Nang malaman ang magandang balita, nakatulog ako ng mahimbing at walang nakakasira ng mood ko. Busog na busog ako sa mga nangyari. Ang saya-saya! Tinignan ako ni Selena ng masama. Itong batang 'to, parang pinaglihi sa sama ng loob. "Ano bang nginingiti-ngiti mo diyan?" Ngumuso ako at hindi siya pinansin. "Secret," I giggled. Inasar-asar pa ako nito at nagsabi ng kung ano-ano. Pero hindi ko na pinatulan ang bata. Kahit si Selena ay bwisit sakin dahil hindi ko siya pinapatulan. I'm in a very good mood today! Hindi ko sisirain 'yon! "Oh? Storm? Ang saya mo 'ata?" Takang tanong ni Tita Rheina. Napatango naman ako at ngumiti. "Wala po," hagikgik ko. Nang dumaan si Rein, bitbit ang bag niya at hindi pa nagbu-butones ng polo ay nginitian ko ito. Hay, ang ganda ng umaga ko. Kahit may

