Yasmine
BUMALIK NA KAMI ni Chennen para magbantay sa booth namin, hindi pa namin nalilibot ang ibang booth pero may oras pa naman para bukas. Nakaupo lang ako at nililista ko ang magpapakasal sa araw na ‘to.
“Nalista mo na ba yung pangalan nina Ross at Alicia? Mamayang 3PM daw sila,” pagpapaalala sa akin ni Chennen.
Tumango naman ako.
“Yas!” biglang tawag niya matapos ang ilang minuto ang lumipas.
Napatalon ako sa boses ni Chennen. Kaming dalawa lang ang nasa room dahil nagpaalam yung dalawa pa naming partner na kumain.
Nagmamadali siyang lumapit sa akin.
“Umalis si Andre, wala tayong pari.”
“Ano naman? Wala pa namang ikakasal,” kalmadong usal ko.
“Meron.”
I looked at her.
“Sina Stan at Marrison, nagpalista ang kaibigan ni Marrison at ngayong oras daw,” she added.
I pouted my lips, biglang kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Stan.
“Kasal agad?” I murmured to myself.
“Ano na? Ikaw muna pari.”
Namilog ang mga mata ko at marahas na tumayo. I shook my head and turned my back at her.
No way!
“Babae ako, Chennen. Humanap ka ng lalaki.”
Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng mga peking bulaklak.
“Papunta na daw sila, sige na Yas!” pamimilit niya at pumunta sa harapan ko.
“Bakit ako? Bakit hindi ikaw?”
Natigilan siya sa tanong ko.
“Yas naman! Kailangan tayo ang may maraming pera na maipon sa event na ‘to. Kung sino ang mananalo ay magkakaroon ng trip to Villanueva,” she said excitedly.
Ang maiipon na pera ay idodonate sa charity, syempre kung sino ang may pinakamaraming naipon na pera ay may libreng trip sa Villanueva ang buong section. Lahat ng mga kababaihan ay gustong manalo para makita ang probinsya ni Rino at Stan.
“Hindi rin naman ako sasama kapag nagkataon,” I chuckled in victory.
Nakarinig na kami ng ingay at kumpulan ng mg students sa labas ng room, hindi ko namalayan na sinuot na sa akin ni Chennen ang damit pangpari at inalagay sa palad ko ang peking libro.
“Chennen!” pigil ko pero mabilis na siyang pumunta sa pinto para salubungin ang dumating.
Pumasok ang babaeng nakapeplum skirt at off-shoulder, nakaponytail siya habang hila-hila ang simangot na si Stanfield Santiago. Pinagkakaguluhan sila ng mga students.
“Stop! Ayoko nga,” masungit na usal ni Stan at saglit sinulyapan ang marriage booth.
Napaayos ako ng tayo at pumuwesto sa gitna, wala na akong magagawa kundi ang magkunwaring pari para sa dalawang tao na kunwaring ikakasal.
“Come on! This won’t take long,” pamimilit ni Marrison sa banayad na boses.
Nakita ko palihim na masungit na pag-irap ni Stan kay Marrison, halatang napipilitan at iritado na. Pero peki itong ngumiti ng tipid matapos sulyapan ni Marrison.
“Alright! For you, I’ll do this,” Stan said in his fake sweet voice.
Napataas ako ng isang kilay sa pinapanuod.
Marrison clapped her hands in excitement. Narinig ko ang tuksuhan ng mga kaibigan niya sa pagpayag ni Stan.
Sinuot na ni Marrison ang belo, tinutulungan pa siya ng iilang mga kaibigang babe nito.
I stood up properly when I saw Stan walking on my directions, hindi siya nakatingin sa akin, he just walked like a king like no one deserves his stares.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang papel, nasa tabi ko na si Stan ngunit tila isa pa rin akong hangin sa kanya. Ni hindi niya ako sinulyapan, wala ring pakialam. He inserted his one hand on his pocket, annoyed at halatang napipilitan. I stared at him filled of adoration and amusement, hindi ko inasahan na maglalapit kami sa ganitong paraan.
CHENNEN THUMBS UP, gesturing that we should start. Nagsimula na ang marahan na tugtog at kasabay nun ang unti-unting paglakad ni Marrison na tila akala mo nasa isang kasal talaga.
“Damn! Ang tagal naman.” I can feel the insincerity on Stan's eyes, he obviously don't like Marrison that much. I think he is just playing around.
I heard Stan murmured to himself and secretly glanced at his expensive wristwatch.
Ang mellow song ay ramdam ko lalo na nasa tabi ko si Stan, sobrang lapit ko sa kanya. Isang lingon niya lang sa akin ay magkakaharap na kami. Magsasalubong na ang mga mata namin. Pero ang sakit sa dibdib dahil kahit gaano siya kalapit sa akin ay napakalayo niya naman para maabot.
Huminto na si Marrison sa tapat ni Stan, they faced each other, staring at each other like no one is watching them.
Lumanghap ako ng hangin at sinulyapan ang papel na hawak.
“Marrison Peterson, do you take, Stanfield Santiago, to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forwards, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to nurture him and to grow with him throughout the seasons of your life together?" I uttered while staring at Stan.
Naiinip na siya at pinipigilan ang pagsalubong ng dalawang kilay. How Marrison could not notice that Stan is faking all of these?
“I do,” she mumbled sweetly as she quickly glanced at me.
Tumikhim ako nang si Stan na ang balingan ko, ang dibdib ko ay ayaw paawat sa lakas ng pintig.
“Stanfield Santiago,” I stopped when he glanced at me using his cold deep eyes. “Do you take, Marrison Peterson, to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forwards, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to nurture her and to grow with her throughout the seasons of your life together?”
He chukled like there is something funny about what I said. Talagang napakaarogante niya.
“Of course,” he stared at me, “I do.”
Tumagal pa ang titig niya sa akin dahilan para mawala ako sa tamang wisyo.
I blinked twice when I saw him remove Marrison’s fake veil.
“Sa forehead lang, bawal ang halik sa labi,” I automatically said.
Nakita ko ang panandaliang pagsimangot ni Marrison sa pahabol kong sinabi.
“It’s okay, I already tasted your lips,” Stan whispered to Marrison while putting some strands of hair behind her ear.
Napataas ako ng isang kilay sa narinig lalo na sa banayad na tawa ni Marrison. Stan kissed her on the forehead, kasabay nun ang sigawan ng mga manunuod.
Isang sulyap pa kay Stan bago ko sila tinalikuran, agad namang lumapit si Chennen na may dalang marriage contract kuno at wedding ring sa bagong kasal.
Napahawak si Stan sa batok niya habang pinapakita ni Chennen ang wedding ring at may kung anong pinapaliwanag sa kanila.
Nakalimutan ko na sa gitna pala ng seremonya dapat isuot nila sa isa’t-isa ang wedding ring, pero dahil sa pagkabahala nang makita si Stan ay nawala na sa isip ko ang tamang proseso ng marriage booth.
Tsaka ano naman ngayon? Hindi naman totoong kasal ito.
Pagod kong tinanggal ang damit at umupo matapos umalis sina Stan at Marrison na magkasama. Lumapit na sa akin si Chennen na nakapeace sign pa at nahihiyang ngumiti.
“Success! Marami na tayong pera na nakuha,” she said happily.
Tipid lang akong ngumiti at muling inalala ang nangyari kanina lang, ang bawat titig ni Stan sa akin ay sinaulo ko, hindi ko gustong kalimutan ang nangyari sa araw na ito.
Nakaupo ako ngayon sa bench at tahimik na kumakain habang tanaw ang malawak na field kung saan wala pang students na soccer player ang naglalaro dahil sa mainit na sikat ng araw. Kapag dapit hapon na ay siguradong maraming students ang makikitang nakaupo sa playground, yung iba ay naglalaro… yung iba nakatambay.
Ang dali lumipas ng panahon, the last time I remember, we are enjoying the foundation day. But days passed so fast, natapos ang school year at another school year enters again. First day of being a grade 11 student ko ngayon, ang dali lang ng panahon.
Nothing happened special after the foundation day, tumambak ang gawain ko at naging abala ako sa school activities at paghabol ng grades ko para maging top 1. Stan and his friends? Tanging pagtingin lang sa malayo ang nagagawa ko, hindi ko na rin naman sila nalapitan pa.
“Sorry, am I late?” Chennen said while wiping the sweat on her forehead.