“Ano ba kasing nangyari at bigla kang napasugod, bruha ka? Hindi ka ba hahanapin ng Tita Soledad mo?” humihikab na tanong ni Loisa habang naglalagay siya ng palaman sa slice bread na kinuha namin sa kusina nila matapos ko siyang gisingin. “Wala na ako kina tita. Pinalayas ako. Sa iba na `ko nakatira,” sabi ko. “Good to know,” komento naman ni Loisa. Alam niya ang kapraningan ng magkambal at kasamaan ng ugali ng tita ko. Dati nga ay sinabihan niya akong sa kanila na lang tumira dangan lang at nahiya ako dahil nang mga panahong `yon ay panay away ang mga magulang niya. “Kanino ka nakatira ngayon?” “Kanila Zach Anderson ak—” nagulat na lang ako nang bigla na lang akong paghahampasin ni Loisa ng unan. “Ano ba? Tumigil ka nga, para kang timang.” Nang magsawa siya sa kakahampas sa `kin ay pa

