I've been selfish. "Stella?" Lumapit sa'kin si Tita at inalok ang dala niyang pagkain. Umiling lang ako at tinignan ang litrato ng aking ama sa harap. I am so sorry, Papa. Iniisip 'ko lang ang sarili 'ko. Only my feelings. Lumapit ako sa aking ama. "Pa. .." Ni hindi niya manlang nalaman. ..na kami na ni Rein. Na gustong-gusto 'ko si Rein. "Naging kami ni Rein. .." Simula 'ko sa aking ama. "Kami na po. ..dati pa." Then I started to talk like he's going to scold at me. Na para bang habang nagk-kwento ako ay nakatingin siya sakin ng masama at pinapagalitan ako sa karupukan 'ko. Alam kong alam na ng lahat ng nasa bahay na may namamagitan sa'min ni Rein. But I never tell my father directly na kami na talaga. Bakit hinayaan ko lang kasi ang lahat? Bakit hinayaan ko lang lumipas an

