Yuri POV "Jorax ayos ka lang ba talaga?"tanong ko sa kanya habang ginagamot ang sugat niya. "Oo salamat nga pala sa pag ligtas saakin."sabi niya at ngumiti. Hindi ko lubos akalain na magagawa ni Yuan na saktan si Jorax, Ano naman ang laban ni Jorax kay Yuan eh patpatin lang naman itong si Jorax, habang si Yuan ay medyo malaki ang katawan. "May healer ba kayo dito? Yung pag hinawakan gagaling agad."tanong ko. "Si Venus."sabi niya kaya napahinga ako ng malalim, lumabas si Venus kanina at hindi pa bumabalik. Hinawakan ko ang pasa niya sa pisngi niya, grabe, napa ngiwi ako dahil pakiramdam ko ay ako ang napuruhan. Masakit ito sigurado. "Kung may power lang sana ako na mag papagaling sa sugat o isa akong Healer magagamot...." Napatigil ako ng pag sasalita ng makita ko na nawala na ang pa

