JESSICA’s POV Si Luiz na ang nagtapos nang labahin. Hindi ako makakilos at kumikirot ang nasa pagitan ng aking mga hita. Siya na ang nag-volunteer na magtutuloy dahil nakita niyang nahirapan ako pagbangon sa kama kanina. Hindi puwedeng patagalin ang labahin dahil nababad na sa sabon at tubig. Magkakaamoy ang mga damit kung hindi agad lalabhan. “Okay ka lang,” tanong ko sa kaniya. “Okay na okay, baby. Nakita mo naman, hindi ako napapagod.” Itinaas pa niya ang kaniyang mga kamay. “Nasa kondisyon ang aking katawan, alam mo na,” sabi niya sabay kumindat at sumipol-sipol na naman siya. Masaya nga siya, naka-ilan agad siya, unang araw pa lang namin. “Huwag ka na rin magluto, baby. May pagkain pa tayo d’yan. Tama ang sinabi ko sa ‘yo kanina, ‘di ba? Pero hindi na ako maniningil ng premyo

