Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa malaking bahay at naligo sa kwarto ni Jade. Simula nang dumating ako sa bahay ng tita Soledad ko ay gabi-gabi ko nang pinapangarap ang makaligo gamit ang shower. Lumaki kasi ako na balde at tabo lang ang gamit ko sa paliligo. Pero ngayong nakatapat na ako sa shower at walang tigil ang paglagaslas ng tubig sa basal kong katawan ay ni hindi ko magawang magbunyi na sa wakas ay natupad na rin ang isa sa mga simpleng hiling ko noon.
Ilang ulit kong sinabon ang mukha, leeg, dibdib at iba pang parte ng katawan ko na para bang mabubura noon ang ginawa ni Zach sa akin kagabi. Paglabas ko sa banyo ay hindi pa rin nawala ang hapdi na nararamdaman ko sa pinakamaselang parte ng aking katawan.
Umupo ako sa harap ng malaking vanity mirror ni Jade na katulad na katulad ng kay Sapphire. Halatang mamahalin ang ganoong uri ng salamin. Mariing sinipat ko ang mukha ko. At ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ko nang makita ang ilang kiss mark sa leeg ko. At nang suriin ko ang dibdib ko ay mas marami pa palang pulang marka roon.
Tumayo na ako at nagkalkal ng mga damit ni Jade na alam kong bihira na niyang gamitin. Nakalimutan ko kasing kumuha muna ng damit sa tinutuluyan ko bago ako pumunta rito. Lalabhan ko na lang `to mamaya para bukas ay matuyo na bago pa man bumalik sina tita.
Hanggang sa mananghalian ako ay binabagabag pa rin ako ng nangyari kagabi. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang bagay na matagal ko ring iningatan. Zach has to pay for taking my virginity. Yes, he has to pay.
Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko ay itinext ko si Zach. Siguro naman ay gising na siya sa mga oras na `to.
“Kailangan nating mag-usap. ASAP. Punta ka dito sa bahay.”
Nag-reply ang kumag. “Okay. Thirty minutes diyan na `ko.”
Bahagya akong nakaramdam ng inis dahil kung hindi ko pa pala itinext ang kumag na `yon ay hindi pa siya magte-text sa `kin.
Naghanda ako ng ballpen at papel at hinintay ko ang pagdating ni Zach. Medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa yata.
Eksaktong thirty minutes ay nakita ko si Zach sa harap ng gate. Lumabas ako ng bahay para salubungin siya. Saktong papasok naman kami ng bahay nang dumaan si Aling Puring—kilalang tsismosa sa barangay namin. Ni hindi man lang siya nagkunwari na tinititigan niya kami ni Zach kaya binati ko ang matanda.
“Magandang hapon po, Aling Puring.”
Pero sa halip na sumagot ay nagmamadali siyang naglakad palayo. Napangiti na lang ako dahil sa inasal ng matanda.
Sa halip na sa tinutuluyan ko ay sa malaking bahay kami pumunta ni Zach. Hindi ko pa man siya niyayang umupo ay pabagsak na umupo na siya sa sofa.
“Ano ba’ng pag-uusapan natin? Pagod ako at may hangover pa. Kailangan kong makauwi agad kasi magpapahinga pa ako.”
Ang kapal ng mukha! Pagkatapos mong makuha ang puri ko! Gusto kong isigaw `yon sa kanya pero nagpakahinahon ako. Umupo ako sa harap niya at inabot sa kanya ang blangkong papel at isang ballpen.
“Anong gagawin ko diyan?” nakakunot-noong tanong ni Zach sa `kin.
“Isulat mo diyan ang nangyari kagabi. Isulat mo sa papel na `yan na ginalaw mo ako kagabi. Gawin mong maikli pero detalyado tapos pirmahan mo.”
Napatayo si Zach dahil sa sinabi ko at tinitigan ako na para bang nasisiraan na ako ng bait. “What?! Why would I do that? You’re crazy.” Tumalikod siya sa `kin at akmang lalabas na ng pinto.
Mabilis akong tumayo at nagsalita. “Kapag hindi mo sinunod ang pinapagawa ko sa `yo ngayon, magsusumbong ako sa pulis.” Itinaas ko ang palda ko at kinalmot ko ang sarili kong hita. Pero iyong kalmot lang na sapat para mamula ang balat ko. “Sasabihin ko sa mga pulis na hinalay mo ako. May witness ako, si Aling Puring. Nakita ka niyang pumasok dito. At kapag ipinasuri nila ang katawan ko sa mga doktor, malalaman nilang nagsasabi ako ng totoo.”
Hindi ako kumukurap habang sinasabi ko ang mga iyon kaya kitang-kita ko ang pagbaha ng takot sa gwapong mukha ni Zach.
“Kapag nagsumbong ako sa mga pulis, masisira ang pangalan ng daddy mo. Hindi ba at nag-aambisyon siyang tumakbong Mayor sa susunod na eleksyon?”
Sa huli ay walang nagawa si Zach kundi ang umupo ulit sa sofa. “Why are you doing this to me?” helpless na tanong niya sa akin.
“Naniningil lang ako sa bagay na basta-basta mo na lang kinuha sa `kin.”
“But this is a blackmail! Besides, I know naman na gusto mo rin `yong nangyari sa atin kagabi. I know that you like me, Amber.”
“No. I didn’t like you, Zach,” may kumbiksyon na sagot ko sa kanya. “Now, do it.”
Kahit halatang labag sa loob niya ay napipilitang dinampot ni Zach ang ballpen at nagsimulang magsulat sa papel. Matapos iyong pirmahan ay inabot niya sa akin ang papel. Nang makuntento ako sa nabasa ko ay itinupi ko iyon at inilagay sa tabi ko.
“Hindi ako magsusumbong sa mga pulis pero may kapalit ang pananahimik ko.”
“Ano `yon?” nakasimangot na tanong ni Zach.
“Bigyan mo ako ng sampung libo bukas na bukas din.”
Napatayo ulit si Zach dahil sa sinabi ko. “Wala akong ganyang kalaking pera!” halos pasigaw na sabi niya. Halatang nagpipigil siya ng galit.
“Akala ko ba mayaman kayo? Ang laki-laki ng bahay niyo tapos wala kang pera? Pinaglololoko mo ‘ko, eh,” pasigaw rin na sagot ko sa kanya.
“Okay, okay. Mayaman ang parents ko pero ako, umaasa lang din ako sa kanila. Naghihintay lang ako kung magkano iaabot sa `kin ng parents ko.”
“Whatever, basta kailangan ko ng pera. Kapag hindi ka nagbigay, mapipilitan akong pumunta sa mga pulis.”
Doon na lumapit si Zach sa `kin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Amber naman, baka pwedeng bigyan mo `ko ng konting panahon? Nasa New Zealand ngayon sina Mommy at nagbabakasyon. But I’ll see what I can do. I promise I’ll give you the money you need.”
“Do it, Zach. And you better not break your promise or else…”
Sadya kong binitin ang sasabihin ko dahil kulang na ako sa English word na pwedeng ipandugtong sentence ko. Limitado ang kaalaman ko sa English pero gustong-gusto kong magsalita ng Ingles dahil tunog sosyal.
Nang umalis si Zach ay mabilis akong bumalik sa tinitirhan ko. Inilagay ko ang papel na naglalaman ng sulat ni Zach sa isang lumang notebook na listahan ko ng mga gawain ko sa bahay. Nakasulat rin sa notebook na `yon ang mga plano kong gawin sa buhay ko sa mga susunod na taon.
Konting pera na lang ang kailangan ko at makakaalis na ako sa lugar na `to.
Malapit nang mag-February kaya it means na malapit na rin ang graduation day namin. Kahit hindi na ako mag-martsa, basta makuha ko lang ang diploma at grades ko ay aalis na agad ako sa lugar na `to. Hindi ko hahayaang maburo sa lugar na `to ang ganda ko.
Nagpalit na ‘ko ng damit at nilabhan ko ang damit ni Jade na sinuot ko kanina. Nagsasampay na ‘ko nang makarinig ako ng mga katok mula sa labas.
At nagulat pa ako nang makita ko ang boyfriend ni Jade na sa pagkakatanda ko ay Sid ang pangalan. Sa ibang school nag-aaral si Sid at in fairness, gwapo siya. Hindi katangkaran pero maganda ang katawan. Nag gi-gym siguro.
“Nandiyan ba si Jade?” narinig kong tanong niya.
“Wala, eh. Bukas pa ang uwi nila. Nasa Ormoc sila kasi birthday ng kapatid ni Tita Sol.”
“Ah, gan’on ba? Sige balik na lang ako sa ibang araw,” sagot ni Sid at nagmamadali nang umalis. Bumalik naman ako sa bahay at naghanda ng makakain ko.
Kinabukasan, pagpasok ko ay may inabot na puting sobre sa akin si Zach. Nang tingnan ko ang laman nito ay nanlaki ang mata ko nang makita perang kulay asul. Binilang ko agad kung ilang piraso iyon. Lima! Mabilis na ipinasok ko ang sobre sa loob ng bag ko at nagpasalamat kay Zach.
“Pero kulang pa `to, ha?” Mabuti na lang at wala nang ibang tao sa room maliban sa aming dalawa.
“Oo na. Pero mamaya, punta ulit ako sa inyo, ha? Alam mo na…” Alam ko ang gusto niyang sabihin, gusto niyang maka-score ulit. Well, kung magkakapera naman ako sa kanya, okay lang.
Besides, simula nang may mangyari sa amin ni Zach ay pakiramdam ko ay may nagbago sa katawan ko. Dati sa tuwing maliligo ako at sasabunin ko ang boobs ko ay wala naman akong nararamdamang kakaiba. Pero kanina habang naliligo ako, hindi ko napigilang gayahin ang ginawa ni Zach sa dibdib ko noong gabing ginalaw niya ako. At aaminin kong nasarapan ako sa ginawa kong paglalaro sa sarili ko.
It’s as if Zach has awaken the sensual part of me.
“Ite-text na lang kita. At magdala ka ng condom.”
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zach. “Condom? `Wag na, hindi masarap pag may condom.”
“Ikaw ang bahala, basta no condom, no enter.” At iniwan ko na siya sa classroom namin. Pupunta pa ako sa bangko.
At pagsapit nga ng gabi, kung kailan tulog na ang lahat at tahimik na ang paligid ay pumuslit si Zach papunta sa tinutulugan ko.
Pagpasok pa lang ni Zach ay hinalikan na niya agad ako. Ngayong nai-deposito ko na ang limang libo sa bank account ko, nabawasan na ang galit ko kay Zach kahit papano. Ewan ko ba, blessing in disguise pa yata na may nangyari sa amin ni Zach. Dahil bukod sa nasarapan na `ko, nagkapera pa ako.
Nagsimulang hawakan ni Zach ang dibdib ko. At napapaangat ako sa tuwing sasayad ang dila niya sa n****e ko. Pasimpleng lumayo ako sa kanya at saka bumulong.
“May dala ka?”
May dinukot si Zach sa bulsa niya at iwinagayway sa harap ko ang tatlong piraso ng condom minus the blue box.
“Good boy.” Then he started kissing me again.