Chapter 2-Carinosa

1310 Words
Kathalina's POV Paguwi sa aming tahanan ay nadatnan ko ang aking ama sa aming sala na tila hinihintay ako *A/n: Pagpaumanhin hindi ko alam ang ibang tamang salita noong panahon ng kastila Lumapit ako dito at nagmano *Ang pagmano ay isa ring tanda ng paggalang na hangang sa kasalukuyan ay siya pa ring ating ginagawa " Magandang gabi ama" Nagagalak kong sabi subalit ang kanilang espresyon ay nanatiling may lumbay. " Anak. Patawarin mo sana ako kung sakaling may mali akong magawa sa mga susunod na araw batid ko ay iyong kaligtasan" sabi ni ama na hindi ko maintindihan. Tila isa iyong habilin na siyang nagpakaba sakin. Hindi ko mapaliwanag. "Ano ay iyong sinasabi ama. Alam niyo namang mahal ko kayo kaya kahit ano pa man yan ay napatawad ko na kayo" sabi ko sabay yakap sa aking ama. Maging ang ganung eksena ay nagpaiyak sakin. Ang puso ko'y hindi kayang tignan ang aking magulang na para bang dapat sila ang humingi ng paumanhin. " Maswerte ako at ika'y aking naging anak" aniya ng humigpit ang kanyang yakap. Humihikbi man ay nagawa na naming kumalas sa pagkakayakap at tumawa ng humihikbi. " Tara na ama at kumain. Siguradong napagod kayo sa inyong trabaho" pagpagaan ko sa sitwasyon. Hindi na rin sila tumutol. Naglakad na kami sa aming hapag kainan na siyang may nakahanda ng ibat ibang putahe ng pagkain. Adobo ang aking paborito. Hindi na rin kami nagtagal pa sa hapag kainan. Kami ay nagkwentuhan lang saglit tungkol sa aming araw. Batid ko ang pagod sa mga ito kaya ako na ang nagpaalam upang umakyat na at maghanda sa pagtulog. Nakapantulog na ako ng napagdesisyunan ko ang pagsulat sa aking talaarawan(diary). Isa ito sa aking palaging ginagawa tuwing gabi bago matapos ang aking araw. Isa sa rin ito sa mga saksi sa aking lihim na pagtangi kay Alberto. Pagkatapos magsulat ay napagpasyahan ko na magtahi para sa nalalapit na kaarawan ng ama ni alberto na si Don Francisco na isa din sa makapangyarihang pamilya sa bayan dahil sa negosyo nito na pangkalakalan. Hindi ko man maipagmamalaki ang aking pagluluto ay batid kong may maibubuga naman ako sa larangan ng pagtatahi. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na ang aking mata na handa ng matulog. Dahil dito ay nagpasya na akong matulog upang maging maaga na rin sa pageensayong nabanggit ni Alberto. ------- Kinabukasan Pagbaba sa aming hagdan ay nasalubong ko si ginoong Alfonso, kapatid ni alberto, na kausap ang aking ama. Hindi din naman ito nagatubili na alalayan ako sa aking pagbaba na siyang aking binigyang ngiti bilang pasasalamat. " Magandang umaga binibining kathalina" sabi nito ng may ngiti sa labi. Batid kong marami talagang nahuhimaling sa ngiti nito ngunit wala akong makapang kahit ano sa aking sistema. Normal ang lahat. " Magandang umaga din ginoo. Nag almusal ka na ba alfonso?" Sabi ko at humalik sa aking ama. " Hindi pa binibini sapagkat kararating ko lang galing bayan at pormal kang ipaalam sa iyong ama. Maging ang sunduin ka para sa ating pageensayo ng carinosa na gaganapin sa kaarawan ng aking ama" sabi nito habang hinarap din ang aking ama sa sasabihin nito " Pumapayag ako. Subalit ingatan mo ang aking anak. Dito ka na rin mag almusal para diretso na kayo sa inyong pupuntahan" sabi ni ama kung kaya't sabay na kaming nagtungo sa hapagkainan at masayang nagalmusal. Pagkatapos na rin ng almusal at pagpapaalam sa aking ama ay napagpayahan naming umalis na gamit ang kalesa nito. *A kalesa is a two-wheeled horse-drawn carriage used in the Philippines. It is commonly vividly painted and decorated. It was a primary mode of public and private transportation during the colonial era of the Philippines " Lubos akong nasisiyahan sa iyong pagtangap sa aking imbetsyon binibini" sabi nito habang kami'y tunton ng kalesa papunta sa gaganapan ng pageensayo. " Walang anuman ginoong alfonso. Hindi ka na din iba sakin at ika'y isa sa matalik kong kaibigan" ngiti ko dito. Ngumiti din ito subalit tila may kalungkutan. Batid ko ay nasaktan ito sa aking sinabi. Ngunit wala akong magawa upang pagaanin ito gano ko man kagusto. Ng makarating kami sa malaking bulwagan(hall) marami ng tao at magkakapareha. Hindi rin nakalagpas sa aking paningin si Josephina at Alberto na nagkakasiyahan sa gilid. Ayaw ko man ay pareho kaming lumapit ni Alfonso upang bumati. " Magandang umaga binibining Josephina, alberto aking kapatid " sabi ni Alfonso ng nakangiti sa mga ito. Binawian din naman nila ni josephina at alberto ang pagbati ni Alfonso. Maging ako ay kanila na ring binati. " Magandang umaga binibining kathalina/kathalina" sabay nilang sabi na ginantihan ko rin. Hindi naman nagtagal ay may pumasok na sa palagay namin ay siyang tagapagturo ng sayaw kung kaya't nagsimula na rin ang pageensayo. ----- Naghawak kamay kami ni Alfonso. Malambot ang kanyang kamay. At hindi ko rin maitatangi na makisig din ito gaya ng kapatid. Subalit bilang isang babaeng nagmamahal kay Alberto ay batid kong wala pa ring makakatalo dito. Maging ang pangangatawan ng mga ito ay walang pinagkaiba ngunit sadyang kay Alberto at sa katawan lang nito ako nahuhumaling. Ano ba iyang iniisip mo Kathalina! Hindi yan nararapat! Pagsaway ko sa aking sarili. Hindi ko dapat sila ikumpara. Ang pagkukumpara ay ni minsang hindi naging tama. Sinawalang bahala ko na lamang ito. At napagpasyahang huwag na ulit magisip ng mga ganong bagay Nang magsimula na ang pageensayo ay di ko maiwasang mapagawi ang tingin kay Alberto. Gulat at kaba ang aking nadama ng mapagtantong nakatingin rin ito sakin. Ganunpaman hindi ko maiwasan ang maging masaya sa sandaling iyon. Na para bang kahit minsan masasabi kong napansin din ako ni Alberto kahit pa nasa harap lang nito si Josephina. Ngunit sadyang hiram lang ang sandaling iyon. Hiram lang ang kasiyahan ng umiwas na agad ito ng tingin. Dahil sa pait ng damdamin hindi ko na itong muling tinignan pa muli. Buo ang atensyon ko kay Alfonso at sa pageensayo. Makalipas ng ilang oras ay alam na namin ang saligan (fundamental) ng sayaw at bukas ay paguulit nalang upang matiyak na kabisado na ng bawat magkapareha ang sayaw. Nababatid kong nakuha naman na ng lahat ito. Naaangkop rin na ngayon pa lang ay alam na namin ang mga ito sapagkay sa susunod na araw na din ang kasiyahan ng kaarawan ng don. " Ang galing mo ginoong alfonso !" Hindi ko maiwasang sambit rito ng may malaking ngiti. Hindi maiwasang mamangha sa pagkabihasa nito sa pagsayaw na siyang nagawa pa nito akong turuan sa mas mabilis na paraan dahilan upang makabisa ko rin ang bawat galaw at kumpas ng aking abaniko (o pamaypay) "Naku binibini mahusay ka din dahil madali mong nakabisa ang mga turo ko sayo" Hindi ko maiwasang ipagmalaki ko ang sarili. Na para bang ang husay husay ko nga dahil sa sinabi nito at natuwa ako roon. " Salamat talaga alfonso" sambit ko rito at hindi na maiwasang hagkan ko ito sa isang yakap dahil na rin sa tuwa. Bahagya pa itong napatigil at nanigas kung kaya't tiningala ko ito habang nanatiling nakayakap. Pansin ko ang pamumula ng pisngi nito. At tila ba alam ko na ang aking maling nagawa. Hindi pala normal ang mga ganitong bagay sa aming tradition. Ang babae ay dapat manatiling mahinhin at pino ang kilos. Mga bagay na hindi ko pa rin maintindihan mapasahanggang ngayon. " Binibini" sambit ni Alfonso tila hirap at hindi sadyang komportable sa aming sitwasyon. Hindi ko rin mapigilang mapatitig sa mga mata nito. Natigil lang ang lahat nggg. "Ahem" ubo ng isang lalaki sa likod namin. "Binibining Kathalina, Kuya Alfonso batid kong tapos na ang pageensayo. " rinig kong sambit ng pamilyar at baritonong boses. Na tila ba may diin ang sambit nito. Hindi rin ako nagkakamali na si Alberto iyon. To be continued Hirappp huhuhu Kaloka pag diretsong tagalog hahaha pero yun kinekeriii. Btw lovelotss ? Thankkk you❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD