Chapter 6: Suitor

1980 Words
Ella's POV The mixed smell of medicine and alcohol greeted my nose as I entered the room where Lola Emy is. Nang makita ko itong nakahiga sa kama katabi ang EKG monitor, my eyes instantly swelled with tears. Ang sakit sa pusong makita siyang ganito. Malakas si Lola, may katabaan din, ni minsan kahit sa matandang edad nito ay hindi ko ito nakitang matamlay o mahina. Lagi itong may nakahandang ngiti para sa 'ming pamilya niya. Kaya hindi namin inaasahang may tinatago na pala itong karamdaman. She must have been an actress in her past life. Because she really did well in pretending strong and tough in front of us. Naloko niya kaming lahat na okay lang siya. Napalunok ako nang maramdaman kong parang may bumikig sa lalamunan ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama nito at inabot ang kulubot nitong kamay, ngunit hindi ko mapigilang maiyak nang maramdaman kong halos hindi na gano'n kataba ang kamay nito. Sinabi sa 'kin ni Mama sa text habang papunta ako rito kanina na bumalik na ulit sa normal ang kondisyon nito dahil sa mabilis na aksyon ng mga nurses at doktor. Nang tumingin ako sa mukha niya ay napahikbi nalang ako ng mahina. Malaki ang pinayat nito kaysa sa huli kong kita sa kanya. Ilang araw palang ang lumipas... ilang araw lang ngunit sobrang laki na ng pinayat nito. I looked at Lola Emy who's peacefully sleeping right now. Kung gising lang ito ngayon at nakita nitong umiiyak ako ay siguradong kurot sa singit ang aabutin ko rito. Ayaw kasi nito sa mga mahihina. Ni minsan nga ay hindi ko pa ito nakitang umiyak. Malapit ako kay Lola Emy mula pa pagkabata. Gusto ko kasi ang mga kwento at ang masayahing personality nito. Mas lalo akong naging malapit sa kanya nang magsimulang magtrabaho sa bar si Mama. Nawalan na kasi ito ng panahong alagaan kami dahil lagi itong tulog sa umaga, at tuwing hapon at gabi lang ito gising dahil sa uri ng trabaho nito. Dahil dito, si Lola Emy ang nag-asikaso at nag-aruga sa 'min ni Abigail, ang katorse anyos at nag-iisang nakababatang kapatid ko na babae. Mahal na mahal ko ang nag-iisang lola ko, at ayoko kong mawala ito sa 'min. Kaya kahit ano ay gagawin ko para lang gumaling at makasama pa namin ito ng matagal. "Anak? Nandito ka na pala." narinig ko ang boses ni Mama sa likod ko. Agad kong pinahid ang mga luha ko bago humarap dito. May dala itong isang pitsel ng tubig. "Kumuha lang ako saglit ng tubig sa canteen. Bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan si Aby?" tanong nito saka nilagay ang dalang tubig sa lamesang nasa tabi ng bintana ng kwarto. Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto ng banyo sa gilid ng kwarto, at doon ay lumabas si Aby. Nang makita ako ay agad itong tumakbo palapit sa 'kin saka yumakap ng mahigpit. Niyakap ko rin ito pabalik. Close kami ni Aby dahil bukod sa kaming dalawa lang naman ang magkapatid, nagkakasundo rin kami sa maraming bagay. "Umihi lang po ako, Ma!" anito bago kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. "Hi ate! Kamusta po pala ang work mo kagabi?" curious na tanong nito dahilan upang mapatingin ako kay Mama. Bagama't alam ni Aby na nagtatrabaho si Mama sa bar bilang isang bayarang babae, hindi nito alam na gano'n din ang pinasok kong trabaho. Ang alam nito ay may sideline lang ako bilang waitress sa isang event sa resort sa kabilang bayan, sa bayan ng Masagana o mas kilala bilang Isla Masagana. Hindi namin magawang sabihin ang totoo kay Aby dahil tuwing birthday nito ay hindi nawawala sa mga wishes nito na sana ay tumigil na si Mama sa pagtatrabaho sa bar. Kaya naman alam naming masasaktan ito kapag nalaman nitong nagtatrabaho na rin ako sa bar. Kahit marami na kaming naranasang paghihirap ay ayoko namang tanggalin pa ang paniniwala nito sa effectiveness ng birthday wishes. Gusto kong maenjoy nito ang mga birthdays niya at patuloy na maniwalang balang araw, magkakatotoo din ang mga kahilingan niya. Ayokong pati 'yon ay mawala sa kanya, masyado pa itong bata para mamulat ng maayos sa kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa buhay namin. Tama na ang sakit na naranasan nito dahil sa uri ng trabaho ni Mama, pagkamatay ni Papa, at ang pagka-ospital ni Lola. Malungkot na umiwas ng tingin si Mama. Alam kong masama pa rin ang loob nito sa naging desisyon kong pasukin ang trabaho nito. Ayaw niya mang matulad ako sa kanya ay wala siyang magawa dahil hindi niya naman kayang kitain ang pampaospital ni lola ng mag-isa. Tumingin ako kay Aby saka ngumiti. "A-ayos lang. Masaya— este nakakapagod pala." Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil sa naging sagot ko sa tanong nito. Anong masaya?! Paano naging masaya 'yon gayong wala nga akong napala kundi sakit ng katawan! "Nga pala, Ma. Ano pala ang lagay ni lola ngayon?" pag-iiba ko nang makitang magtatanong pa sana ulit si Aby. Naglakad ako palapit kay Mama na ngayon ay nakaupo sa may sofa. Napakunot ang noo ko nang mapansing solo pala ni Lola ang kwarto. "At bakit nandito si Lola at hindi do'n sa ward?" dagdag ko. "Stable na ang kondisyon ng Lola mo sa ngayon, pero kailangan niyang operahan bago matapos ang linggong 'to. At kaya nandito si Mama sa kwarto na 'to ay dahil kinuhanan ko na siya, may kamahalan man pero mas okay na rin ‘to. Ang sabi kasi ng doktor ay mas tataas ang tyansa na maging successful ang operasyon kapag nakapagpahinga ng maayos si Mama. Alam mo naman sa ward, medyo magulo do’n at maingay. At siya nga pala ‘nak, may magandang balita ako sa 'yo. Pero bago 'yon, sino pala muna 'yong gwapong lalaking nakatambay sa harap ng kwarto na 'to? Kilala mo ba 'yon?" mahabang eksplenasyon ni Mama, ngunit nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito. Lalaki? Sinong lalaki? Hindi kaya—? Mabilis akong lumabas ng kwarto at doon nga ay nakita ko si Matthew. Nakasandal ito sa pader na kaharap ng pinto. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito. Nang makita ako nito ay agad itong lumapit sa 'kin. "Nakalimutan mo." malumanay na sabi nito saka inabot sa 'kin ang itim na tote bag ko. Hindi ko namalayang naiwan ko pala 'to sa karinderya kanina, at nakalimutan ko ring sumama nga pala ito sa 'kin. Nang matapos ko kasing mabasa ang mensahe kanina ay wala na akong sinayang pang oras at mabilis na pumara ng tricycle papunta rito sa ospital. Ni hindi nga ako nakapagbayad ng pamasahe, kaya malamang ay ito ang nagbayad para sa 'kin dahil kaming dalawa lang naman ang sakay ng tricycle na pinara ko kanina. Masyado akong preoccupied sa pag-aalala kay Lola na nakalimutan kong sumama nga pala ito sa 'kin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya. Mabilis kong tinanggap ang bag saka kukuha na sana roon ng pambayad sa trycicle nang magsalita ito. "Huwag mo na akong bayaran, libre ko na 'yong pamasahe natin kanina." anito habang may maliit na ngiti sa labi bago nito inabot ang hawak niyang dalawang box ng pizza at isang litrong soft drinks. "At ito rin pala, pangmeryenda ninyo. Binili ko kanina habang naghihintay sa 'yo rito. Mainit pa 'yan." dagdag pa nito. Napatulala ako habang nakatingin dito. Ano bang nakain ng lalaking 'to at ang bait-bait sa 'kin? At totoo ba talaga ang sinabi nito kanina na gusto niya akong ligawan? Pero bakit ako? Hindi ba nito naisip na simula ngayon ay kung kani-kanino na ako makikipagsiping dahil sa uri ng trabahong pinasok ko? Hindi ba ito nandidiri? Okay lang ba sa kanyang kung kani-kanino makikipagt-lik ang girlfriend niya? "Ate! Sino 'yang kausap mo?" rinig kong tanong ni Aby. Nang lingunin ko ito ay nakasilip ito sa pinto, pati si Mama ay nakasilip din. Hindi ako makasagot sa tanong ni Aby dahil hindi ko rin alam kung paano ko ito ipapakilala. Anong sasabihin ko? Na ito ang naging customer ko kagabi? Pero kapag sinabi ko 'yon ay malalaman ni Aby ang trabaho ko. Napahinto ako sa pag-iisip ng isasagot nang biglang magsalita ni Matt. "Magandang umaga po, tita. Ako po pala si Matt, manliligaw ni Ella." magalang na pakilala nito kay Mama habang nakangiti, dahilan upang umawang ang labi ko sa gulat. Hoy! Anong sinasabi ng lalaking 'to?! Seryoso ba talaga siyang gusto niya akong ligawan? "M-magandang umaga rin." halata ang gulat sa mukha ni Mama. Hindi siguro nito inaasahan ang sinabi ni Matt dahil wala pa akong pinapakilala ritong manliligaw. "Ah, para po pala sa inyo." inabot ni Matt ang pagkaing hindi ko tinanggap dahil tumitig lang ako rito imbes na tanggapin ang bigay nito. Si Aby ang tumanggap sa pizza at soft drinks. "Wow, pizza! Salamat po, kuya Matt!" masayang saad ni Aby. Kuya? Sinong kuya niya? Gusto ko sanang pumalag sa mga nangyayari nang muling magsalita si Mama. "Salamat, hijo. Pasok ka muna rito para mapagsaluhan natin ang dala mo." alok ni Mama. "Oo nga po!" pagsang-ayon naman ni Aby. Aba! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Bakit ang friendly ng pakikitungo ng dalawang 'to kay Matt gayong ilang minuto pa lamang noong nakilala nila ito? Pero kapag taga sa 'min ang nagpapahiwatig na ligawan ako ay kuntudo babala at pigil naman silang dalawa. May favoritism lang? May pogi privilege? At excuse me, Ma?! Hindi ba't sabi mo sa 'min na hindi basta-bastang magtitiwala sa mga lalaki? Kaya bakit willing kang papasukin agad ang lalaking ito sa kwarto ni Lola?! Kahit walang masamang motibo o intensyon si Matt, hindi ba't sobrang bilis naman yata ng lahat? "Naku, gusto ko po sana kaso may aayusin pa po kasi akong sasakyan ngayon, kaya kailangan ko na pong magpaalam." nanghihinayang na sagot ni Matt. Pinanlakihan ko ng mata sina Mama at Aby dahil parang disappointed pa ang dalawa sa pagtanggi ni Matt. Nasa likod ako ni Matt kaya hindi nito kita ang ginawa ko. "Kung gano'n, wala kaming magagawa. Ingat ka pauwi, hijo." saad ni Mama na siyang ikinatango ni Matt. "Mauna na po ako, Tita at..." tumingin ito kay Aby dahil hindi nito alam ang pangalan ng kapatid ko. Agad namang ngumiti si Aby bago nagpakilala. "Abigail po ang pangalan ko, Aby nalang po for short." magalang na saad nito. Tumango si Matt bilang tugon saka tumingin sa 'kin. "Una na ako, kita nalang tayo bukas." nakangiting paalam nito sa 'kin bago muling magpaalam kila Mama saka umalis. Natulala ako sa sinabi nitong magkita nalang daw kami bukas. Magkikita saan? Inalis ko na lamang 'yon sa isipan ko. Kahit hindi na ito magpakita pa sa 'kin ay okay lang. Noong papunta kasi kami kanina rito sa ospital sakay ng tricycle ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Madam Flor na nabayaran na raw ang nasira naming kama ni Matt kagabi. May nagbayad daw no'n sa kanya, at kung sino ay hindi na nito sinabi pa. Pero hula ko ay baka may inutusan si Matt kasi may katext ito sa cellphone niya habang nasa byahe kami at base na rin sa sinabi nitong siya na ang bahala. Ngayong wala na akong kailangan pa rito ay wala ng dahilan pa para magkita kaming dalawa. Mas okay nga kung biro lang nito ang sinabi nitong gusto ako nitong ligawan dahil wala rin naman itong mapapala sa 'kin. Wala akong balak magpaligaw at pumasok sa isang romantikong relasyon gayong pagiging bayarang babae ang pinasok kong trabaho. Marami rin akong problemang kailangang harapin at solusyunan ngayon. Kaya wala akong panahon para sa mga gano'ng bagay. Kaya dapat hindi ko na ito isipin pa at pagtuunan ng atensyon dahil wala naman kaming pag-asa. Ngunit bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang? Natigil ako sa pag-iisip nang itulak ako ni Aby papasok sa kwarto ni Lola Emy. "Kainin na natin 'to bago pa lumamig ang pizza, Ate!" masayang saad nito. Wala na akong nagawa kundi magpatulak dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD