Paano ako makakaiwas sa taong parte na ng buong araw 'ko? Maka-move on? Final na ba talaga 'to Lord? Hindi na ako magmo-move on? Pilit kong iniiwasan si Rein. Pero mahirap. ..at hindi ko 'rin kaya! Ano ba, Storm! Ano ba! "Are you fine?" Tanong ni Lucas. "Ah. No, you're not," bawi niya sa sariling tanong. I sighed. Siguro ay halata naman kung ano ang nararamdaman ko 'no? "Lucas. ..Ang hirap umiwas," I told him in despair. "Edi wag mo iwasan." At kinain nito ang lasagna na bitbit ni Tita Rheina. "Alam mo, mabubusog ako sa ginagawa ni Tita—" Tinignan ko ito ng masama at hinampas. 'Yon lang talaga ang naisip niya ha?! "Lucas naman!" Suway ko dito. Natawa lang siya at nagtaas-baba ang kilay. "Sorry na," he apologized then chuckled. Inirapan ko lang ito bago tinignan si Rein. Hindi

