ACCIDent😥.
#Xyrll
Nagising akong parang pagewang-gewang ang sinasakyan ko saka ko lang naalala na nakasakay ako sa chooper.
Wait?
May mali.
Agad akong nagmulat,only to find out na umuusok na ang likurang bahagi ng Chooper.
"s**t! What happened?"Nagpanic na wika ko.
Hindi na makasagot ang Piloto ng bigla na lang akong sinagot ng malakas na pagsabog!
#Zain.
Bakit ganito kakaiba ang kabang naramdaman ko.
Panay lang ang lakad ko at wala pa akong natapos na trabaho kahit isa.
Anong nangyayari sa akin.
Kanina hinatid namin si Xyrll.
Ah si Xyrll kumusta na kaya ang lalaking yon,nakarating na kaya siya sa destinasyon niya.
Ni hindi man lang tumawag.
Nagring ang Cellphone ko kaya agad kung kinuha.
Its Phaton.
"Yes,bro,whats up? What? No hindi totoo yan!"Halos di ako makahinga sa sinabi niya."Hindi pwedeng mamatay si Xyrll!"Hestirikal na wika ko.
"Calm down,!"Malakas na wika nito. "Sumabog ang sinasakyan niya. Kailangan nating puntahan ang lugar na pinagbagsakan,nagtawag na din ako ng mga taong pwedeng tumulong sa paghahanap."Dinig ko na wika niya.
Halos wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Phaton.
Kaya pala may something,kaya pala feeling ko ayaw ko siyang umalis.
Naiyak ako ng maisip na posibleng wala na si Xyrll.
No hindi pwede!
Hindi pwede!
Tahimik lang akong lumuluha sa office table ko.
"Babè!"Dinig kong may tumawag sa akin."What happened?"Si Anya pala. Hindi na ako sumagot basta agad ko na lang siyang niyakap ng mahigpit.
#somewhere.
#no_ones_pov
"Kumusta na siya,anak?"Tanong ng matandang babae sa anak niya. Habang nakatingin sa taong nakahiga sa papag,ilang araw na itong walang malay. At madami din itong sugat na tinamo.
Hindi sumagot ang anak niya.
Panay lang ang pahid nito ng basang bimpo sa noo nito. May lagnat ang lalaki. Dahil din siguro sa mga sugat nito sa katawan.
"Hindi ko alam kung makakaligtas siya Inay."Mahinang wika ng babae.
Napa-antada ang matandang babae dahil sa sinabi ng anak."Diyos ko,kawawang bata,mukhang mabait pa naman ito. Napakagwapo pa at mukhang mayaman."
Napangiti ng mapakla ang babae,mukhang galing nga ito sa Siyudad. Sigurado nag-aalala na ang pamilya nito. Bahagyang hinaplos ng babae ang mukha ng lalaki. Mainit pa rin ito. Kailangang madala ang lalaking ito sa Hospital,nagpunta na kahapon sa Center ang babae at wala man lang siyang nakuhang gamot. Sa lugar nila ang dami ng namatay dahil sa kakulangan ng gamot. At salat din ang pamumuhay ng nakakarami. Kaya namamatay na lang ang mga kababayan niya doon ng walang kalaban-laban. At sigurado isa din ang lalaking ito na napadpad lang din sa Isla nila.
"Sana makaligtas siya Inay,sana sapat ang mga halamang gamot na itinapal natin sa katawan niya."Malungkot na wika ng babae. Sa ilang araw na pamamalagi ng lalaking iyon sa tahanan nila ay nakuha na nito ang atensyon ng babae.
Sana makaligtas pa ang lalaking ito. Sana bigyan pa siya ng pagkakataon ng langit na mabuhay.Mahinang usal ng babae sa isip niya.
#Phaton
Its been hell a week since nangyari ang malagim na accident ni Xyrll,at hanggang ngayon halos wala pa silang lead kung buhay pa ba ang kaibigan.
Yes,hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila na buhay pa ang kaibigan.
Ayaw nilang isipin na tuluyan na nga silang iniwan ni Xyrll hindi nila kakayanin kung sakaling mangyari nga yon.
Pero hindi pa din sila susuko. Kahit abutin pa ito ng matagal,hindi nila susukuan ang paghahanap sa kaibigan.
Kung kailangang isa-isahin nila ang lahat ng Isla ng bansa gagawin nila.
Para mahanap lang si Xyrll.
#After_one_week
#Somewhere
Isang linggo na ang lumipas mula ng mapadpad sa kanilang Isla ang gwapong lalaking ito.
Nagkamalay na siya,pero mahina pa rin siya.
Kung may mga gamot lang sana.
Kaso sa isang linggo pa daw darating ang mga gamot na nirequest niya.
Napahinga na lang siya ng malalim habang buong awang nakatingin sa lalaki.
Bahagya niyang hinaplos ang buhok nito.
Ang gwapo niya.
Mabuti na lang di nagkasugat ng malalim ang mukha niya.
Sayang naman kung magkaroon siya ng peklat sa mukha.
Pero ang katawan niya.
May mga parte pa na napaso ito.
Pero gwapo pa din ito kahit na namumutla.
"Si-sino k-ka?"Nagising na ang lalaki.
"Ahmm,Sir?"Nagulat ang babae kaya di siya makasagot ng maayos. Mas gwapo pala ito kapag gising. Titig na titig sa mukha niya ang lalaki. Kaya napayuko na lang ang babae dahil nakadama siya ng hiya sa itsura niya. Alam ng babae,na kung tagasiyudad ang lalaki,kahiya-hiya ang itsura niya ngayon."Pasensya na po Sir! Ikukuha po kita ng makakain."Wika ng babae,at tatayo na sana siya ngunit napigilan siya ng lalaki.
"Wag mo akong iwan!"Pigil ng lalaki sa babae.
Napatingin na lang ang babae sa.kamay nila na magkahawak.
"Sorry,Miss."Mukhang napansin ng lalaki na naiilang ang babae."Anong pangalan mo?"Tanong ng lalaki sa babae.
"Gabriella po Sir,"Nahihiyang sagot ng babae."Kayo po sir?"Balik tanong naman ng babae sa lalaki.
"Ako si,si..."Nangunot ang noo ng lalaki.
"Sir? Bakit po?"
Mas lalong nangunot ang noo ng lalaki. Parang pilit itong may inaalala na hindi nito maalala.
"Sir?"
"Wala akong matandaan!"Hestirikal na wika ng lalaki."Bakit wala akong matandaan! Bakit? Anong nangyari sa akin?"
"Teka lang po,Sir,huminahon po kayo."Hindi na malaman ni Ella ang gagawin niya. Pinilit ng lalaki na bumangon,pero alam niyang hindi pa nito kaya dahil napaigik na lang ito sa sakit."Sir,wag po kayong malikot."Nanlaki mata ni Gabriella ng makitang dumudugo ang sugat nG lalaki sa ulo."Sir,wag po kayong malikot dumudugo po yong sugat nyo."
"Bakit wala akong maalala? Bakit?"
"Huminahon ka po Sir,nakita ka lang po namin ni Nanay sa dalampasigan at walang malay."
Napahawak ang lalaki sa ulo niya,"Bakit wala akong maalala? Bakit?"Paulit-ulit na wika nito.
Naawa naman si Gabriella sa lalaki. Ang tagal nitong walang malay,tapos ngayong nagkamalay naman ito wala pa itong maalala.
"Tama na po Sir,please makakasama po yan sa inyo!"Hindi na malaman ni Ella ang gagawin kaya niyakap na lang niya ito,para huminahon.
Effective naman dahil unti-unti ng kumalma ang lalaki.
"Tama na Sir,maalala mo din ang mga nangyari baka sa susunod na araw."
Hindi ito sumagot walang makita si Ella na kahit anong reaksiyon sa mukha ng lalaki."Sandali lang Sir,ikukuha kita ng makakain."
Ng wala siyang makuhang sagot ay iniwan na niya ito.
#Ella
Dahan-dahan niyang sinubuan ang lalaki,hindi naman ito tumanggi kaya patuloy lang ang pagsubo niya dito.
"Yan kumain ka para magkaroon ka ng lakas,para gumaling ka."Pagkausap ni Ella sa lalaki na nakatulala."Pagkatapos mong kumain iinom ka ng gamot. Pasensya ka na ha,mahirap lang itong Isla namin. Wala kaming doktor dito midwife lang tapos,wala pang hospital. Konti lang din ang nahingi kung gamot. Pero mabuti na din ito,kaysa sa wala."Kahit hindi naman sumasagot ang lalaki matiyaga niya pa rin itong kinakausap."Pagkatapos,naglaga ako ng dahon ng bayabas mamaya gagamutin natin ang mga sugat mo. Pasensya na ulit ha. Ito lang ang kaya namin."Malungkot na wika ni Ella kung sana may pera sila para madala sa Hospital sa bayan ang lalaki para matingnan ito. Kaso wala. Napakalayo ng bayan halos kalahating araw ang lalakbayin sa dagat bago makadating sa bayan. Isang byahe lang din sa loob ng isang linggo. Napahinga na lang ng malalim si Ella ang dami na niyang sinasabi pero wala pa ring imik ang lalaki.
Tahimik lang ito at mukhang may malalim na iniisip.
Siguro,iniisip nito kung anong pangalan niya. Kung anong nangyari dito. Kaya tumahimik na lang din si Ella..
Ayaw niyang maingayan sa kanya ang lalaki.
Hihintayin na lang din niya kung kailan siya balak kausapin ng lalaki.
Mukha naman itong mabait kaya panatag na din ang loob niya.
"Pasensya ka na Sir wala kaming ilaw dito,hindi pa kasi kami naaabot ng kabihasnan dito.. Baka after 48 years pa bago kami magkailaw dito."
Pero wala man lang sagot ang lalaki kaya nanahimik na lang si Ella,nakakahiya ang kadaldalan niya.😁.