Absence

1621 Words
Morning came but still no sign of Magnus but I received a message from him. Magnus: I have a business trip for 2 weeks. Take care always. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging kampante sa sinabi niya o hindi. Gusto ko pa namang gumawa ng iba't-ibang paraan para kulitin siyang i call-off ang wedding pero hindi ako ganoon kasakim para istorbohin siya sa ginagawa sa ibang bansa. Ang selfish ko na nun. The recent projects were approved dahil sa tulong ni Lance. I am not really wise when it comes to costing pero magaling ako sa paghahanap ng alternatives with trusted quality. Napag-alaman kong may bago na naman akong project na ihahandle and this one's important. Angels' Home. May kilala akong napamahal na sa lugar na ito and she's my client now. I wonder how is she? Bago pa ako makalabas papuntang trabaho may natanggap akong di inaasahang tawag. Magnus calling... Shit! Matagal-tagal bago ko sinagot ang tawag. Nanginginig pa ako habang sinasagot iyon. "H-hello?" "Hey, good morning." Damn! Ang ganda ng boses! I mean no! "Morning, napatawag ka?" "Just wanna check-up on you. How are you? Sorry hindi ako nakapagpaalam ng maaga." I rolled my eyes na parang nakikita niya. No need, Magnus. Hindi naman kailangan. Iko call-off ko nga ang wedding diba? "I'm fine, Magnus. I need to go may meeting pa ako." "Take care." Tumango ako. Hindi ko alam pero gusto ko sanang tugunan ang sinabi niya dumadaig lang talaga ang pride ko na iparamdam sa kanya na ayoko talagang i push through ito. Rae informed me that the other board members are present mukhang ako nalang ang inaantay nila. Muntik pa akong matisod dahil sa pagmamadali. "I'm sorry for the late presentation." Tumikhim ang isa sa mga board members at parang tinitimbang ang ekspresyon ng kliyente. The client nodded along with the architects and engineers. Huli nang mapagtanto kong may isa sa kanila na sobrang kilala ko. No way. "Angels' Home is one of my home kaya kung pwede sana eco-friendly lang ang aabutin natin sa project. I am not really good with structures pero I hope we can come up with a simple yet entertaining home?" Si Scarlet ang nagsalita. She's the one who's been into with the kids sa Angels' Home kaya nagpupursigi siyang iparenovate ito para sa mga bata. "Nakita ko na ang design Ms. Scarlet and the costings are fine may ibang pagbabago lang dahil sa quality nito. I need to change the ratio of the mixture sa cement dahil sa tingin ko hindi bagay sa lupa na pagtatayuan so maybe there will be some slight changes with the design." "Yes, Ms. Hynx. In fact nandito ang architect para makapag cooperate sa iyo for the design." Tinaas ko ang kilay ko na parang nagtatanong kung sino ang architect. Kinakabahan ako dahil wala akong ibang makita na pwedeng maging architect sa project na ito. Is he the architect? "Yes, naireview ko na rin ang design and expected ko na ang magiging komento mo Ms. ...Hynx. After this we can improve the design and the rest will be in your hands." Siya nga. Hindi ako makapaniwalang siya ang magiging kasama ko sa project na ito. Taon ang binilang ko para kalimutan lahat pero ito lang? Ito lang ang makakapagpatagpo sa amin? Bumuntong-hininga ako na parang wala lang. This is nothing, Hynx. This is just a project. No more, no less. "Yes, we will. For now, we need to talk about the renovation process and permits Ms. Scarlet. I believe napaalam na ni kuya sa iyo ang mga kailangan?" Tumango ito. Kuya Lynx and Scarlet are close. Nagkakilala kami dahil kay kuya. Hindi ko nga makalimutan kung paano nagtapat itong si Scarlet sa kuya ko na may gusto siya kay kuya. "Hynx, dali na! Ang bagal naman!" Inirapan ko lang si kuya. Kala mo naman kanina pa nakahanda eh bagong ligo pa naman. May dadaluhan kaming party ngayon at gusto niya ako ang date niya dahil ayaw niyang mangulit ng babae daw ngayon. Himala! "Ba't pa kasi ako niyaya mo? Tsk" "Ah basta!" The driver picked us up at hinatid sa venue ng party. Para namang hindi kami mahahalata no na hindi magkapatid pero in fairness hindi naman talaga kami magkamukha. Triplets kami pero parang hindi. "Don't you dare be far from me, Hynx. Malilintikan ka sa'kin." Inirapan ko lang siya. Paano ako lalayo eh nandyan ka. Ngayon ko lang talaga napagtanto na sobrang layo ng nakagisnan namin ni kuya. He is more of a liberated person kumpara sa amin ni Cynx pero mas malala kay Cynx dahil ang batang iyon hindi naman lumalabas. Lumalabas lang 'pag kasama kami. Ako ang average sa amin. Hindi masyadong rebelde hindi rin masyadong mabait kaya nga nagawa kong magrebelde noon pero in the end sinunod ko pa rin sila Mama at Papa. "Red! I'm glad nakapunta ka! Hind ka ata binawalan ng witch mo?" sabay halakhak ng babaeng narinig ko. Witch? Ang weird. "Tumahimik ka nga, ang ingay mo!" "Balita ko nandito ang crush mo! Dali puntahan natin!" Umirap ako. Kaya ang daming napapariwarang mga babae eh dahil sa lintik na crush na iyan. Hindi ko maipagkailang sundan ng tingin ang dalawa. Don't tell me they're going to kuya? I smirked at the thought. Mare-reject ka rin po. