MMS 1

2263 Words
PINAGSUSUNTOK at tinadyak-tadyakan ng babae ang lalaki habang ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob nito. “Put*ngina ka! Mas masahol ka pa sa malansang isda! Akala ko ba loyal ka sa sariling atin?! You are an asshole! Bakit mo ako pinagpalit sa blue eyes?! Manloloko ka!” Tuluyan nang nagwala ang babae. Lahat ng atensiyon ng mga taong kumakain sa restaurant ay nakatuon dito. Hindi na nakatiis si Calia at hinatak niya ang kaibigan palabas ng restaurant bago pa maging mas malala ang kahihiyan nito. Pilit itong nagpupumiglas pero walang kalaban-laban sa malulusog niyang taba sa braso. Niyugyog niya ang kaibigan nang makarating sila sa parking lot. “Sisterette, pumangit ka na! Kumalma ka muna! Dapat sa walang taong lugar kung gusto mo siyang i-salvage hindi ‘yong napapalibutan ng mga marites!” Malakas na tungayaw lang ang tugon nito. Napabuntong-hininga na lang siya saka inakay ito papasok sa sasakyan niya. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito kaya naman mas pinili muna niyang manahimik hanggang sa mahimasmasan ito. “I-Ikakasal na kami pero bakit naghanap pa rin siya ng iba?” humihikbing tanong nito. “Dapat kasi blue ang contact lense mo, hindi green,” walang halong birong wika niya. Hinampas siya nito at muling tumungayaw. “Pero seryoso, bakit nga ba hindi blue?” “Put*ngina mo, Calia San Miguel!” Itinaas niya ang dalawang kamay. “Pinapagaan ko lang ang loob mo. Tinatanong mo naman kasi ako ng tanong na alam mo na ang sagot, hindi mo lang matanggap sa sarili mo. Kahit siguro ipagduldulan ko ang sagot sa mukha mo ay hindi mo tatanggapin.” “Mahal ko pa rin siya.” “Ibabalik ko lang sa iyo ‘to. Put*ngina mo, Henessey Jimenez! Tara! Magpakalasing na lang tayo.” Pinaandar niya ang sasakyan at nagmaneho patungo sa Elite-cit Club. It is a club exclusively for elite people. This is the perfect place to be wild and free. Pahirapan pa siyang kumuha ng exclusive membership dahil hindi naman pang-dukha ang babayaran. Nakaraming video content pa siya bago mapag-ipunan ang 3 million para sa pinakamababang membership. “Sisterette, let's enjoy tonight. Dito ka maghanap ng ipapalit mo sa gunggong na iyon. Lahat ng klase at kulay ng mga mata ay available rito.” Itinaas baba ni Calia ang mga kilay para hikayatin ang kaibigan. “Bakit ka nag-member dito? Hiwalay na ba kayo ni Jonas?” usisa ni Henessey. Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Hinatak na lang niya ito papunta sa may entrance. Hinarang sila ng dalawang bouncer na nagbabantay. Hinawi niya ang mahabang buhok at ipinakita sa mga ito ang bar code na naka-tattoo sa kanyang batok. Iyon ang palatandaan na miyembro siya ng club. Kaagad silang pinapasok nang masuri nila iyon. Ang bawat miyembro ay puwedeng magdala ng isang excess baggage. Pagpasok sa loob ay sumalubong sa kanila ang malandi at maingay na saliw ng musika. Mayroong dalawang babae ang nagsasayaw sa gitna ng stage. May kanya-kanyang mundo ang mga naroon. There are groups of men just drinking while the others are making out with willing p*ssi*es. Naroon ang mga taong kilala sa lipunan. Mga kilalang negosyante at maging mga sikat sa showbiz ay nagkakasiyahan. Known bachelors and bachelorettes are all present! The ambiance inside is very welcoming. The theme is a mixture of gold, silver and black. Ang mas nakaagaw sa pansin niya ay ang napakalaking chandelier sa pinakagitna ng kisame. Nakakasilaw ang kinang nga bawat diyamanteng nakadikit doon. Naiilawan iyon at nagre-reflect sa bawat kanto at sahig ng club. “The f*ck, Calia! Totoo ang mga chismis! Saan ka nagbenta ng internal organs mo?! Hindi biro ang membership dito!” “Lahat ng ipon ko sa pagba-vlog,” maikling tugon niya. Hindi rin naman gano’n kalaki ang kanyang channel at kinikita pero aaminin niya, ambisyosa talaga siya. Ngayon lang naman niya iisipin ang sarili. Naipa-renovate na ang kanilang bahay at nabigyan na rin niya ng maliit na baboyan ang mga magulang. Nadagdagan na rin ang mga sakahan nila. She's been a good daughter. Wala naman na sigurong masasabi ang mga magulang niya, lalo na ang mga marites diyan sa tabi-tabi. “What?! Are you out of your mind?!” “Ang OA, ha. Para namang wala na akong ipambibili ng pagkain sa reaksiyon mo.” Umupo siya sa stool na nasa harap ng