-Under the moonlight-
PAGOD na sumalampak si Nevara sa sahig at sumandal sa kama. Pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang lakas niya dito simula lalo ng makilala niya si Prinsesa Delayna. Tinuruan siya nito na magtahi ng kasuotan ng mga diwatang paru-paro. Hindi na niya siguro mabilang kung gaano na siya katagal dito sa imperyo. Ang alam lang niya ay pagkatapos niyang maglinis ay magtatahi naman siya. Ilang beses na siyang sinuway ni Delayna na huwag ng maglinis dahil hindi naman daw niya iyon gawain. Dahil ayaw niyang mapag-initan ng mga nasa paligid niya ay wala siyang magagawa kung hindi kumilos na lang ng kusa.
“Pinapatawag ka ni Prinsesa Delayna.”
Pagod na nilapag niya ang basahan sa maliit na plangganang kahoy at tinangala ang nagsalita.
“Bakit daw?”
Pinandilatan siya ng diwata. “At ano ang iyong karapatan na tanungin ako? Pumunta kana lang!” Pagtataray nito at tumalikod. Umismid naman siya saka tumayo. Pagod na nagtungo naman siya sa silid ng prinsesa. Pagdating niya doon ay naabutan niyang hinahaplos nito ang mahabang tela.
“Ipinapatawag nyo daw ako Prinsesa.” Yukod niya dito. Unti-unti niya ng na-aadapt ang paligid niya. Well no choice naman siya, hindi naman kasi pwede siya umalis dito basta basta hangga’t hindi padin nila nalalaman kung ano ang pakay sakanya ng anino.
“Nabalitaan mo na ba Asteria?” Natutuwang binaba nito ang hawak at nilapitan siya, hinila siya nito paupo sa malaking kama nito.
“Mamaya ay darating na si tadiryaha! Ang sabi pa nila ay nagwagi ito mula sa laban mula sa kaharian ng mga kampana ng kalungkutan.” Masayang balita nito sakanya. Akala niya nga nung una ay isa ito sa mga galit sakanya dahil sa uri niya but she was wrong. Nung umalis si Alaric para sa isang laban ay halos hindi na umalis sa tabi niya si prinsesa Delayna. Wala itong ginawa kung hindi ang makipagkuwentuhan sakanya. Okay naman sakanya dahil gusto niya ring tanungin ito ngunit wala naman siyang nakuha na maayos na impormasyon dahil wala talaga itong alam sa imperyo.
‘Speaking of Alaric..finally makikita ko na uli siya.’
Hindi niya mapigilang mapangiti, ilang araw niya ng hindi nakikita ito.
“Ganon ba, edi mamaya may celebration?” Nakangiting sabi niya kay Delayna.
“Selebra—syon?”
“Ah pagdiriwang ibig kong sabihin.”
“Oo naman! Mamaya ay magtitipon ang lahat, sigurado ako na matutuwa ang Emperatris sapagkat sa tuwing umuuwi si tadiryaha ay dala nito ang hiyas mula sa mga imperyo ng kalaban na natalo nito. Iyon ang kanyang handog sa Emperatris.”
Tumango siya. “Close sila ng mama nya no? I mean magkasundo silang dalawa ano?”
Napalabi si Delayna. “Kahit noong nandito pa ang unang Emperatris ay magkasundo na si tadiryaha at Emperatris Cordelia.”
Napamulagat siya sa sinabi nito.
“Anong ibig mong sabihin na unang Emperatris? So you mean may nauna?”
Napanguso ito at tumango. “Huwag mo sabihin ito kahit kanino ha? Tumakas ang unang Emperatris ng imperyo, siya ang tunay na inayaha ni lakan digma Alaric. Ang sabi nila ay sumama daw ito sa isang varano na galing pa sa imperyo ng apoy. Kaya ganon na lamang ang galit ni Amaha. Alam mo ba na halos mawala ito sa sarili at balak pa na halos lahat ng nilalang sa imperyo ay paslangin bilang alay sa namumuno ng imperyo ng apoy para lamang ibalik ang dating Emperatris?”
Napanganga siya. “Pagkatapos?”
