Napabilis ang lakad ko at tinignan siya. "Sasamahan mo ako? Bakit?" Huwag kang marupok, Stella. Kaya natin 'to! "Sabi ni Mom. Seriously, plinano na naman 'to." Tumigil siya sa paglalakad at sinamaan ako ng tingin. "Tigil-tigilan mo ang pag-irap sakin." Doon bumalik ang alaala na pinagsasasabi niya sa'kin. Inirapan ko siya at dumiretso sa convenience store. "It's okay if you don't want to talk to me," aniya mula sa likuran ko. Hinahanap ko ang ice cream na pinapabili sakin. Nakakainis talaga. "Pero wag mo ipakita kay Mom na nagagalit ka sakin ng walang rason." Hinarap ko siya at inilagay ang index finger ko sa labi niya. "Shh." Natigilan ito at sinamaan ako ng tingin sabay tabig niya sa kamay ko na nasa labi niya. Ang lambot. When kaya ulit ang kiss. Napahinto ako. Teka, akala ko b

