Yasmine NANG BUMALIK NA kami sa yatch ay konting pahinga ang ginawa namin. Lumabas kami ng magdilim na para mag-dinner. Inayos ko ang mga pagkain na in’order namin sa restaurant sa resort kanina. Wala na kasi kaming oras para magluto. “Tulungan na kita,” singit ni Stan at kinuha ang isang dish sa tray. “I’ll put this on the table.” Pinagmasdan ko siya, naka-polo ito na nakatupi hanggang braso niya at bukas ang dalawang botones dahilan para makita ang namumula niyang dibdib. Naamoy ko rin ang pamilyar na sa ilong kong mamahaling pabango nito. Napataas ako ng isang kilay at binalik ang mga mata sa ginawa ko. If something change about his looks, he became manlier and serious. Noon, aroganteng Stan at iritabling mukha ang nakikita ko sa kanya. Ngayon ay mas naging kalmado na siya. Naroo