“Mabuti na lamang at dumating sa buhay ng hari si Emperatris Cordelia. Sa huli ay dito nahulog ang Emperador ngunit sa aking nasagap na balita ay hindi na magkakabinhi si Emperatris Cordelia dahil sa sumpa ng kadiliman na hindi namin alam ang dahilan.”
Natigilan naman siya. “So yung anino na iyon at Imperyo ng mga apoy ay iisa?”
Umiling si Delayna. “Magkaiba ang dalawang iyon, sila ang alyansa ng imperyo ng kadiliman. Kaya simula ng mangyari ang paglabas ni anino mula sa ibang mundo ay doon na napagpasiyahan ni tadiryaha na gumawa ng alyansa mula sa limang imperyo ng mga diwata laban sa mga puwersa ng kadiliman. Ang sabi pa nila ay hindi matagpuan ni tadiryaha ang imperyo ng apoy, marahil ay lumayo ang mga ito. Kung naging kagaya lang ako ni tadiryaha ay matutulungan ko siya. Ngunit…hindi sapat ang aking kakayahan na pumaslang kahit ng mahinang kalaban.”
Nakita niyang ngumiti ito ng mapait. “Ang sabi nila ang aking inayaha ay sunod-sunuran lamang dahil ito ay labis na mahina, kaya pinipilit ko na lang na maging matapang.”
Hindi naman siya umimik, nakuwento na din kasi nito na isa sa mga asawa ng Emperatris ang ina nito. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Huwag kang mag-alala, malakas ka din naman. May iba-iba tayong lakas na ginagamit natin sa ibang bagay. Doon pa lang ay lamang na tayo.” Nakangiting sabi niya, ngumiti naman ito.
“Sandali bago ko makalimutan!” Anito at saka tumayo, may kinuha ito mula sa ilalim ng kama nito. Nakita niya ang isang kulay lilac na kahon.
“Ito ang iyong magiging kausotan mamaya sa pagdiriwang. Tignan mo.” Nakangiting sabi nito sakanya, kinuha naman niya iyon at buninuksan. Nakita ang isang makapal na velvet dress na kulay lilac. Marangya ang pagkakahabi ng tela non ay nang hawakan niya ay umilaw pa.
“Woah. Akin to?”
Tumango si Delayna at proud na tinaas ang mukha.
“Oo! Pinaghirapan ko iyan, dalawampung diwata ang inutusan ko na habiin iyan ng maayos.”
‘dalawampu??’
‘’Ah hehe dami naman..” Nakatawang bulong niya at tinakpan ang kahon.
“Salamat prinsesa… ngunit hindi ata ako makakapunta mamaya sa pagdiriwang. Sinabi sakin ni big tiara—I mean ni diwatang Iselda na napupuno ng malalakas na mahika ang mga dadalo mamaya. Mukhang hinding kakayanin ng enerhiya ko ang paligid ko.” Paliwanag niya, napasimangot naman ito.
“Ganon ba..gusto ko pa naman na makita mong suot mo yan.”
Ngumiti siya dito. “Pero huwag kang mag-alala, susuotin ko padin ito mamaya para dumalo sa pagdiriwang ng mga kauri ko mamaya.”
Doon ito ngumiti sakanya. “Ganon ba? Sige kung ganoon ay ipakita mo sakin ha?”
Tumango siya dito at niyakap ang hawak.
“Aalis na ako prinsesa, may kailangan pa ako linisin sa labas.” Paalam niya, nakangiting tumango ito.
“Kung ganon ay bumalik ka dito mamaya ha? Ako ang bahalang mag-ayos saiyo.” Sabi pa nito. Tumango naman siya at tumalikod dala ang bigay nito. Pumunta siya sa silid at nilapag ang kahon sa kama.
“Oh oo nga pala yung binigay na libro ni Alaric.” Naalala niyang bulong at tinaas ang kamay, mula sa palad ay lumabas ang tinago niyang libro. Umupo siya sa gilid ng kama at binuklat ang hawak.
“Unang pahina..” Basa niya.
Doon niya nabasa ang ilang sinabi ni Alaric tungkol sa mga kadiliman. Nandoon din ang kinwento sakanya ni Orla, maging ang sagradong daan at kung gaano ito kahalaga sa imperyo upang huwag mapunta sa mga kalaban.
