HD 2

1121 Words
"Ohh.. You're still awake." napamulat ako at mabilis na tumayo mula sa sofa nang marinig ko ang boses ni Kevin. Saan na naman kaya siya nanggaling? "Ginabi ka na naman.." maingat kong sabi. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga dala niya.  Binalewala lang niya ang sinabi ko. Tinalikuran niya ako at tumuloy na patungo sa kwarto namin. Malungkot kong pinagmasdan ang mga hinanda ko para sa kanya. Mukhang hindi na naman niya kakainin ang mga ito. Ganito ang eksena namin araw araw. Maghahanda ako ng hapunan para sa kanya at hihintayin siyang umuwi. Ngunit balewala lang iyon sa kanya. Kahit na anong gawin ko ay mali sa kanya. Kahit na ibigay ko ang lahat sa kanya, hindi pa rin 'yun sapat. Para kasi sa kanya, ako ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya.. That incident made everything falls into the wrong place. Mabait naman siya sa akin. Actually, I considered him my bestfriend. He's the only one I have... before. Palagi kaming magkasama ni Kevin. Graduating na kami pareho, at pagka-graduate namin, siya na ang mag te-take over ng kumpanya nila. Architecture ang kurso course ko habang siya's Business Management. Kahit magkaiba kami ng kurso, sabay pa rin kaming umuwi o kaya naman ay maglunch.  Malapad ang ngiti sa aking labi nang makatanggap ako ng text mula kay Kevin. Kaya lang... panandalian lang ang tuwang nararamdaman ko nang mabasa ang mensahe niya.  Kevin: I'm sorry Alex hindi ako makakasabay. Nagpasama kasi sa mall si Bernice. I tried to swallow the lump in my throat. Ano nga ba naman ang laban ko sa girlfriend niya? Yeah.. May girlfriend siya. They've been together for three years. Of course, I am happy for them... especially for Kevin. Pero hindi ko rin naman maiwasan na hindi masaktan kapag nakikita ko siyang masaya kasama si Bernice. Ba't kasi hindi na lang ako ang nagustuhan niya? Lagi naman ako nandyan para sa kanya noon pa man. Bata pa lang kami ay magkakilala na kami. Kaya... bakit hindi niya ako napansin? "Hey, mag isa ka ata ngayon, ah." napatingin ako sa tabi ko. Si Robert pala. Well, I can't say na kaibigan ko siya talaga siya dahil si Kevin lang talaga and tinuturing kong kaibigan. Si Robert naman, kaklase ko. "Yeah.. Kasama kasi ni Kevin yung girlfriend nya."  "Ohh.. I see." tango niya. "Kaya pala loner ka na naman." Sinamaan ko siya ng tingin.  "Ba't kasi hindi ka nalang magpaligaw sa iba?" aniya sabay kindat sa akin. "Ayoko.." "Sayang naman ganda mo.." I rolled my eyes. "What are you doing here, anyway?" pag-iiba ko sa usapan. "N-nothing.. Wanna hang out?" "No. Thanks. Bye." kinuha ko na ang bag ko. Tumayo na ako at naglakad na palayo.  Gusto ko ng makita si Kevin. Bakit ba kasi ngayong lunch break pa naisipan ni Bernice na pumuntang mall? May klase pa ng 2 pm si Kevin. Para libangin ang sarili ko, nagpasya na lang akong pumunta sa library para mag review. May quiz nga pala kami mamaya. Pagdating ko ng library ay napairap ako. Nandoon na naman kasi si Robert. At dahil puno ang library at wala ng available na upuan, tumabi na lang ako sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang presensiya niya. Ngunit ramdam ko ang titig niya sa akin at hindi ako kumportable doon.  "Will you stop staring at me?" inis na sabi ko.  "I just can't resist your beauty.." he said with a big grin on his face. "Uggh!" aalis na nga lang ako. I don't wanna make a scene here. Inis na inis ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan nga ba ako pupunta. "Alex!" nawala ang inis ko ng marinig ang boses na tumawag sa akin. Si Kevin 'yun! Kabisadong kabisado ko ang boses niya. Tumakbo sya papunta sa akin. "Whoo! Ang bilis mong maglakad. Kanina pa kita tinatawag.." Tipid akong ngumiti.  "Oh.. Bat nakakunot yang noo mo? Badtrip ka ata?" Naalala ko nanaman yung eksena sa library. "That Robert guy. He's a jerk!" inis na sabi ko. "Yung kaklase mo?"  Tumango ako.   "I think he likes you.." natatawang sabi niya. "Dalaga ka na talaga!" he patted my head. "Eww.. Kevin.. Don't even... ugh!" "Then why are you blushing? Hmm.. Sasabihin ko sa parents mo na dalaga ka na talaga!" he exclaimed. Patuloy lang siya sa pang-aasar.  Gusto ko sanang isigaw sa mukha niya na SIYA ANG MAHAL KO! Nang gabi ring 'yun, bigla nalang nakipaghiwalay si Bernice kay Kevin. Ang bilis lang ng mga pangyayari. Ang dahilan? May ibang gusto na daw si Bernice. At ang mas masaklap, pinsan ma ni Kevin ang lalaki!  Gusto kong awayin si Bernice dahil sa ginawa niya kay Kevin. Magkasama lang sila kanina, 'yun pala balak na niyang makipaghiwalay. Ito namang pinsan ni Kevin, kilala naman niya kung sino si Bernice tapos papatulan pa!  Apektado rin tuloy ako sa hiwalayan nila. Paano ba naman kasi, gabi-gabi na lang naglalasing si Kevin. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganito. Kung pwede nga lang ako na ang magdala lahat ng sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na. "Ang sakit!" sigaw ni Kevin.  "That's enough, Kevin.." inagaw ko ang bote ng alak na iinumin pa sana niya. "Hey! That's mine!" "I said enough!" sigaw ko.  Tumawa siya... na kalaunan ay naging hagulgol. "I love her, Alex."  "Shh.. You'll be fine.." Nahihirapan man, inakay ko siya papuntang kotse niya. Iuuwi ko na muna sya sa condo niya. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa bulsa niya at ako na ang nag drive. Nagpatulong ako sa isa sa mga attendant sa tower para iakyat si Kevin sa unit niya. "Thanks.." sabi ko sa attendant ng makadating kami. Tumango sya at nagpaalam. Inihiga ko si Kevin sa kama niya pagkatapos ay kumuha ako ng basang towel. Pinunasan ko ang mukha niya para mahimasmasan. I unbuttoned his shirt. Napapalunok ako. Nakita ko naman na ang katawan niya dati, pero kinakabahan ako ngayon. Pakiramdam ko ay may ginagawa akong mali.  Nagpatuloy na lang ako  sa ginagawa. Inangat ko ang likod nya para tuluyan ng matanggal 'yun. But I was shocked when he grabbed my nape and kiss me hard. Sa una ay hindi agad ako nakapagreact, pero kalaunana... tumugon ako sa halik niya.  "Alex.." he opened his eyes and smiled. "Do you want me?" Hinaplos ko ang pisngi niya. I kissed his cheek and whispered, "Yes.." Pinagpalit niya ang posisyon namin. Pumaibabaw siya sa akin.  That night changed everything in our life. Ayaw ko ng isipin pa ulit yun. Humiga na lang ako sa tabi ni Kevin. Tumalikod siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Mabilis na tumulo ang luha mula sa aking mga mata.  Alam ko... na sa paglipas ng mga taon... si Bernice pa rin ang mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD