Nang matapos si Zach sa pagsasalita, ako mismo ang humalik sa kanya. Tinawid ko ang pagitan ng mga mukha namin at saka sinakop ng labi ko ang labi niya. Para akong maiiyak na hindi ko maintindihan. But one thing is for sure, I missed this man so much. At ngayon ko napatunayang sa kabila ng mga lumipas na taon ay hindi ko siya nagawang kalimutan. Sinubukan ko siyang burahin sa isip at sa puso ko pero lagi na lang akong bigo na gawin ang bagay na 'yon. And now that I’ve already learned the truth, wala nang rason para maghiganti ako sa kanya. Para saan pa? Gayong alam ko naman nang pareho kaming nagdusa dahil sa ginawa ng daddy niya. Alam kong marami sa inyo ang magtataas ng kilay at magsasabing napaka-gullible ko dahil basta-basta na lang akong naniwala sa mga sinabi ni Zach kani-kanin

