LUIZ’s POV Lumabas ako ng kuwarto at hindi ko na nakita pa si Jessica sa labas. Baka bumalik na siya sa kaniyang kuwarto. Ang sabi niya ay may naghahanap sa akin. Kaya dumiretso ako sa labas. Si Briannah ang nasa labas ng gate. Anong ginagawa niya rito? Lumingon pa ako sa pinto ng bahay. Baka nandoon si Jessica. Pero walang tao. Kanina iniisip kong mali ang nararamdaman ko para kay Jessica. Hindi ko man matukoy at mabigyan ng pangalan ang pakiramdam na iyon, nandito si Briannah na parang sagot para hindi ko maisip ang anumang naiisip ko para kay Jessica. “Luiz, kumusta? Hindi kita nalapitan kanina dahil may kasama ka.” Nasa labas pa siya pero nagsalita na siya. “Anong ginagawa mo rito?” “Binibisita ka kahit wala kang sakit.” Lumingon akong muli. “May kasama ka na pala rito. Siya

