Yasmine “Hey,” hindi maitago ang pagtataray sa boses ko nang lapitan ko siya. Bumaba ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. “What are you doing here?” masungit niya ring tanong. “I’m here to talk with you kahit ayaw ko. Hindi ba obvious?” I asked in disbelief. Salubong ang kilay niyang nakatitig sa akin habang ako ay nakatingala sa kanya. “Huwag mong gawin kung napipilitan ka lang.” “Bakit? Ikaw nga pinipilit mo yung sarili mo na kaibiganin ako kahit ayaw ko sayo. Anong pinagkaiba nun sa sinabi mo?” nanghahamon kong tanong sa kanya. He chuckled arrogantly. Tumaas ang balahibo ko sa malalim at baritone nitong boses. “Hindi ko talaga magustuhan ang lumalabas sa bibig mo. You always have reasons to make me shut up.” Saglit kong nakitaan ng pagkadismaya sa sa

