CHAPTER 5

1767 Words
Pero kung kelan naman nasa loob na kami ng kwarto at pinapalalim ni Sid ang halik na ako mismo ang nagsimula ay bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko. It was like I have a bipolar disorder. But this is not me. Ang ginagawa namin ni Sid ay isang malaking pagkakamali. At naiinis ako dahil sa nagiging reaksyon ng katawan ko sa tuwing may lalaking lalapit at hahawak sa akin. It was like an automatic switch na nag o-on sa tuwing mahahawakan ito. Bakit ba ako nagkakaganito? I am not like this. I am not a s*x ADDICT. I am not, really. Inilayo ko ang katawan ko kay Sid at nakita ko pa ang panghihinayang sa mga mata niya nang maupo ako sa papag. “I’m sorry, Sid. I think you should go home now. This is a mistake. I misled you.” “P-Pero Amber—” “Please, just go!” mariing sabi ko sa kanya. I don’t f*cking care if I had to cut him in mid-sentence. At kahit napipilitan lang ay lumabas na nga ng tinutuluyan ko si Sid na laglag ang balikat. Damn, it was so obvious that Sid was disappointed because he wasn’t able to bring me to bed. Ganoon ba talaga ang mga lalaki? Na kahit na may iba nang girlfriend ay handa pa ring magkasala para lang sa tawag ng laman? Kahit naman inis na inis ako kay Jade dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin nang sabuyan niya ng Zonrox ang paborito kong damit na regalo ng nanay ko bago siya mamatay noon, hindi ko naman maaatim na tikman ang boyfriend niya. Okay lang si Zach dahil hindi naman sila ni Sapphire. And speaking of Zach, how could I ever forget about him during moments like this? He is handsome, rich, huge and he got me first. He is more than enough for me, pangungumbinsi ko pa sa sarili ko. Kaya nang dumating ang araw ng JS Prom ay lihim akong natuwa nang bigla na lang siyang sumulpot sa amin. Noong una ay akala ko kung sino ang sumisitsit sa labas ng tinutulugan ko. Nang sumilip ako sa maliit na siwang ng bintana ay nakita ko nga si Zach na nakatayo malapit sa upuang kahoy kung saan ako madalas tumambay kapag gabi na at wala na akong ginagawa. Mabilis akong lumabas. Nang tingnan ko ang bahay ay nakita kong nakapatay na ang mga ilaw sa sala. Kanina pa nakaalis sina Jade at Sapphire para pumunta sa municipal gym kung saan gaganapin ang prom. “Hey, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nandoon ka na ngayon sa gym?” nagtatakang tanong ko sa kanya habang pinagmamasadan ko kung gaano siya ka-gwapo sa three-piece suit na suot niya. Napatingin ako sa hawak niyang rectangle na box. But somehow ay may idea na ako kung ano ang laman `non. At hey, hindi motor ang nakikita ko sa likod niya ngayon. It’s a brand new Toyota Eco. “I can’t go there without my date, Amber.” “Ha?” nagtatakang tanong ko sa kanya.  “I mean, I can’t go to that prom without you. Magmumukha akong tanga kung pupunta akong mag-isa tapos `yong mga ka-tropa ko ay may mga ka-date,” sagot ni Zach. Napatingin ako sa mukha niya. “Oh,” medyo kinikilig ako nang sabihin ko `yon. “Bakit hindi ka na lang nag-invite ng iba?” Napakamot siya sa ulo niya. At napansin kong cute siya kapag ginagawa niya `yon. “I didn’t invite someone else because I think that no one is as beautiful as you are.” Kinilig yata pati split ends ng buhok ko at kuko ko sa paa dahil sa sinabi niya. Seriously? Marunong palang bumanat nang ganoon si Zach? Oh, now it’s a revelation. “So will you please take this,” inabot niya sa `kin ang kahon. “So we can go now?” Bigla akong nakaramdam ng anxiety habang hawak-hawak ko ang kahon na kung itatayo ay hanggang bewang ko yata. “Hindi ako pinayagan, eh. Besides, hindi ako nagbayad ng registration fee.” “I’ve already got that covered. At kung hindi ka pinayagan, pwede ka namang tumakas. Hindi naman nila malalaman na wala ka rito since tulog na ang tita at tito mo,” tumingin pa siya sa kabilang bahay. “At nasa gymnasium na sina Jade. “Pero paano kung magsumbong sila na sinuway ko ang mommy nila?” “They can’t do that unless…” may kinuha siya sa likod ng slacks niya. Ngayon ay hawak na niya ang dalawang maskara. Isang kulay black at ang isa naman ay red na may feathers sa bandang kaliwa. “…na makilala ka nila which I doubt na magagawa nila once na gamit na natin `to.” Natatawang tinanggap ko ang pulang maskara na inabot niya sa `kin. “Seryoso ka dito?” “Yes. Nakalimutan mo bang masquerade party ang theme ng JS Prom ngayon?” Napailing ako. I totally have no idea. Hindi naman kasi ako uma-atend ng meeting tuwing hapon nitong mga nakaraang araw kaya wala akong alam sa mga detalye ng prom. Basta ang alam ko lang ay may prom. Period. At dahil nga gustong-gusto ko talagang maranasang umattend ng isang bonggang party, hindi na ako nagdalawang isip na sumama kay Zach. Pumasok ako sa loob ng tinutulugan ko at inilapag ko ang kahon sa ibabaw ng aking higaan. Napanganga pa ako nang makita ko ang kulay silver na gown kasama ang isang heels na hindi ko alam kung magkakasya sa paa ko. Mabilis kong hinubad ang damit ko at isinuot ang gown. Dahil wala akong malaking salamin ay nagkasya na akong titigan ang sarili ko sa maliit na pabilog na salamin na nabibili ng tatlumpong piso sa mga bangketa. Para akong timang na nagpaikot-ikot kahit naka-paa pa ako dahil hapit na hapit sa katawan ko ang magandang gown na `to. Kahit medyo masikip sa dibdib ay ayos lang. Mas lalong na-emphasize ng kasikipang iyon ang laki ng boobs ko. Pagdating naman sa bewang, hapit na hapit din iyon kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. May slit din sa magkabilang gilid na abot hanggang sa kalahati ng legs ko. Isinuot ko naman ang heels na katerno ng gown na sa pagkamangha ko ay sakto rin sa paa ko. Baka naman si Zach ang fairy godmother ko? Haha. Itinali ko ang mahaba at medyo wavy kong buhok at inilagay sa isang balikat. Naglagay lang ako ng pulbos at nagwisik ng paborito at nag-iisa kong cologne. At bitbit ang maskara na bigay ni Zach ay lumabas na ako. Mabuti na lang at hindi pointed ang heels na suot ko kaya hindi ako nahihirapang maglakad. Medyo sanay akong mag-heels dahil tuwing Sunday ng hapon, kapag nagsisimba sina tita Soledad at naiiwan ako sa bahay, lagi kong pinagpa-praktisan ang mga heels ng magkambal kahit medyo masikip sa `kin ang mga iyon. Paglabas ko ay nakita ko ang admiration sa mga mata ni Zach. It was like he was really happy to see me on this gown. Umikot-ikot pa ako sa harap niya. “Well, what can you say?” “Gorgeous. Bagay na bagay sa `yo,” nakangiting sabi niya. Lumapit siya sa `kin at inilahad ang isang kamay. Tinanggap ko naman `yon at hinayaan siyang alalayan ako pasakay ng kotse. Dahil probinsiya ay hindi uso ang mga batang gala sa amin lalo na at mag a-alas nuwebe na ng gabi. At medyo looban pa ang bahay ng tita ko kaya bihira ang dumadaan sa gawing `yon. Bagama’t kinakabahan ay excited na ako kung ano ang mangyayari sa gabing `to. Pero bago kami dumiretso sa gymnasium ay idinaan pa ni Zach ang sasakyan sa isa sa pinaka-dinadayong salon sa lugar namin.  Nang ihinto ni Zach ang kotse ay humarap siya sa `kin. “Don’t get me wrong. You’re already beautiful but I want this night to be perfect so I want you to be extra beautiful, okay?” “Pero Zach, kilala ako ng mga staff diyan. Baka magsumbong sila kina tita.” Dito rin kasi nagpapa-salon ang magkambal at minsan ay isinasama ako para gawing taga-bitbit ng mga gamit nila. Hinawakan ni Zach ang kamay ko at marahang pinisil. “`Wag kang mag-alala, napagsabihan ko na si Ben. Actually siya na lang ang nandiyan. I promise, wala siyang pagsasabihan na pumunta tayo ngayon sa parlor niya. Kapag ginawa niya `yon, mawawalan siya ng isang loyal costumer.” Sa huli ay napapayag niya rin ako. Halatang eksperto ang kamay ni Ben—owner ng salon—habang pinapahiran niya ng kung anu-ano ang mukha ko habang si Zach naman ay tahimik lang na nagmamasid at nakaupo sa couch na nasa isang tabi ng salon. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko nang matapos si Ben sa pagme-make-up sa `kin. Inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin para siguruhing sarili ko nga ang nakikita ko sa salamin. Maya-maya ay hinawakan ni Ben ang buhok ko at bahagyang itinaas. Gamit ang mga hair pins ay gumawa siya ng parang bilog sa tuktok ng ulo ko. It was beautiful. May ilang hibla ng buhok ko na nakalaglag sa magkabilang gilid ng aking mukha. Nang sa wakas ay natapos na si Ben ay tumayo na ako. This time ay mas confident na `ko nang humarap ako kay Zach. “See? I told you, may mas igaganda ka pa,” puri ni Zach sa akin. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa ng slacks niya at iniabot iyon kay Ben. Ilang saglit pa ay kinukuhaan na niya kami ng pictures habang magkatabi kami. Pagbalik namin sa kotse ay saka ko lang naalalang itanong kung kanino `yon. “Whose car is this?” “Sa kuya ko. Kakarating niya lang kahapon.” Napatango na lang ako. Hindi na ako nag komento pa dahil natatakot akong mabura ang lipstick ko kahit ang sabi ni Ben ay hindi raw iyon basta-bastang mabubura kahit kumain pa `ko. Pagdating namin sa gym ay mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Bago ako bumaba ng kotse ay isinuot ko na ang garterized na maskara. Mahirap na, baka may makakilala pa sa `kin. Pero kung magiging mapanuri lang ang mga kaklase ko, alam kong makikilala nila ako dahil ang mata ko lang naman ang natatakpan ng maskara. Pero kung makilala man nila ako, o ng kambal… wala na akong pakialam. Basta, mag i-enjoy ako ngayong gabi… 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD