TALLY POV
Nasa bahay lang ako walang pasok saturday eh tamang hilata lang
Nanonood lang ako ng THE WHOLE TRUTH sa Netflix, its a mystery horror, Fave ko talaga ang horror/thrill movies basta yung kahit na nanunuod ka lang kinakabahan ka din, kahit torture sakin dahil sometimes i got nightmares
At dahil lunch na nagluto ako ng garlic butter shrimp tapos gumawa na din ako ng java rice, oh diba
Nagpray muna ako bago kumain, nagthank you sa blessings
At yun lumamon na ako in maria clara way
Pano daw yun? Eh di lumamon pero mahinhin
After kung makakain hinugasan ko na din mga ginamit ko
Naupo ako sa may sofa, kinuha ko cellphone ko sakto naman tumawag ang kapatid ko
"Hello my gorgeous ate"
"Haha so funny"
" Why you call me?"
"Can you come with me? Ipapasyal ko lang sina popol, nana at wanwan"
Mahal na mahal nya talaga mga alaga nya , sabi pa nga nya dati mga anak nya yon pero puta kailan pa sya umanak ng aso
" Tinatamad ako, pagbubuhatin mo lang ako ng husky mo eh ang bigat-bigat"
"Please,di ka naman magbubuhat , tsaka wala ka namang pasok eh, and i miss you lil sis, oh ganto nalang dadagdagan ko allowance mo" yown kilala talaga ako ng ate kong to
"Okey sige na nga kung di lang kita love eh "
"Aww Thank you, i love you"
"Sige na magbibihis lang ako"
Ako na nagpatay ng tawag
Mabilis lang akong naligo pinunasan ko muna ng towel ang buo kong body saka ako nagsuot ng damit
nagsuot lang ako ng isang white loose shirt tapos light gray jogging pants then white rubber shoes, tinuck-in ko ang laylayan ng shirt ko sa may bandang tummy lamang.
When i think im done, dala ang mga kailangan dalahin, lumabas na ako ng bahay.
—–
After 1 hour nakadating nadin sa bahay mismo namin, nakakauwi lang ako dito kapag trip ko lang umuwi or kapag pinapapunta ako ni ate dito tulad ngayon
"tagal mo! " syempre yung magaling kong ate lakas makareklamo
"Pwede Cr muna ako, ihing-ihi na ako!"
"Dalian mo" napaka demanding nito
Di ko na sinagot dali dali na ako pumasok ng cr, puputok na ang taal eh, nang matapos na ako lumabas na rin ako
"San mo ba ipapasyal mga anak mo?"
"Sa Amazing Park lang"
"Sasakyan mo ba gagamitin?"
"Yeah, Your Babe need a rest" babe kasi tawag ko sa kotse ko, jowa ko to eh kaya alagang alaga, nililiguan at laging full tank
"Layo tinakbo nyan eh"
"Lets Go na"
Sumakay na kami ako ang dakilang driver nila, nasa tabi ko si ate kalong ang bunsong anak nya, tapos yung dalawa nya pang anak nasa back seat galing nga eh naka stay lng talaga sa inuupuan nila.
After 20 minutes narating na namin ang amazing park, nagpark lang ako then lumabas na kami.
Dinoble check ko ang pag lock ng car ni ate mahirap na ang dami pa naman magnanakaw ngayon.
Nasa akin ang isang aso ni ate si nana ang cute nya kaya lang ang kulet masyado, hyper na aso
Hawak hawak ko lang tali nya, ang likot tumakbo ng tumakbo buti yung na kay ate naglalakad lang, nung napagod na yung aso dumapa sya sa may damuhan eh napagod din ako kaya umupo na din ako, tumabi naman sakin si ate
"Kamusta naman work mo sa clinic?" tanong ko kay ate
"Ayos naman enjoy minsan nakakapagod kasi meron pagkakataon na sobrang daming animals na pinapagamot"
"Anong enjoy eh, nakakatakot kaya makagat ng aso" sakit makagat no
"May anti-rabies sila, saka may sinusuot naman akong protection in case nga na mangagat sila, harmless naman yung mga nagiging pasyente ko. Natutuwa kasi ako sa mga kacutetan nila lalo na pagnagkwento yung owner nila about sa mga kalokohan, paglalambing ng mga pet nila"
"Ano ba mga usually ginagawa mo sa mga pet nila?" Instant interviewer ako nito
"Ginagamot!" oo nga naman pa pampam naman to
"I mean yung problem bakit sila dinadala sa vet clinic?"
"Sinusuri ko kung okey ba yung health nila, ginagamot kapag yung mga alaga nila ay nanghihina,matamlay,ayaw kumain, gumagawa kami ng treatment kapag yung mga hayop nila nagkasugat dahil sa mga insect, parasite,
Tinuturukan para makaiwas sa sakit, Nag Oopera minsan kapag yung alaga nila may cancer,
Ginagamot ko din yung mga napilayan, nabalian ng buto, yon"
"Wow!, your so amazing ate, wala akong alam sa mga ganyan ganyan hindi ko hilig ang passion mo eh"
"Ganon talaga ibaiba tayo ng taste, hindi ko din hilig yung trip mo manood ng horror kahit nagiisa"
"Haha sabi mo nga iba iba tayo ng taste"
"Ate punta tayong Food Court ginugutom na ako eh"
"Okey lets go, masama ka pa naman gutomin baka sa susunod di mo na ako samahan"
"Grabe ka sakin teh"
"Hahaha" nagtawanan nalang kami
Binaybay namin ang daan papunta sa mga food stall na nandito sa loob ng amazing park
"Anong sa iyo maam?"
"Ahmm isa pong Fries large cup sour and cream flavor po then isang Corndog tapos isang ice tea, less ice po sana, ikaw teh ano sayo?" Sabay baling ko sa kanya
"Isa pong fries medium cup bbq flavor, isa din pong ham and egg burger then one coke over ice po"
"May i-aadd pa po ba maam?" tanong ng cashier
"Okey na po yan"
"540 pesos po maam"
Si ate nag abot ng bayad, feeling ko libre na nya to
Pagkatapos nya mag bayad umupo kami sa available na table konte lang naman mga kumakain dito
buti nalang matino yung mga aso mga nakadapa habang nakalawit mga dila nila.
Mayamaya pa dumating na yung service crew daladala order namin.
"Here's your order po mga maam"
"Ay thank you po kuya" nakangiting sabi ni ate
"Enjoy your meal maams" ang joyful naman ni kuya
Nag umpisa na kami kumain
Wow ang sarap naman sulit na sulit yung bayad mo, ATE sya kasi nagbayad ehee
"Libre ba to teh?" Tinanong ko na baka sabihin enjoy na enjoy ako tapos di pa nag aambag
"Yan na yon"
"Huh?"
"Yung dagdag sa allowance mo" mukang di sya nagbibiro ang seryoso eh
"Ehh seryoso?"
"Do you think im joking?"
"Okey sabi mo eh"
"Hahahahahahaha your face like nalugi hahaha look your face" sabay pakita nya sakin yung phone nya na may stalken shot ko naka pout ako tapos sad face potek di ko napansin yun huh kala ko may ka chat lang sya.
"I hate you!"
" Sorry na lil sis" nag sosorry pero natatawa pa sya
"Ewan ko sayo" sabay subo ng fries
"Ano ka ba naman syempre libre ko yan, bukod pa yung dagdag ko sa allowance mo"
"Sure?"
"Hindi,...syempre oo" nakangiti na sya
"Thank you ate"
"Okey"
"Ate may jowa ka ba ngayon?" Napansin ko kasing may ka chat sya tapos ngingiti
"Wala ah, bakit?"
"Pangiti ngiti ka dyan sa phone mo"
"May nabasa lang ako sa twitter"
"Weh?, basta ate pag ikaw sinaktan at niloko nyan tawagan mo ako hingi ka ng tulong sakin, pupuntahan ko yan igaganti kita"
Napansin ko pang napatigil sya tapos naging seryoso tapos bumalik uli sa dating aura nya, hindi ako nagkakamali may jowa talaga to.
"Ay naku kung mangyayari yun ako nang bahala kaya ko sarili ko, ayuko lang napapahamak ka?" Naks kinilig ako sa ate ko
"Concern citizen tayo ate"
"Love lang kita"
——
Nakatambay lang kami, dito padin sa may food court
Inaayos ko ang tali ni nana sa kamay ko, Nang bigla syang tumahol sabay ang mabilis na takbo nito kaya nabitawan ko ang tali nya
Napatayo kami ni ate pati na din sina popol at wanwan hindi nga mapakali si wanwan eh..
"Ako ng hahabol teh" sabay takbo
Natatanaw ko kung nasaan sya medyo malayo kasi ang bilis nya tumakbo
Sinusundan ko lang si nana napapalayo na nga kami
Ano ba kasi hinabol nito
Unti unti na ding bumagal ang takbo nito hanggang sa tumigil ito nang maabotan ko kinuha ko agad tali nito minake sure na mahigpit ang pagkahawak ko,sobra na akong hinihingal, tinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko
Napalinga ako sa paligid ang dalang na lang ng tao sa parteng ito..