“….ang mga tao sa imperyo ng apoy ay naka-kadena ang mga paa tanda ng mga sumuway sa utos ng supremo ng batas. Naglalabas ng munting usok ang mga katawan nito at ang sino mang makalanghap ng usok na dala ng mga ito ay maaring sumailalim sa kapangyarihan ng kadiliman at kontrolin ang kaisipan.” Basa niya at nilipat ang page ng hawak.
“Ang mundo ng mga ito ay walang ibang dulot kung hindi paghati at sakit sa sino mang makakapunta sa lugar na ito. Sa mundong tila nalimutan ng araw, ang mga may pusong busilak ay tila sumpang hindi tumatagal. Ito ang lugar kung saan inalay ang mga nilalang na galing sa mga mundo ng mga mortal.’’
Natigilan siya sa nabasa. “So this is the Empire of Fire? Iyong pondasyon ng lugar nila ay galing sa buhay ng mga mortal?” Bulong niya, nanginig naman siya, hindi niya ma-imagine ang lugar na iyon. DIto nga lang ay namamatay-matay na siya e.
“Si anino ang prinsipe ng Imperyo ng kadiliman, mayroon itong kausotan na hinabi sa tela ng mga mababangis na hayop. Ang balat nito ay animo’y isang halimaw na ahas sa sobrang pagkakulubot, may mga maiitim na kuko at ang mukha nito ay galing sa mukha ng isang mabangis na hayop na mayroong mahabang balbas na halos umabot sa talampakan. Ang lasong amoy na hatid nito ay kakaiba na kahit ang mababang uri ay hindi malalanghap.”
Hindi niya namamalayang nahuhulog na pala siya sa pagbabasa, nasa kalahati na siya ng librong hawak nang may tumawag sakanya mula sa labas.
“Diwata, ipinapatawag na kayo ni prinsesa Delayna.”
Muli niyang tinago ang hawak pagkatapos ay tumayo.
“Sige sandali!” Sabi niya at mabilis na kinuha ang hawak.
‘Kahit papaano ay may idea na ako sa sinasabi nilang anino. Just incase lang na muli ko siyang makita kailangan kong ihanda ang isip ko. Sa tingin ko ay may ginawa siya sakin para malimutan ko ang nangyari sakin sa kagubatan.’
--------------
NAPANGITI si Nevara nang matanaw ang lugar ng mga brownies, kahit pa saglit lang siyang nanatili doon ay masasabi niyang mas komportable doon kaysa sa imperyo. Napatingin siya sa suot na mahabang velvet dress bagamat hindi naman iyon kabigat. Pinong-pino ang kulay lilac non na pinapalibutan ng mga nagkikinangan na ginto. Nakapusod pa ang kanyang buhok na paitaas, it reveals her face and neck. May ilang wavy hair na naiwan na tuming sa mukha niya. May nakadisplay pa na mga jewel sa ibabaw ng kanyang buhok at gold ornament. Mahaba din ang kanyang mga suot na hikaw. Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong magtungo sa mga uri niya na ganito ang suot, ngunit mapilit si Delayan kaya no choice siya.
“Asteria!”
Napangiti siya ng malawak ng salubungin siya ni Orla, kasama pa nito si inayaha. Napakaganda ni Orla sa suot na simpleng green dress. May suot pa itong ugat ng puno sa ulo habang nakabraid ang buhok sa likod. Ganon din ang suot ng inayaha, niyakap siya ng mga ito.
“Mabuti naman at nakadalo ka! Nananabik ako saiyo tadiryaha.” Nakalabing sambit ni Orla sakanya.
“Talaga nga namang napakaganda ng aking binhi..” Natutuwang sabi ni Inayaha habang pinapaliguan siya ng tingin.
“Tila ay puro ginto ang iyong kausotan! Hindi kaba pinapahirapan sa imperyo?” Tanong pa ni Orla. Inikutan pa siya ng mga ito habang hinahawakan ang suot niya. Umiling siya.
