Yasmine Namilog ang mga mata ko at napakunot nang lumapit si Stan at hinawakan ang unahan ng sasakyan. Nakita ko ang pagpigil ng ngiti ni Ethan sa tabi nito, tila may kung ano silang pinag-uusapan at tungkol siguro ito sa kotse. Hanggang sa tinuro ni Ethan ang sportscar ni Stan kaya sabay silang tatlong lumapit roon para tignan. I sighed in relief, hanggang sa binuksan na ni Stan ang front seat. The woman waved her hand to Ethan bago pumasok sa loob. May kung ano pa silang pinag-usapan, out of curiousity I opened the window a bit na mukhang hindi naman nila napansin. “Kumain lang kami ng dinner, hinanap ka ni Tamara,” Ethan uttered, nakatalikod siya sa akin at si Stan naman ang siyang nakaharap. “Yeah. Hindi na ako nakahabol. I was with Monica the whole day, naubos ang oras namin sa

