Yasmine NANG PUMASOK AKO sa loob ng bahay ay nakasalubong ko si manong. Agad niya akong nilapitan, may hawak pa itong kape at mukhang handa ng umalis para sunduin sana ako. “Pasensya na, Yasmine. Si Ate mo kasi nagpasundo bigla, eh kay layo kaya hindi na kita naabutan pa,” napakamot siya sa batok niya nang sabihin yun. “Susunduin sana kita ngayon. Sino ang naghatid sayo?” halos pabulong nitong tanong, ayaw ni papa na may ibang naghahatid sa amin. “Ayos lang manong… kaibigan ko ang naghatid sa akin.” Nang pumasok ako sa loob at umakyat ay napansin kong bukas ang pinto ng kuwarto ni ate. Pumasok ako at naabutan ko siyang nakahiga sa kama at hindi pa nakakapagpalit. Mukhang kadarating lang din niya katulad ko. She seems tired and spacing out. “Ang aga mo ate?” I asked and walked insi

