Yasmine NAGMAMADALI AKONG pumasok ng kotse at binuksan ang makina tsaka pinaandar iyun palabas ng probinsya. Ate Selena kept on calling me, sinabi niya na pasakay na sila ng eroplano. Hours later and they will arrive at the airport kaya kailangan kong magmadala para maunang dumating bago ang paglapag ng eroplanong sinasakyan nila. Hindi ko maiwasan na mapangiti at ma-excite sa kanilang pagbabalik. Nang makarating ako sa airport ay agad akong bumaba at habang kausap si Ate sa cellphone. It’s my work time but I came here para sunduin sila, pinayagan na rin naman ako ni Tito Solomon at Javier. My fiancé is not in the resort dahil abala rin sa meetings niya sa mga kliyenti nito. Saktong lumabas si Ate Selena kasama ang asawa at anak nito habang nasa gilid naman si mama na nakangiti. Whe

