Hindi 'ko naman inaasahan na magugustuhan ako ni Rein. Oo, kinukulit ko siya ng kinukulit para magustuhan ako. ..pero hindi ko inaasahan. ..na darating pala talaga ang panahon na 'to. Noong naghahabol ako sakanya, I only have one thing in my mind—magugustuhan na kaya ako nito? Pero ngayong umamin siya, parang gumulo. Ang daming tanong sa isip 'ko! Manliligaw ba siya? Ano kami? Totoo ba iyong sinabi niya? Kami na ba? Eh gusto pa nga lang niya ako! Bakit magiging kami? Mamahalin kaya ako nito? Dahil sa sinabi nitong gusto din niya ako. ..I am assuming a lot. I am hoping quite big. It scares me. Baka masaktan ako—mas masakit. Napahinto ako ng makita si Rein sa tapat ng school. Anong ginagawa niya diyan? May binili kaya siya sa convenience store? Hindi ko alam pero nagkasalubong ang