bar counter. “Umupo ka na rin. Sulitin natin ang unli liquor, exclusively for new members only.” “Anong dahilan ng break-up niyo?” intriga nito nang maka-upo sa tabi niya. “No comment.” Sa bartender ibinaling ni Caila ang paningin. “Cosmo, please.” “Daiquiri for me,” segunda ni Hennessey. “Spill the tea, sisterette.” “No need to talk about it. At saka kotang-kota na ako sa broken hearted drama ngayong araw. Magpakasaya na lang tayo at kalimutan ang manloloko at gunggong na mga lalaking iyon!” Sakto namang inilapag ng bartender ang kanilang inumin. “Enjoy your drinks, ladies. And of course, have fun tonight!” She nodded repeatedly. “True! That's exactly our plan. So, who would you recommend?” Inilibot nila ang kanilang paningin sa mga taong nagkakasiyahan doon. Isa-isang in-scan ni Calia sa invisible scanner ng mga mata niya ang bawat kalalakihan doon. She spotted the hottest leading man of primetime, Dylan Garcia. Ininguso niya ang lalaki. “Is he available tonight? Wala bang babaeng bumabakod sa kanya?” “I guess he’s just waiting for his date. Sorry for that, miss,” apologetic na sabi ng bartender. “Eh, sino ang mga puwedeng landiin?” Hennesey challenged, like she's so sure to flirt. “Bravo, sisterette! Ganyan dapat.” “Right! We are all equal afterall. At ngayon patas na kami ng manlolokong iyon!” “Ano na ang recommendations mo? Dapat iyong may banyagang mata, ha,” tanong ulit niya sa bartender na abala na sa paghahalo ng alak ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Just at the right time, a tall man with green eyes sit beside her friend. Ang lalaki ang unang kumausap kay Hennessey at nagkatalakan na ang mga ito. Pero siya, wala pa rin. Ah! Nganga! Inubos na lang niya ang iniinom para naman may silbi ang kanyang pagpunta rito. “Do you see the wall where the symbol of the club is?” Pukaw ng bartender sa atensiyon niya. Iginala ni Calia ang mga mata para hanapin ang pader na iyon. Nasa gilid na bahagi pero parang iyon ang pinakasentro ng club. Nagsalubong ang mga kilay niya nang walang makitang tao roon. “Pinagloloko mo ba ako? Wala namang naka-upo sa pwestong iyon.” “Oh! You’re unlucky today! He’s the best recommendation for you.” “Walanghiya ‘to! Magre-recommend na nga lang ay iyong absent pa! Bigyan mo na lang ako ng pinakamatapang na alak diyan.” Tumingin siya sa kaibigan at sa lalaking bagong kakilala nito. Masaya pa ring nag-uusap ang dalawa kaya pinabayaan na niya. Itinuon na lamang niya ang buong atensyon sa kanyang goal na paglalasing. Wild and free nga, eh. Rawr! “Sisterette, exit muna kami. Doon lang kami sa VIP table. Thank you so much for this!” untag ni Hennesey sa kanya. Bumeso pa ito na tila ang saya-saya, samantalang kanina ay parang magugunaw na ang mundo nito. Ang bilis naman makabawi ng babaeng ito. “Arte ka pa kanina, gusto mo rin naman pala. Kita mo nga, inunahan mo pa akong lumandi! Ang unfair! Bayaran mo ang kalahati ng membership ko rito,” busangot ang mukhang litanya niya. “G*ga! Akala ko ba libre mo sa ‘kin ito?” “Wala akong sinabing gano’n, ‘no!” Magtatalak pa sana si Calia pero tinakpan ng kaibigan ang bunganga niya. “Tama na! Oo na! Iwan muna kita riyan. Ang goal for tonight ay maglasing at lumandi. Go for it, sisterette!” Hennesey cheered her up before she left. “Lumandi? Ni wala nga yatang willing ang magpa-ipit sa malulusog kong mga hita at dibdib, eh,” sarkastikong aniya at nilagok ang margarita na kaka-order lang niya. Tiningnan ni Calia ang bartender at sinuri ito mula ulo hanggang kalahati ng katawan nito dahil iyon lang naman ang nakikita niya. He has tribal tattoos in his both arms. Ang mga maugat na kamay nito ay suwabeng gumagalaw habang nagmi-mix ito ng alak. It looks kinda hot. Tumayo siya para silipin ang nakatago sa bar counter na parte ng katawan nito ngunit hindi niya iyon masilip. “Are you willing?” Napaka-desperada naman niya. Hindi naman halatang gusto na niyang masakop ang sentro ng Northern Luzon. Tumaas ang kilay ng bartender. “Hindi ba dapat ay tanungin mo muna ang pangalan ko, miss?” “Bakit pa?” “If you don’t want to know then I can’t answer your question. Just enjoy your drink, signorina.” Muli itong naglapag ng moscow mule sa harap niya. “L*tse ka! Ikaw na nga ang inaalok, eh. Akala mo naman gwapo. Tanggalin mo nga iyang