PAGDATING NI YVONE sa kuwarto ni Dior ay agad niyang inayos ang higaan nito. Isinampay niya rin sa banyo nito ang tuwalya na gamit nito. Kinuha niya rin ang boxer brief na nakasabit sa doorknob. Sa tanda ng amo niya, napakairresponsable pa rin nito sa simpleng bagay. Paglabas niya ng banyo ay napangiwi na lang ang mukha niya nang makita ang amo na kinakamot ang p*********i nito. Nasa loob ng slacks nito ang ang kamay nito. Mas napangiwi ang mukha niya nang makitang inamoy pa nito iyon. “Kadiri,” sabi niya. Napalingon sa kaniya si Dior. Hindi pala siya nito napansin. Nasa harapan kasi ito ng salamin habang guwapong-guwapo sa sarili. “Arte. Bakit? Hindi ka nagkamot ever?” “Nagkamot. Pero sa walang tao.” “Ang taray mo naman. Magiging sa iyo lang din naman ito.” “No thanks.” Napatawa i

