Yasmine Tinignan ko ang mga tao sa naroon at wala ni isa sa kanila ang may balak na umawat. Maski mga lalaki ay tila hindi kayang pigilan ang nag-aaway na pinapanuod nila. “Bakit kayo nanunuod? Awatin ninyon,” the words came out my mouth out of panic. Ang binubugbog nila ay tatlong lalaki na taga-kabilang school pa. “Walang gustong umawat, Pres.” May bahid na takot sa mukha ng lalaki. Ano?! Natatakot ba sila? Ang dami nilang nanunuod tapos ni isa walang gustong umawat? “Kung nandito si Nicholas naawat na yan. Kawawa naman yung mga taga-kabilang school,” the girl whispered and flinched when Stan punched the guy on the face. “Let them be. Sila sumugod at nauna. Hindi yata nila kilala ang womanizer,” the woman crossed her arms. “Kung hindi naman kasi dahil kay Shanine. Ayan tuloy.”