“Hindi ha, subukan lang nila papalagan ko sila.” Nakangising sabi niya pa sa dalawa. Hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso,
“Kung gayon ay halika na! Magsisimula na ang pagdiriwang!” Masayang sabi ni Orla. Nakangiting nagpahila naman siya sa mga ito. Pagdating nila doon ay hindi niya mapigilang mamangha sa paligid.
Sa ilalim ng maliwanag na buwan ay kumikislap ang mga ilaw ng alitaptap sa lugar nila. Namumukadkad pa ang mga bulaklak sa paligid habang dinadapuan iyon ng mga paru-parong umiilaw. Napansin niya din ang lupa na sa tuwing tinatapakan nila ay gumagawa ng ilaw na kulay asul. Muli siyang tumingin sa paligid, Nakita niya ang mga alitaptap na nagtipon sa hangin. Nagtungo pa ang mga ito sa gitna ng lugar at umikot doon. Napansin niya ang animoy campfire sa gitna na napapalibutan ng mga kauri niya. May sinasaboy ang mga itong liwanag sa apoy. The campfire beat like a living heart, its flames rising higher than normal, glowing in colors of amber, gold, and soft blue at the edges. Ang liwanag pa na nagmumula doon ay umiikot at unti-unting nawawala sa hangin.
“Asteria!”
Napamaang siya ng salubungin siya ng mga kauri niya, may mga dala itong mga bulaklak at inabot sakanya.
“Nakakabighani ka Asteria!” Matinis na sabi pa ng isang babae habang inaabot sakanya ang bulaklak ng lily. Napangiti lang siya sa mga ito. Habang papasok sila sa loob ay nakuha niya ang atensyon ng mga nandoon. Malalawak ang mga ngiti nito pati na ang mga mata ay nakangiti sakanya. Hindi niya mapigilang maalala ang dating buhay niya…
“Pwe! I’m sure she did something to gain approval from management. Nabalitaan nyo naman siguro kung ano ang taste ni boss. Sa itsura pa lang ni Nevara mukhang madali ng bumigay.’
Hindi niya mapigilang kumuyom ang kamao nang marinig ang boses na iyon. Kung hindi lang siya inimbitahan sa red carpet ng boss nila ay hindi siya dadalo. Alam niya kasi ang harap-harapang kabastusan ng mga may ayaw sakanya sa industriya. Kahit pa nasa kabilang mesa ang mga ito ay ramdam niya na siya ang topic.
“For real ba? Kaya pala na-blind item yung dating actor na si Michael dati na may babaeng kasama sa hotel. Hindi ba ayon sa sources ng nagsabi satin ay si Nevara daw ang babaeng yon? Kakabreak lang non sa girlfriend niya tapos sumasabit siya. What a downgrade din ha to think na galing sa prestigious na pamilya yung ex ni Michael.’’
Napailing na lang siya ng marinig iyon. Si Michael ay malapit na pinsan ni Jewel, sabay silang nagtungo sa hotel nito para hulihin ang boyfriend nito na kasama ang ex ni Michael. Both of them are cheaters, dahil may relasyon ang ex gf ni Michael sa boyfriend nito. At si Michael naman ay may relasyon din sa lalaking iyon. It was so complicated that she is being dragged into the issue. Wala ding namang point para para ipaliwanag niya pa ang side niya dahil kumalat na din iyon sa news chika. Isa pa ay kapag ginawa niya iyon ay alam niyang maraming lalabas na baho. Kahit ganon si Michael ay naging part ng buhay niya ito, halos ito ang tumatayong ate nila ni Jewel.
Binalingan niya ang mga nasa kabilang mesa. “Mr.Kei! Balita ko gwapo at bata daw yung pinalit sayo ng ex wife mo ha? I was invited in the wedding e, how about you?” Nakangising sabi niya sa kabilang mesa. Nakita niyang nandilim ang mukha ng lalaking iyon. Nagkibit balikat lang siya at tinuon muli ang pansin sa sariling mesa…
Her life was a total disaster. minsan nga ay gusto niyang magalit sa sarili dahil hindi niya magawang ipaglaban ang sarili. She thinks she deserved it and she like to do it for her love ones. Hindi niya nakilala ang mga magulang kahit pa ang mukha ng mga ito kaya ganon na lang kung gawin niya ang lahat para kina Jewel. They are the most important in her life.
“Asteria! Napakaganda mo, para kang isang ganap na diwata!”
For the first time in her life, naramdaman niya ang mga sincere sa paligid niya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya, kahit paniwalain niya ang sarili na baka nga totoo ang mundong ito ay hindi niya magawa. Nilalabanan niya ang isip na ang mundong ito ay galing sa imahinasyon lamang ni Jewel. Even in the depths of her heart, everything feels vividly real.
‘Kahit ngayon lang..iisipin ko na totoo kayong lahat.’
“Tadiryaha ko iyan!” Proud pa na sabi ni Orla.
“Ngunit mukha kang halimaw sa karagatan kumpara sa sakanya!” Sabi ng isang lalaki kay Orla. Tingin niya ay magkaedad lamang ang mga ito.
“Pano pa kaya ikaw, mukha kang berberoka ng karagatan!” Ganti ni Orla. Nagtawanan naman silang lahat doon.
“Tama na iyan nagsisimula na ang hamog ng buwan ng hamog.” Saway ni Inayaha. Ilang sandali pa ay may apat na brownies na nagtungo sa gitna kung saan ang campfire. Kinumpas ng mga ito ang mga kamay kasunod non ay pumailanlang ang tambol ng mga animoy drum. Gumawa iyon ng tunog sa paligid, nagsimulang sumayaw ang apat na iyon. Nagtatawanan na hinila naman siya ng ibang brownies at dinala sa dinala sa gitna. Malawak ang ngiting nagpaikot sila doon.
“Masayang magdidiwang ang lahat sa ilalim ng hamog ng buwan. Ito ang ating gabi upang mapanatiling malakas ang ating enerhiya!” Nakangiting sabi pa ng isang matandang lalaki.
Naghiyawan naman ang lahat habang sumasayaw. Sounds of music fill the air — drums, flutes, and laughter combine into a rhythm that brings joy to the heart. Sa ilang saglit pa ay lumabas ang animoy hamog sa paligid, mas lalong nagdiwang ang mga nasa paligid niya. With a smile, she raised her hand, the lily clasped between her fingers. She looked at it tenderly, then swayed it through the air, releasing a shimmer of blue dust. Natigilan lang siya sa pagsayaw ng maramdaman ang titig na iyon. Mula sa maingay na paligid ay ginala niya ang tingin. Natigilan siya ng makita ang malaking bulto na iyon sa malayo.
‘Alaric!’
Sandaling tumingin lang siya sa paligid pagkatapos ay tahimik na umalis.
“Lakan digma Alaric! Nandito ka pala?” Nakangiting sabi niya nang magtungo sa binata. He was wearing a white tunic that woven from a fine fabric, may bahagya pang kumikislap sa tuwing tinatamaan ng liwanag. A sash of royal hue drapes across his chest, bearing the symbol of his house, a mark of lineage and honor. May suot pa itong malaking kapa.
“Hinahanap kita sa bulwagan kanina, muntik ko ng malimutan na hindi kaya ng iyong enerhiya ang mga nasa paligid sa Imperyo. Mabuti na lamang at binanggit sakin ni prinsesa Delayna.” Nakangiting sabi nito habang nakalagay pa ang dalawang kamay sa likod. Nagkibit-balikat siya.
“Oo, bakit ka nga pala nandito? Hindi ba dapat ay nasa pagdiriwang ka?”
Tumango lang ito at napatingin sa hawak niyang bulaklak.
“Tapos ko na ang tungkulin sa pagdiriwang, may gusto lamang akong puntahan. Nagkataon lang na kailangan kong dumaan dito.” Sabi pa nito at iniwas ang tingin sakanya. Sinilip niya pa ang mukha nito kung totoo ba ang sinasabi nito.
“Kung ganon pala bakit hindi ka sumama sa akin? Halika! Sure iyon na mag-eenjoy sila kapag nakita ka.” Nakatawang sabi niya pa at akmang tatalikod.
“Ah Asteria mukhang hindi na kailangan. Ayokong sirain ang kanilang pagdiriwang dahil lamang sa aking presensya.” Pigil nito saka hinawakan ang kamay niya.