Nakaka ilang hakbang palang kami pabalik kay ate ng makita kong may nakaupo sa pathway na matanda mukang nadulas ito nagkalat pa ang mga bottle water sa daan
Napansin ko lang na may babaeng nakatayo sa harap ng matanda,
naka uniform sya ng long sleeve blouse at palda na above the knee, nakatingin lang ito sa matanda
Iniinda na matanda ang sakit ng balakang nya
Nainis ako sa babae dahil hindi nya tinutulongang makatayo ang matanda gayong malapit lang ito
Ako na ang nag abalang lumapit sa kanila parang kasing walang balak tumulong ..or baka sya ang may kasalanan kung bakit nasa ganong position ang matanda nakainit na ulo
"Bakit kasi nakatayo ka lang dyan, hindi mo man lang tinulungan si nanay makatayo" nakatingin ako sa babae na ngayon ay nakatingin na din sakin
Agad ko namang tinulungan makatayo si nanay nang makatayo na sya pinaglilimot ko ang mga bottle water nya na nagkalat at binigay sa kanya
"Salamat iha"
"Kaya nyo po ba lumakad"
"Oo kaya ko salamat"
"Sige po"
At naglakad na sya paalis ngunit humarap uli si nanay
"Mukang hilig mo kausapin ang alaga mong aso no?"
"Po?"
Di na sya sumagot po, hindi ko na gets sinabi nya ha.
Napansin ko si ate girl, nandito pa pala to
Nakatingin sya sakin
"Wala ka man lang malasakit sa kapwa mo, simple lang naman na itayo si nanay di mo pa nagawa or siguro ikaw ang may gawa kaya sya napahamak" may staring contest sa aming dalawa na parehong masama ang tingin
"FYI, hindi ako ang may kasalanan, wala kang paki kung wala akong malasakit"
"Maattitude talaga, wala na akong magagawa sa ganyang klaseng tao"
Tumalikod na ako
"Kung kaya ko lang eh di sana ginawa ko na, judgmental"
Pagharap ko sa kanya nakatalikod na ito at mabilis na naglalakad palayo.
Umalis na din ako sa lugar na yun naiinis ako
Baka nag aalala na si ate masyado ng matagal akong wala.
Kasalanan mo talaga to nana
Pagkabalik ko sa food court ang seryosong aura ni ate ay biglang mag aliwalas nung makita nya kami ni nana
"Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo ang tagal nyong nawala"
"Nandito na kami wag ka nang mag alala"
"Mukang iba na ang timpla mo"
"Ay si nana eh pinagod ako"
"Tayo na ngang umuwi ako na ang mag didrive" sabi ng ate ko
——
Ligtas naman kaming nakauwi
"Bukas ka nalang umuwi, dito ka na matulog"
"Sige, pasok lang ko sa kwarto ko"
"Magluluto lang ako tatawagan na lang kita pagkakain na"
Tumango na lang ako at pumasok na sa kwarto ko
Agad na din akong nagshower lagkit ko na
Pagkatapos kong magshower nagsuot nalang ako ng white short at baby pink na vneck shirt
Mayamaya may kumatok sa pinto,
"Kain na tayo" dinig ko sa kabilang kwarto
Lumabas na din ako, nadatnan ko sa lamesa ang mga niluto ni ate may pritong tilapia, gulay na pakbet at kanin
Saktong saktong lang to para sa aming dalawa,
Nagpray muna kami bago kumain
"Pagpasensyahan mo na si nana kanina, may pagkapasaway talaga yun"
"Its okey ate"
"No, naging beastmode ka kanina eh, dahil kay nana"
"Its not nana fault ate"
"Then who?" Naguguluhang tanong nya
Then kinuwento ko yung nangyari
"Shes correct, judgemental ka, baka naman kasi may reason why shes not attempt to help that woman"
"Ay naku, bahala na sya sa buhay nya"
"Akala ko talaga si nana huhu my poor baby"
Pagkatapos namin kumain, ako na ang naghugas ng mga ginamit namin.
Bago ako pumasok ng kwarto ko nakita ko pa si ate na tutok na tutok sa laptop nya.
Pagkapasok nahiga agad ako sa kama tapos nagcellphone
Inaantok na ako ng biglang may kumatok , binuksan ko to at nakita ko si ate sa labas
"Bakit?" Hindi sya umimik at diridiretso
Sa loob
"Dito ako matutulog, namiss kitang katabi"
"Okey"
At nahiga na ako
"Good night teh"
"Good night lil sis"