THIRD PERSON'S POV "TARA NA, LORY! ANG BAGAL-BAGAL MO TALAGA!" malakas na sigaw ni Lleama habang hinihintay ang kanyang pinsan sa labas ng kanilang apartment. At maya-maya nga lang ay lumabas na si Lory, at bitbit pa rin ang kanyang sapatos. "T*ngina! Male-late na tayo, nakapaa ka pa rin?" hindi makapaniwalang tanong ni Lleama. Inirapan lang siya ni Lory, at tahimik na sinusuot ang kanyang sapatos. "First day of school, tapos late na late," pagbubulong ni Lleama at naghahanap ng pwedeng masakyang tricycle. At nang may makita siya ay agad niyang nilingon ang kanyang pinsan at walang sabi-sabing hinila ito. "Bw*set ka Lleama!" Angal niya at malakas na hinampas ang kamay nitong nakahawak sa kanyang bag. "Ang bagal mo kase!" Usal ni Lleama at naunang pumasok sa loob ng taxi.