“Sumama ka sa akin..” Lumawak pa ang ngiti nito.
“Ha? Saan tayo pupunta?” Maang na tanong niya habang nakasunod dito. Nagtungo sila sa dagat, nakita niya pa ang bilog na bilog na tatlong buwan habang ang nasa gitna non ay kulay dilaw. Nagkalat pa ang mga bituin sa kalangitan.
“Doon!” Turo ni Alaric sa isang mataas na malalaking bundok.
“Ha paano---Ahh!’’ Napasigaw pa siya ng bigla nitong hawakan ang beywang niya kasunod non ay umangat ang katawan nila. Doon niya napansin ang malilit na liwanag na parang dust sa paanan nila, iyon ang dahilan kung bakit lumilipad sila.
“Ang taas naman!” Sigaw niya pa sa hangin dahil bumilis pa ang lipad non. Hindi niya napigilang mapayakap sa bewang ni Alaric. Narinig niya ang mahinang tawa nito, napapikit siya ng mariin dahil na din sa lakas ng hangin na humahampas sa mukha niya.
“Narito na tayo..”
Doon siya napadilat ay bumuga ng hangin.
“Ha?” Nakanganga pang nilibot niya ang tingin ng paligid, doon niya napansin ang isang bangin sa harap nila. Napatingin naman siya sa likuran nila kung saan nandoon ang madilim na gubat.
“Nasaan tayo?” Tingala niya sa binata, doon niya napansin na nakayakap pa pala siya dito. Mabilis naman niyang inayos ang sarili.
“Dito ako nagtutungo tuwing natatapos ang pagdiriwang sa Imperyo.” Sabi pa nito at naglakad pa sa bangin na iyon. Doon niya napansin ang maliit na katawan ng punong nakahiga doon.
‘’Halika..” Tinaas nito ang kamay sakanya, kahit pa nagtataka ay hinawakan niya ang kamay nito. Magkasabay silang nagtungo sa punong iyon at naupo. Halos nalula pa siya sa pagsilip niya sa ibaba. Halos hindi niya na matanaw ang ibaba dahil sa kapal na din ng fog non. Nilibot niya ng tingin ng paligid, tanging ilaw lang mula sa tatlong buwan ang kumakalat sa bangin. The rest ng gubat sa likod nila ay madilim na.
“Ah safe ba nandito tayo sa gubat? Ang ibig kong sabihin ligtas ba?” Baling niya pa kay Alaric. Tumango ito habang nakatingin sa itaas.
“Huwag kang mag-alala, nandito tayo sa aking gubat. Sa dulo nito ay may mga nagbabantay. Ang gubat na hindi mo dapat puntahan ay ang labas nito.” Turo pa nito sa parteng malayo. Tumango naman siya.
“Ganon ba..mabuti naman kung ganon.” Sabi niya pa at tumingin sa itaas. Mas lalo pa siyang nagandahan doon dahil halos nasa itaas na sila.
“Congra---binabati nga pala kita. Sinabi sakin ni prinsesa Delayna na nanalo daw kayo sa laban.” Sambit niya dito.
“Maraming salamat, kamusta naman ang iyong kalagayan?” Baling nito sakanya.
“Ayos lang ako, palagi ko ding dinidiligan ang halumina ko kagaya ng turo ni Inayaha.”
“Mabuti naman kung ganoon..’’ Sabi pa nito at may kinuha sa loob ng damit nito. Nakita niya ang isang bilog na animoy token na kulay ginto. May simbolo pa sa gitna non na hugis mata, nagulat pa siya ng biglang dumilat iyon at umilaw.
“….ito ang simbolo ng Kaharian ng kalungkutan. Kinukuha ko ito bilang tanda ng pagsuko nila sa amin.” Sabi pa nito. Naalala niya ang sinabi ni Delayna, siguro ang nasa gitna ng mata na iyon ay hiyas na tinutukoy nito.
“Kaharian ng kalungkutan?” Tanong niya pa dito. Tumango ito at tinaas ang kanang kamay.
