Yasmine PINIHIT KO ANG doorknob at binuksan ang kuwarto ni ate. Tahimik at medyo madilim, nakaupo siya sa sofa habang nakatanaw sa labas ng sliding door papunta sa terrace. The room look peace and calm, but I know deep inside her, marami siyang bagay na iniisip na halos hindi na kayang i-entertain ng kanyang isip. “Kailangang kunin ni papa ang phone mo, ate. Pwedi kang manuod ng TV para malibang kahit papaano,” maingat kong paalam sa kanya. “Papa also forbid you to talk to your classmates of friends in college.” Nanatili siyang nakatalikod sa akin at hindi ko makita ang mukha. “Don’t try so hard to be perfect, Yasmine. Dahil walang kwenta yun, once nagkamali ka lang ng isang beses,” matigas niyang usal na tila may pinanghuhugutan. Lumap

