Matapos ang masayang pag-outing ng pamilyang Gabriel sa'min ay bumalik na sila sa Manila. Syempre, kasama kami ni Papa. Magkakahiwalay kami ng sasakyan. Si Papa ang magd-drive sa'min, habang sa kabila ay sila Tito. Pumasok si Rein sa back seat. Akala ko nga ay sa passenger seat ako pero nagulat ako ng may gamit doon. "Pa, ano 'to?" "Hindi na kasya sa trunk, tabi kayo ni Rein doon sa likod," paliwanag niya sa'kin. I gulped. OMG. Mukha wala talaga akong kawala kay Rein! 'Di ko alam kung nananadya 'tong si Papa 'eh. Nagkatinginan kami ni Rein. Nakita kong nakatitig din ito pabalik sa'kin. Umiwas agad siya. "Stella! Sakay na doon aba? Anong tinititig-titig mo diyan?" Ngumuso ako at kunyare ay labag sa loob na sumakay. As usual, tahimik kaming dalawa. Naka-earphones lang ang mokong