“Sila ang kaharian na tinanggihan ang aming pakikipag-alyansa laban sa kadiliman. Kahit pa matagal na naitatag ang aming batas sa pagkakaayos sa aming pagitan wala akong magagawa kung hindi ang labanan sila bago pa mapunta sa kamay ng anino.” Sabi pa nito.
“Siguro mahirap din sayo iyon no?” Hindi niya mapigilang sabihin dito.
“Mahirap ngunit mahalaga na iskaripisyo ang aming pangako sa isat-isa para sa ikaaayos ng Imperyo.”
Nalala niya ang pagpili niya sa novel ni Liselle kaysa sa kaibigan. And she has to do that for Jewel.
“Kaharian ng kalungkutan..ibig sabihin ba non malulungkot mga tao don? I mean nilalang?”
Umiling ito habang nakataas padin ang kamay.
“Sila ang sumasalubong sa mga mortal na galing sa b****a. Ang mga mortal sa labas ay may kakaibang katangian, malalakas ang enerhiya nila kumpara sa ating mga nilalang. Ang tangi nilang kalaban ay ang kanilang emosyon. Ito ang nagiging sentro ng kanilang kahinaan, ang mortal na nakakaramdam ng kalungkutan ay nagtutungo doon nang hindi nila alam. Ang kaharian ng kalungkutan ang tanging daan upang makabalik sila. Ang iba naman ay gusto na lamang manatili doon at kalimutan ang kanilang pagiging mortal.’’
Tumango-tango naman siya, naalala niya ang mga sinasabi sa probinsya sa tuwing may nawawala ay kinukuha daw ng engkanto. Is that connected to them?
‘Baka iyong b****a ang way ko para makalabas?’
“Kung ganon nandoon sa kaharian na iyon yung b****a na sinasabi mo?”
“Matagal na itong nabasag, ang dahilan ng Hari ay nasira ang dalisay nito. Ngunit hindi ako naniniwala, walang hanggan ang basbas dito ng liwanag. Kaya sa tingin ko ay may dahilan kaya iyon nasira. Nabalitaan ko din na ang mga mortal sa labas ay nawawala at ang iba ay kinakain ng punong buhay. Sa palagay ko ay may nangyayaring hindi maganda.”
Napatango na lang siya at sinundan ang kamay nito.
“Hehh??” Gulat na napasinghap siya nang makita ang liwanag na iyon na papalapit sakanila. Nakataas pa din ang kamay ni Alaric habang may lumalabas na liwanag sa palad nito.
“A-ano yan?” Takot na tanong pa dahil malaki ang liwanag na iyon papalapit na sakanila.
“Isa sa mga maliliwanag na bituin.” Sabi pa nito, ilang saglit pa ay bigla iyong lumiit ng makalapit na sakanila. Binuka ni Alaric ang palad, nakita niya ang isang bilog na may kumikinang sa loob.
“Woah for real? Bituin yan?” Nanlalaki pa ang matang sabi niya. Nakita niyang nilagay nito ang bilog na iyon sa mata ng token na iyon. Mas lalo itong umilaw, may kinuha pa itong pouch at nilagay nito iyon sa loob pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya.
“Ito ang simbolo ng pagkapanalo sa laban…itago mo ito kahit saan ka pumunta. Mula sa kislap ng bituin niyan ay malalaman ko agad kapag ikaw ay nasa kapahamakan. Huwag mong aalisin ito sa balot, tanda ito ng walang kahit na sinong nilalang ang mararamdaman ito.” Siniksik pa nito sa palad niya ang pouch na iyon. Nanlaki ang mga mata niya.
“Seryoso ka sakin na to?” Gulat na sabi niya pa. Tumango ito at nakangiting tumingin sa itaas.
“Mas mahalaga ang iyong kaligtasan..” Sabi pa nito, napatitig siya dito. “…para sa imperyo..” dugtong pa nito. Napangiti siya at tinignan ang hawak.
“Salamat ha..”
Ilang sandal niya itong tinitigan, kahit pa hindi niya alam kung bakit naging mabuti ito sakanya. Sa ngayon ay kailangan niyang isantabi ang lahat lalo pa at kailangan niyang malaman ang naging connection nito sa kaibigan niya.