After ng meeting ko nag-message ako kay Queensley para yayain siya na mag-dinner pero sinabi niya na may lakad siya. Nadismaya ako ng malaman kong si Dominic ang kasama niya. Pinigilan ko ang sarili ko na alamin kung nasaan siya. Nagkataon na tinawagan ako ng kaibigan ko at nag-aya na mag-dinner kasama ang mga college friends namin. Nagulat ako ng makita ko si Queensley at si Joshua na pumasok ng restaurant kung saan kasama ko ang mga college friends ko. "What a coincident," natatawa kong sabi sa sarili ng makita ko sila. Saglit ako natigilan ng makita ko tumayo si Dominic at batiin si Queensley. Tinuon ko na lang ang attention ko sa mga kasama ko nagkukwentuhan. Ilang sandali lang ay may napansin akong babae na lumapit sa kanila. Kahit medyo malayo ang pwesto namin sa kanila ay nabasa