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Niyakap siya ni kuya! So ano yun? May pag-asa sila? May sinabi ang babae kay kuya at nagseryoso agad ang mukha ni kuya. Mukhang may confession magaganap ngayong gabi, ah! Sinundan ko silang dalawa sa kung saang lupalop sila mag-uusap. Grabe ang thrill nito! Hinubad ko pa talaga ang heels ko para hindi nila mahalatang sinundan ko sila. Lintek na dress oh ang ikli! "Lynx, may gusto ako sa'yo!" Napaestatwa si kuya sa narinig at dahan-dahang ngumiti. Don't tell me he likes her? Pero gayon nalang ang pagkabigla ko nang sagutin ito ni kuya. "Scar, alam mo ang sagot ko diyan diba?" Hindi sumagot ang babae bagkus ay bumuntong-hininga ito ng sobrang lalim. "Alam ko. I just wanna get this off from myself. Pero thank you!" Hindi ko alam pero naawa ako sa babae. Kung ako iyong nasa posisyon niya iiyak ako. It takes a lot of courage to confess you know. Tinapik ni kuya ang balikat nito at niyakap. "I see you as someone important pero hindi lalagpas sa taong mamahalin ko romantically. Can we stay friends after this?" Nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni kuya. I am proud to hear it from him. At least napalaki kami ng maayos at hindi cassanova si kuya. "Of course, bakit naman hindi?" After that, they were both happy sa party. Tinawag pa nga ako ni kuya at ipinakilala sa kanila. At first, they were cheering for having me dahil girlfriend pero nabatukan lahat dahil katriplet niya ako. Funny how time can change a lot though. Hindi lang tao kundi pati ang puso at ang isip. "Meeting adjourned." Matagal-tagal bago namin na finalize lahat nang kakailanganin dahil na rin sa mataas na proseso nito. Hindi naman siya mahirap pero ang pagrenovate namin ay sobrang sensitive dahil mga bata ang nakatira. They are all orphans. "Hynx" Napalingon ako sa tumawag. The hell! Hindi ba obvious na umiiwas ako? "Yes?" "Can we talk about the project? May kaunting concern lang ako." Tumango ako at sumunod siya sa opisina ko. "What's your concern?" "How are you?" Tinaasan ko siya ng kilay. I knew it. "Look, this is not a concern." "Hynx, ilang taon kitang hindi nakita. I should really be checking up on you. Sa mga nangyari alam kong..." "I'm fine. I'm doing great, actually kaya bakit ka pa nagtatanong?" "I just want to." Mahabang katahimikan ang nangyari sa amin. Gusto kong magtanong pero ayoko. Parang ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko maisatinig. "Nagpapakamusta nga pala si Mama at Papa sa iyo dahil nalaman nilang umuwi ako dito at makakasama kita sa recent project." "Yeah, sure. Pakikumusta nalang din ako sa kanila." "About the project..." Napag-usapan namin na gawing smooth ang walls ng renovation pero sa kabilang side ay matibay. The place we are actually renovating is very old at kailangan ng masinsinang pag-ayos. He told me how he missed me after all those years pero ang tanging naisagot ko lang ay ang pagtango. I don't think we should be reliving those memories again. Tapos na. At ayokong umasa dahil hanggang ngayon nalilito pa rin ako. I was spacing out nang makauwi. Sobrang apektado ako sa pagkikita namin. Nakakainis dahil parang ang dali lang sa kanya na bumalik ng walang iniisip na sakit samantalang ako hindi ko kayang isipin ulit ang mga nangyari. God knows how much I suffered and wasted a lot of times para sa kanya. Lance was the very own person na takbuhan ko noon and he never failed me. Sobrang laki nang naitulong niya sa akin. Bago pa ako makatulog, someone called me at alam ko kung sino. "Magnus" "You okay?" Napadilat ako sa sinabi niya. Paano niya naman mararamdaman iyon? "Yeah" "Face the cam, I think you're tired." Oh damn! Naka facetime pala! "I'm not. I'm just exhausted sa meeting at sa bagong project." "Magtimpla ka ng gatas para makatulog ka." Tumango ako. "Pull up your strap, baby. I can see your n*****s from here." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang nabuhay lahat ng sistema ko sa nalaman. Gustuhin ko mang magalit pero para akong walang lakas na gawin iyon kaya inayos ko nalang. "You're really tired, I can see it. Let's sleep." Tiningnan ko lang siya at tinitigan. Is this the man I've been waiting for? Nalilito na ako sa kung sino man sa kanilang dalawa. Ayoko sa kanila pero bakit parang nalilito ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD