Yasmine I STARED MYSELF in front of the mirror, napahimalos ako ng tubig at basa ang mukha ko. Malalim na pagbuntong hininga ang aking pinakawalan, sa pag-angat ko muli ng aking ulo ay nakita ko si Chennen sa repleksyon ng salamin na nakangisi. “My, my, my, Baby Yasmine.” Pagak siyang natawa at umiiling na lumapit sa tabi ko. “Ang laki ng pagbabago ng sitwasyon, ang dating binu-bully noon ay siyang pinagtatanggol ngayon.” I swallowed hard, tila may bara sa lalamunan ko habang nakatitig sa kanyang mukha sa repleksyon ng salamin. Hinarap ko siya at walang emosyon na tinignan. “Your right, ang dami ngang nagbago. Ang laki ng pinagbago mo,” I stated. The sweet and charming Chennen was gone, she looks firm with her red lipstick, they way she move wasn’t genuine like before. Saglit na n

