***
Kung ano ang plano yon dapat ang ginagawa tuloy parin ang plano ko sa pagdala ko sa kanya sa isang lugar na gusto kong ipakita sa kanya
Para mas enjoy ang pagbyahe namin nagpatugtug ako at tamang tama alam ko ang music na nagpaplay ngayon
Sa isang sightseeing na resort ang pinuntahan namin dahil gabi mga ibat ibang klase ng ilaw ang mayroon sa bawat punong makikita dito at ang gaganda tingnan, mukang ang romantic ng dating
"Tara upo tayo doon" sabi ko kay katty at itinuro ko sa kanya ang isang cottage
"Sige sige tara ang ganda naman" bumitaw sya sa pagkakahawak sa akin at tumakbo doon
Naglakad lang akong nakasunod sa kanya habang nakangiting nakamasid sa kanya
Pinagmamasdan ko lang sya habang na-aamazed sa mga nakikita nya
"Grabe ang ganda dito" sabi ni katty
"Sobra, same lang tayo ng reaction nong una ko ding punta dito" tumingin ako sa kanya "gusto ko puntahan lahat ng magagandang lugar kasama ka, at magiipon tayo ng mga memories nating dalawa"
"Gusto ko din yan"
Napansin ko na may lumapit sa amin na lalaki
"Hi, Miss ganda mukang magisa ka ah, gusto mo ba samahan kita?" Nakangiti sya sa akin, actually cute sya ah
Tinaasan ko sya ng kilay "may kasama ako" sagot ko dito
Luminga linga pa sya "nasaan sya? niloloko mo lang ata ako eh"
Bobo ba to? Di ba nya narealize na ayaw ko
Kinuha ko ang kamay ni katty at mahigpit ko itong hinawakan, tumingin ako sa kanya na parang sinasabihan sya na may gawin para matakot ito
Binitawan nya ang kamay ko at tumayo tapos may hinanap siya sa paligid, pinagmasdan ko lang ang ginagawa nya
May nilimot syang mga plastic bottles, bumalik sya sa akin dala ang dalawang bottle
"Oh bakit ang tagal mo?"
Nagtaka naman ang lalaki sa inasta ko
"Sino kausap mo?" Nawewerdohan ata sya sa akin
"Sya yung kasama ko" turo ko kay katty na nasa harapan ko na at shinake pa nya ang hawak nyang bottles
"Pota" takot na sabi nong lalaki at mabilis itong tumakbo
Ikaw ba naman makakita ng nakalutang na bote eh
Nang makaalis na si kuya ay bigla nalang kaming nagtawanan
"Hhahahaha LT si kuya" sabi ni katty
Bagay talaga kami parehong siraulo
"Tara hanap tayo ng pwede nating makain"
"Samahan nalang kita, sayang ang pagkain kung pati ako oorderan mo"
"Hindi yon sayang, ayaw ko lang na magisa kumain lalo pa at nandito ka"
"Sige na nga"
"Promise mo na yan sakin ha, na lagi tayong sabay kakain"
"Okey"
"Thank you, I Love You"
"I love you too"
Magkaholding hands kami na naglalakad
Pumasok kami sa isang restaurant, hindi ako familiar sa mga pagkain at pangalan sa menu, kaya ang inorder ko nalang ay yung bestseller nila at dalawa inorder ko para sa amin
After a 15 minutes dumating ang aking order
Nagkakatitigan lang kami minsan ni katty habang kumakain
Narinig ko na may tumunog sa phone ko, agad ko rin naman itong tiningnan
At si rex pala ang nagmessage at pinapapunta ako bukas sa opisina niya, may sasabihin daw ito
Muli akong kumain
"Sino yong nagtext sayo?"
"Si rex pinapapunta ako bukas sa kanya at may sasabihin daw tungkol sa kung bakit ka namatay"
"Alam na rin ba kung sino ang pumatay?"
"Wala syang sinabi, marahil ay bukas nya rin sasabihin"
"Salamat sa tulong mo"
"Gagawin ko ang lahat para sa hinihiling mo"
____
Maaga kaming pumunta sa office ni rex at naabutan pa namin na may tinatype sya sa laptop nya
"Ano pala yong sasabihin mo"
"Negative tong masasabi ko, wala akong makuhang info kung nasaan ang magulang ng kaibigan mo, may dalawa kaming pinaghihinalaan iyon ay baka pumunta na ito ng ibang bansa at doon muna sila for good or may kumidnap sa kanila at pinatay ang mga ito"
"My gosh, i can't imagine na mangyayari ito sa pamilya ko" maiyak iyak na sabi ni katty
"Ang sakit ng mga nangyari"
"Ang mga iyon ay possibilities lang at hindi pa alam kung ano ang totoo, at yung tungkol pala sa kaibigan mo isang hit and run ang nangyari, sabi pa na tumawag muna ang salarin sa hospital para ipaalam na kailangan marescue ni katty but nang dumating sila ang nandoon lang ay yong kaibigan mo na duguan, may malay pa ito ng makuha ngunit ang sabi ng pamilya dito ay dead on arrival"
"Tanggap na nila ang nangyari sa anak nila at malabo pa sa malabo na mahuli ang suspect, after that saka naman nawawala ang mga magulang nito"
"Ganon lang yon? Sa ngayon malayang humihinga ini-enjoy ang buhay, nagsasaya ang salarin na iyon, samantalang ang kaibigan ko namatay at hindi man lang na-enjoy ang buhay nya"
"What if pinagplanuhan ang nangyari, what if kilala ng magulang ni katty ang suspect at ngayon hawak nila ang mga ito kaya hindi malaman kung nasaan sila" nakakaiyak "hindi ba mati-trace yung number nung suspect? Wala bang kuha sa cctv?"
"Pwede din mangyari yan, Pending parin naman ang kaso wala lang makuhang ebidensya, ginawa na nila i-trace iyon pero patay eh kaya malabo na matrace at may video clip pero hindi naman nakuha ang plate number nito dahil sa madilim sa lugar ngunit kita dito na bumaba ang suspect dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa sasakyan nito at babae ito base sa katawan at haba ng buhok nito kaya lang hindi mamukaan"
"Wala na ba talagang pagasa?"
"Meron kung susuko mismo ang suspect"
"Susuko pa ba iyon eh tumakas na nga, Gusto ko mabigyan ng hustisya ang kaibigan ko, mahal na mahal ko iyon at ayuko ng mga nangyari sa kanya"
"Para sayo bilang kaibigan ko na din, gagawa ako ng iba pang aksyon at paraan para dyan "
"Maraming salamat, hayaan mo magbabayad ako para sa trabaho mo"
"At saan ka naman kukuha sa papa mo? Huwag na, kaibigan mo naman ako at diba sabi mo ipapakilala mo na lang ako sa ate mo, yon nalang"
"Sige, mabuti ka namang tao eh"
"So, aalis na ako"
"Magiingat ka"
"Oo, kailangan ko pa talagang magingat lalo na ngayong may kailangan ng tulong ko"
___
Magkayakap kami ni katty habang nakaupo sa sofa
Kino-comport ko sya kanina pa sya umiiyak dahil sa mga nalaman nya
"Hindi pa naman alam ang totoo eh, isipin mo nalang nasa ibang bansa ang pamilya mo at mas nangungulila sila kapag nandito dahil mas maiisip lang nila na wala ka na talaga"
"Mahirap mag-expect tally, hindi sila basta-basta pupunta ng ibang bansa paano yung business nila, feeling ko talaga may kinalaman dito si tito eh, sya lang ang alam kung kaaway ni papa"
"Sige sasabihin ko yan kay rex, tahan kana ha, matatapos din itong pasakit sa iyo, lagi mo lang tatandaan na nandito ako"
"Salamat, kaya mahal kita dahil sobrang buti mo"
"Mahal din kita" hinalikan ko sya sa gilid ng ulo nya
Nanatili lang kami sa ganong pwesto hanggang sa pumasok na kami ng kwarto para matulog
Nagdasal muna ako at pinagdadasal ko na sana makita na ni katty ang magulang nito at sana sumuko na ang naka hit and run sa kanya
Nakaunan sya sa mga braso ko tapos nakayakap sa akin
"Goodnight bhe"
"Goodnight" sabay halik nya sa akin, mabilis lang iyon
Yumakap na din ako sa kaya
Muli syang gumalaw at napangiti ako sa ginawa nya
Humalik muli sya sa akin at this time mas matagal
Ginalaw ko ang labi ko at sumunod naman sya habang tumatagal ay nararamdaman ko ang init sa katawan ko lalo pa nun ipasok nya ang kamay nya sa loob ng shirt ko nakapatong lang ang iyon sa tummy ko habang madahan lang na ginagalaw
Napamura nalang ako ng putulin nya ang halikan namin "I love you"
"I love you too kahit ang sakit ng ginawa mo, matulog na nga tayo"
Ngumiti lang sya sa akin saka sya pumikit
Kay ganda nya pagmasdan
***************