Chapter 1: Expectations

1682 Words
Ella's POV Malakas ang t-bok ng puso ko, na tila ba sinasabayan nito ang malakas na hiyawan ng mga tao at tugtog ng musika sa dance floor ng bar. Nasa ikalawang palapag ako ngayon ng Red Nights bar, ang bar na pagmamay-ari ng amo ni mama. Ngayong gabi ay tuluyan ko nang isusuko ang katawan ko sa taong hindi ko kilala. Ngayong gabi kasi ang unang gabi ko bilang isang bayarang babae. Masakit mang tanggapin ay wala akong magagawa. Wala akong ibang choice, ito lang kasi ang alam kong paraan para makalikom ng malaking halaga ng pera sa lalong madaling panahon. "Oh ito Ella, siguraduhin mong gagamit kayo ng condoms para walang mabubuo diyan ha." malaki ang matang ininguso ni Madam Flor ang tiyan ko na kitang-kita ngayon dahil sa suot kong fitted na white tube. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang iniabot nitong plastic box na may lamang isang roll ng tissue, maliit na bote ng sanitizer, at ilang pirasong candies at condoms. "Hala sige na! Huwag mo ng paghintayin pa ang unang customer mo. Baka bawasan pa no'n ang tip mo dahil nainip kakahintay sa 'yo. Bilisan mo na! Ah— nga pala, siguraduhin mong ia-apply mo ang lahat ng itinuro ko sa 'yo kahapon. Tandaan mo, sundin mo ang lahat ng gusto ng customer. Bumukaka ka ng maayos at umungol ng malakas. Kasi kapag nagustuhan ni Sir B ang performance mo, tiyak na bibigyan ka no'n ng malaking tip." paalala nito habang mas ibinababa pa ang suot nitong red tube upang mas makita pa ang kanyang clevage. Kagaya ko ay nakasuot din ito ng maitim na maikling denim shorts at three inches black spool heels. Sa pagkakatanda ko ay nabanggit nitong may kakatagpuin ito ngayong importanteng bisita. Nasa mid-forties na si Madam Flor, ngunit mukha pa rin itong nasa kanyang mid-thirties dahil sa uri ng pananamit at physical appearance nito. Maraming nagsasabi na ito raw ang kabit ni Mayor Recalde, ang Mayor ng bayan namin. Ayon sa mga mosang sa lugar namin, si Mayor din daw ang nagbibigay ng malaking allowance na siyang ginagamit ni Madam Flor para sa kanyang botox, gluta drip, at iba pang maintenance sa katawan. Si Mayor din daw ang backer ni Madam Flor kaya hindi ito mapakialaman ng mga pulis kahit na may mga illegal na nangyayari sa bar nito. Marahan akong itinulak ni Madam Flor paharap sa hallway papunta sa mga silid kung saan pinagsiserbisyuhan ng mga katulad kong bayarang babae ang mga 'customer' nila. Kagat ang labing nilingon ko si Madam Flor habang mahigpit na nakayakap sa kahon na ibinigay niya. Kinakabahan ako, nalulungkot... at natatakot. Hindi ko lubos akalain na matutulad din pala ako kay mama— maging isang bayarang babae. Nagsumikap akong kumuha ng kung ano-anong part time jobs para lang makapagtapos ako ng high school at makatulong na rin sa mga gastusin sa bahay. Pangarap ko kasing makapagtapos ng kolehiyo at makakuha ng marangal at magandang trabaho. 'Yong trabahong kaya kong ipagmalaki at hindi ko ikakahiya sa mga tao. 'Yong trabahong makakapag-ahon sa 'min sa kahirapan para hindi na magbenta pa si mama ng katawan at si Lola Emy ng mga kakanin sa palengke. Ngunit lahat ng iyon ay mananatiling pangarap na lamang sa ngayon dahil lahat ng naipon ko ngayong bakasyon para sana sa nalalapit na pasukan ay nagamit na namin bilang pambayad sa hospital bills ni Lola Emy. Bigla kasi itong inatake sa puso habang nagbebenta ng mga kakanin sa palengke. Malaking pera ang kailangang malikom namin bago matapos ang buwan na ito dahil kailangan nang sumailalim ni lola sa Coronary Artery Bypass Graft operation sa susunod na buwan. Kahit na pinagsama na namin ang ipon ko at ang ipon ni mama ay kulang na kulang pa rin ito. Ayon sa doktor ni lola, kapag hindi pa raw ito naoperahan sa lalong madaling panahon, baka raw mastroke ito o tuluyan nang mawala sa 'min. At 'yon ang hinding-hindi ko kayang mangyari. Alam kong mali ang pinasok ko. Alam ko ring malaking kasalanan 'to sa Diyos. Ngunit wala na akong iba pang magagawa sapagkat ito na lang ang tanging paraan para mailigtas namin si lola. Ngunit kahit buo na ang desisyon ko na isakripisyo ang dignidad at pagk-babae ko, hindi ko pa rin mapigilang mag-alangan at matakot. Sadyang nakapakalupit talaga ng mundo. Kung hindi lang sana namatay si papa sa construction site apat na taon na ang nakakaraan ay hindi sana naging ganito kahirap ang buhay namin. Malakas na napabuntong hininga si Madam Flor nang makita ang takot at pagdadalawang isip sa mukha ko. Though her face is covered with thick and dark make-up, alam kong nag-aalala ito para sa 'kin. Naging malapit na rin kasi ako rito dahil halos tatlong taon na ring nagtatrabaho si mama sa bar nito. "Alam kong natatakot ka. Lahat ng mga babaeng pinasok ang trabahong 'to ay takot din noong una. Pero masasanay ka rin naman kalaunan. Ella, hindi kita pipiliting gawin 'to. Pero isipin mo muna kung bakit ka nandito ngayon. Ngayon lang ulit dumalaw si Sir B sa bar ko. Galante 'yon, lalo na kapag napasaya mo siya. Maraming mga hawak ko ang gustong-gustong pagsilbihan si Sir B ngayon, pero ikaw ang pinili ko dahil alam kong kailangang-kailangan ninyo ng pera. Nangako sa 'kin si Sir B na lalakihan nya ang tip mo dahil virgin ka. Ito lang ang kaya kong maitulong sa 'yo at sa nanay mo. Hindi ko rin alam kung kailan ulit dadalaw si Sir B pagkatapos ng gabing ito. Kaya sana, huwag mong sayangin ang opurtunidad." mahabang saad nito dahilan upang matauhan ako. Bigla kong naalala ang matamis na ngiti ni lola. Ang masarap niyang mga luto, at ang walang kapaguran at marahang pag-aalaga niya sa 'min ni Abigail dahil hindi kami maasikaso nang maayos ni mama dahil sa uri ng trabaho nito. Kaya ko 'to! Ilang beses ko lang naman 'tong gagawin. Kapag nakalikom na ako ng sapat na pera para sa operasyon at maintenance ni lola, titigil na agad ako sa trabahong 'to. Ano naman kung ibebenta ko ang katawan ko ng ilang beses? Mas mahalaga ang buhay ni lola kaysa sa puri and dignidad ko. Hindi naman siguro hihinto ang buhay ko dahil lang hindi na ako virigin 'di ba? Pilit kong pinatatag ang sarili ko. Marahan akong tumango kay Madam Flor, tanda na handa na akong gawin ang trabaho ko. Matamis ako nitong nginitian. "Matapang kang bata ka. Oh siya, lakad na. Galingan mo ha! At 'yong mga bilin ko, 'wag na 'wag mong kakalimutan." muling paalala nito. Muli akong tumango at nagsimula nang maglakad. Ito naman ay bumaba na sa unang palapag ng bar kung saan naroon ang dance floor, mga taong nag-iinuman, at isang katamtamang laki na entablado kung saan may sumasayaw na mga babaeng bayaran kagaya ko. Habang binabaybay ko ang hallway ay unti-unti ng nawawala sa pandinig ko ang magulo at malakas na musika sa unang palapag. At habang naglalaho na ang ingay sa pandinig ko, mas lalo ko namang naririnig ang malalakas na tambol ng puso ko. Tinignan ko ang papel na nasa ibabaw ng box na ibinigay sa 'kin ni Madam Flor. Numero ito ng kwarto kung saan naghihintay sa 'kin ang unang 'customer' ko. Room six ang nakalagay sa papel kaya agad kong tinungo iyon. Nang nasa harapan na ako ng kwarto. Huminto muna ako upang ikalma ang sarili ko. Mabilis pa rin ang t-bok ng puso ko sa pinaghalong kaba at takot. Sana ay hindi mabigat ang kamay ng lalaking pagsisilbihan ko ngayon. Naririnig ko kasi minsan ang mga reklamo ni mama tungkol sa mga customer niyang nananakit daw. Kahit immoral at kasalanan sa Diyos ang gagawin ko ngayon, hindi ko mapigilang magdasal na sana ay medyo maayos naman ang mukha ng lalaking nasa loob ng kwarto. Hindi iyong mukhang ipis, walang ligo, at kaedaran na ni Chavit Singson. Pero may choice ba ako kung gano'n nga ang itsura ng lakaki? Ano bang ine-expect ko sa mga parokyano ng bar ni Madam Flor? Halos lahat ng mga pumupunta rito ay kung hindi driver ng tricycle at jeep o mga minimum wage earners ay mga lalaking may mga asawa't anak na. Pero sabi ni Madam Flor ay ngayon lang ulit dumalaw ang lalaking pagsisilbihin ko ngayong gabi. Ibig sabihan ay hindi siya typical na parokyano ng bar 'di ba? At atleast alam kong walang sakit ang lalaki dahil iyon ang pinakaunang kondisyon ko kay Madam Flor, at nangako naman siyang malinis ang lalaking ia-assign nya sa 'kin. Pero siguro bababaan ko na ang expectations ko ngayon palang para kapag nakita ko na ang lakaking nasa loob ng kwarto, ay hindi na ako madi-disappoint pa. Mabilis kong ini-magine na ang lalaking nasa likod pintong kaharap ko ngayon ay malaki ang tiyan, panot, nagmamantika ang balat, at malaki ang ilong. Napangiwi ako sa imagination ko. Parang hindi ko kaya kung ganon nga ang itsura ng lalaki! Diyos ko Lord, sana naman hindi gano'n! Kaya ko bang makipagtalik sa ganoong klaseng lalaki? Sana ay hindi ko maisipang tumakbo. Kasi kapag tinakbuhan ko ito, hindi lang ako ang malalagot kay Madam Flor kundi mawawalan din ako ng pagkakataong makalikom ng pera. Bigla kong naalala ang tips ni Lizelle kanina, isang prostitute sa bar ni Madam Flor. Kahit magkasing-edad lang kami ni Lizelle na bente-uno anyos, hindi kagaya ko ay may experience na ito ganitong klaseng trabaho sapagkat isang taon na itong nagtatrabaho bilang bayarang babae sa Red Nights. Ang sabi nya ay kapag hindi raw kaaya-aya o hindi niya type ang mukha ng mga nagiging customer niya, pumipikit nalang daw siya. Kaya ganon nalang din ang gagawin ko if ever, pipikit nalang ako. Ang dasal ko lang ay sana mabilis lang kaming matapos. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko tuluyang pinihit ang siradura ng pinto pabukas. Nang mabuksan ko na ang pinto ay agad na bumungad sa 'kin ang isang lalaking nakatalikod. Napatanga ako nang lumingon sa 'kin ang lalaki dahil siguro naramdaman nito ang pagpasok ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Taliwas na taliwas ang itsura nito sa expectations ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD