili niya na halos bumulabog sa buong kabahayan.
"What the hell is your problem, huh? You're really testing my patience, you b***h!" marahas niyang hinila ang aking braso at akmang sasabunutan ako nang pumangibabaw ang ilang boses.
"What's happening?"
Pareho kaming natigilan nang marinig ang boses ni Sir Ramses.
Pabalyang binitiwan ni Violet ang braso ko dahilan para mapaatras ako at saka siya madramang tumakbo kay Sir Mavi. Yumakap siya rito at nanlilisik akong tinignan. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo sa akin ang matiim na tingin ni Sir Mavi.
"What's that noise? Anong nangyari rito?"
Napalunok ako nang magsidatingan na rin ang iba pa.
"That! That b***h happened! She's always getting on my nerves! Let's fire her, Mavi! She's nothing but a nuisance here!!!" nanggagalaiti ang boses niya na kahit hindi ko man tignan ay alam ko kung gaano kasama ang tingin niya sa 'kin.
"Let's go."
Walang kasing lamig ang kanyang boses. At bago pa man siya tuluyang umalis ay tinapunan niya ako ng tingin ngunit siya rin ang unang nag-iwas at umalis na ng kusina. Nang tignan ko ang iba ay hindi ko mabasa ang kanilang ekspresyon.
"Sorry po." Nakayuko at mahina kong sagot.
Buntong-hininga lamang ang narinig ko sa kanila hanggang sa isa-isa na rin silang magsialisan. Tanging si Sir Ramses lang ang natira at naninimbang ang tingin sa akin.
"Hope this won't happen again, Ida. Then bring our food on the music room when you’re finish."
Tango lang ang naisagot ko.
Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko nang mawala na silang lahat sa paningin ko.