LLEAMA'S POV "You must be, Lleama?" Agad na nagsalubong ang kilay ko. "Sino ba itong matandang 'to?" Sa isip ko at sinusubukan siyang kilalanin. Pero wala talagang pumasok sa isip ko tungkol sa pagkakilanlan niya. Ito ang unang beses na makita ko siya at nakakagulat lang dahil alam niya ang pangalan ko. Hindi naman ako artista o sikat na tao, pero hindi ko maintindihan kung bakit maraming nakakaalam ng pangalan ko. "Oh, I'm so sorry. I think you don't know me yet," paghingi niya ng paumanhin. Pagkatapos ay inilahad ang kanyang palad sa akin, ilang segundo ko din iyong tinitigan bago ko tinanggap. "Enrique Gustavo," mahinang bigkas nito sa kanyang pangalan. Gustavo? "Kaano-ano kaya siya ni Eleazar?" Ngumiti siya sabay dahan-dahang binitawan ang kamay ko. Maya-maya pa a

