Yuri POV Nandito kami sa silid sabi nila training room daw ito. Nagulat nga ako eh kasi sobrang laki ng training roo. "Sigurado ba kayo na training room ito?"tanong ko. Kasing laki kasi siya ng Araneta Coliseum na may second floor. "Oo naman."sagot ni Sandy. Nilibot ko ang paningin ko. Kanina tinanong ko kung dito ba nag tatanghal ng mga piging o celebration pero sabi nila hindi daw dahil itong Training room ay para lang daw sa kanilang may dugong maharlika. Eh di sana all. "Anong gagawin natin dito?"tanong ko. "Pag aaralan mo kung paano palabasin ang kapangyarihan mo. "sabi ni Jorax kaya napa tingin ako sa kanya. "Para saan naman? Bakit kailangan pa?"tanong ko. "Para pag mangyare'man ang dimaan, mapag tatanggol mo ang sarili mo."sabi ni Yuan kaya nalipat ang paningin ko sa kanya.

