Yasmine DAPIT HAPON nang marinig ko ang boses ni Ara na may kausap sa labas, nang lumabas ako ng office ko ay naabutan ko ang kadadating na si Stan at Ethan. Ethan is wearing his usual clothes, samantalang si Stan naman ay naka-business suit, hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko. He is too formal to the atmostphere of my cozy and friendly café. “Tagal niyong hindi bumisita rito, Sir Stan. Halos magdadalawang linggo na?” ngiting tanong ni Ara at sinulyapan ako. “Yeah. Kinda busy,” tipid na sagot ni Stan at nilapitan ako. Ethan is watching is silently but already have an idea what is happening between us. Hinawakan niya ang siko ko at mabilis akong hinalikan sa nuo. Halos napalayo ako ng konti sa ginawa niya. Tahimik silang nanunuod at tila hindi makapaniwala. “Kayo rin po b

