Yasmine NANG GABI NA ay nagtipon-tipon lahat ng bisita ng mga Buenavista para kumain, matapos nun ay tumambay sa gilid ng bonfire habang nagkukuwentuhan. Narito rin ang nakakabatang kapatid ni Rino na si Siera. Nagtatalo sila sa kung anong pweding gawin at laruin. "Enough na nga! Ethan will lead the game," masayang saad ni Siera. Muling napaangat ang mata ko sa gawi ni Siera katabi ang pinsan niyang si Stan, dahil doon ay nagtama saglit ang mga mata namin ni Stan. I caught him staring at me. Baka aksidenti lang na napabaling siya sa akin. "What kind of game ba yan?" tanong ni Faye. "Star hunting,” sagot ni Ethan dahilan para mapangiwi ang iba. "Wait. Wait. What do you mean by star hunting?" tanong nang nagtatakang si Stacey. "Bubunot ang mga lalaki dito sa garapon kung saan na

