THIRD PERSON'S POV Hindi makagalaw si Nicholas sa kanyang kinatatayuan, habang pinagmamasdan si Lleama na yakap-yakap no Eleazar. Habang patuloy siyang nanonood ay hindi niya mapigilan ang pagtagis ng kanyang bagang. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nanginginig ang buong katawan sa galit. Lalong-lalo na nang makita niya kung papaanong ngumingisi si Eleazar, habang pinapakita sa kanya ang malayang pagyakap niya sa dalaga. Maya-maya lang ay unti-unting nawala ang ngisi ni Eleazar, at napalitan iyon ng isang mapag-bantang tingin. "Son of a b***h," sa isip ni Nicholas, habang diretsyong tinitingnan si Eleazar sa mga mata. Eleazar smirked and then grabbed Lleama's wrist as they walk and passed him. Naiwan si Nicholas, at galit na galit. Sinundan niya ng tingin ang dalawa at hindi niya

