3rd person POV Sumapit na ang pag lubog ng araw, at gaya ng sinabi ng reyna ng Xastron ay lumusob sila sa palasyo ng Darknians upang bawiin si Prinsesa Yuri Kasalukuyang nag aabang lahat ng hukbo sa labas ng palasyo ng Darknians napapa libutan ng siyam na hukbo ang buong paligid ng palasyo bg Darknians "Nakakapag taka wala manlang kawal o tauhan ang palasyong ito"wika ni Indigo saka nilibot ng tingin ang kabuuhan ng labas ng palasyo ng Darknians "Pasukin na natin ang palasyo kamahalan"wika ni Yuan sa reyna ng Xastron Itinaas ng reyna ang kamay niya bilang sagot na HINDI "Mag hihintay tayo dito, hindi natin alam kung anong plano ng kapatid ko,hintayin natin siya ang unang kumilos bago tayo"wika ng reyna habang taimtim na naka tingin sa tarangkahan ng palasyo "Hindi ba kayo nag tatak

