Pagdating ng hapon ay nauna na akong umuwi dahil mukha wala pang balak umuwi si Zach. Ni ayaw niya nga akong kausapin simula nang mag walk-out siya kanina sa canteen. Pagdating ko sa bahay ng mga Anderson ay mabilis akong nagpalit ng damit at saka naghanap ng pwede kong gawin. Ngayong bumalik na ang mga parents ni Zach ay hindi na ako pwedeng magpasarap kagaya ng dati. Nandito na ang mga totoong amo kaya kailangan kong magpakitang gilas kahit wala sila sa paligid. Malay ko ba kung lihim lang pala silang nagmamasid sa mga ikinikilos ko? Nagma-mop ako ng sahig sa kusina nang biglang pumasok si Zeke. Naka-boxer at sando lang siya. As usual, ang pogi na naman niya. Ngayon ko lang na-realize na kaya hindi ko gaanong napansin ang resemblance nina Zach at Zeke ay dahil mas maraming namana si Z

