Sinundan ko lang ng tingin si Mark palabas ng tent. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Wala sa loob napahawak ako sa labi ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin nakalapat ang labi niya. Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ako sa labi pero iba ang epekto ng halik niya. Mariin ako umiling para tanggalin sa utak ko ang image niya. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kahit na wala na ang binata ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. "Tumigil ka Queensley hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Hindi siya kasama sa mga plano mo kaya pigilan mo ang sarili mo. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Gulo lang ang mangyayari kapag naniwala ka sa kanya." paulit-ul