mask at salamin mo sa mata para malaman kung worth it ang pagtanggi mo sa akin.” “For the second time, I’ll refuse.” Inirapan niya ito. “Kung hindi lang pang-macho ang boses mo, baka isinaboy ko na sa ‘yo itong sinerve mo sa akin.” “Are you that desperate to get laid tonight?” “Hoy, ano ang akala mo sa akin, uhaw sa s*x?” He crossed his arms and looked at her straight in the eyes. “Then why are you offering yourself to me?” Nakipaglaban naman siya sa titig nito. Matapang kaya siya. “Tini-testing ko lang kung malakas pa ba ang alindog ko. Unfortunately, sa maling tao yata ako nag-offer.” Naging mas matiim ang pagtitig nito sa kanya. Hindi siya nakasisiguro kung para saan ang titig na iyon pero mas sigurado siyang biglang umurong ang tapang sa mga mata niya. Para naman kasing narating na nito ang kasulok-sulukan ng pagkatao niya sa klase ng tingin ng lalaki. Nakakapaso ng pagkatao. Binawi niya ang tingin at napabuga ng hininga. “Kung makatitig naman ‘to parang gusto mong mag-yes.” Isang lalaki ang dumating at pumasok sa loob ng bartender station. Tinapik nito ang likod ng bartender. “Che stai facendo li?” What are you doing here? “Sto cercando una moglie.” I’m looking for a wife. “Cavalo!” Holy cr*ap! “Just do your job, will you? Don't mind my business.” Na-out of place bigla si Calia. Hindi niya sigurado kung alam ba niya kung anong lenggwahe ang naririnig. Baka nga minumura na pala siya ng mga ito. May dalawang babae ang umupo sa stool na hindi kalayuan sa kanya at inasikaso ng kadarating na lalaki ang order ng mga ito. “Ay siya pala ang original bartender,” tumatangong wika niya habang nakatingin sa lalaki. “Why? Do you want to offer yourself to him?” “Hindi, ah! Grabe ka naman! Ano namang akala mo sa akin, patakbuhing babae?! Nakamamatay ang maling akala!” “Good to know.” Kumuringring ang cellphone ng lalaki at iniwan na lang siya nang walang paalam para siguro sagutin ang tawag. Ang tanging nagawa na lang ni Calia ay tumunganga at sundan ito ng tingin hanggang sa mawala sa kanyang paningin. Tanggal ang angas niya ngayong gabi! Bukod na sa tinanggihan siya ay iniwan pa nang walang man lang goodbye. She feel betrayed! Pakiramdam niya nawalan siya ng ganang lumandi. Ang maglasing lang ang ma-a-acheive niya. Buti pa ang kaibigan niya, siguro sumisigaw na iyon ngayon. Sinutsutan ni Calia ang bartender na pumalit sa lalaki para magpa-mix ng iinumin niya. She has a high alcohol tolerance. Tanggera na siya noon pa mang nag-aaral siya ng kolehiyo. Lumapit ito’ng may bitbit na isang bote ng mamahaling alak. “Pahingi ng pinakamatapang niyong alak. Now na!” Inilapag nito ang bitbit na bote sa harap niya. She admiringly looked at the expensive bottle of vodka. Hindi siya ignorante, alam na alam niya ang alak na iyon. Ang alak na pan-display at hindi mo gugustuhing inumin para isuka lang pagkatapos. “You can drink this, lady.” Biglang nagpop-out ang eyeballs niya. “Membership ko ngang milyon pesos hirap kong inipon tapos sasabihin mong libre lang ang million dollar na iyan! Isang patak pa lang niyan hindi ko na afford. Paano pa kaya ang isang bote?” “Libre na para sa iyo.” Sa narinig ay tuluyan yatang lumabas ang mga mata niya. “Ay g*go! Huwag mo akong pinapaasa! Nice joke!” “Hindi ko naman sinabing libre talaga ito. Binayaran na ni Izeo. Take it or leave it, miss.” He just shrugged his shoulders. “Ha? Sinong Izeo ang nagbayad nito?” “The fake bartender.” “Ay puta*ngina! Anong akala niya sa akin? Nasusuhulan ng mamahaling alak na gawa sa Swarovski crystals ang bote? Hindi gano'n-gano'n lang ang pangre-reject niya sa akin. Syempre, tatanggapin ko ito. Pakisabing thank you!” “No pressure. Barya lang niya iyan. Enjoy!” Tinalikuran na siya nito at nakipaglandian sa mga bagong dating na customer. Manghang-mangha pa rin si Calia. Hindi niyo kaya! Kinuha niya ang alak at nag-selfie. Nakailang shots muna siya bago nag-post sa kanyang social media accounts. Puwede niya itong gawing content. Titikman niya iyon kapag hindi na siya manghihinayang. Ibenta na lang kaya niya pamalit sa milyones na membership? No! Ipapa-frame na lang niya. Ang galante naman ng naka-one night talk niya. Walang panama sa mga one night stand! This is the best one night talk ever!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD