Naglalakad na kaming dalawa ni Stan pauwi ng bahay, medyo malapit na rin naman kaya okay lang kahit bagalan namin, tsaka dahil nga may ilaw na sa Park ay lumiwanag na rin yung paligid. "Anong ginagawa mo sa gitna ng gabi, Cadence?" Nakapamulsa pa rin si Stan habang naglalakad kami. Tumingala ako sa kalangitan. "Sa intramurals." "Hanggang 7 lang yun, a?" Tsk. Bakit niya alam? Paano ako makakalusot nito? Huminga ako ng malalim at tumigil sa paglalakad. "Kasi ano, e. Nagpunta ako kina Berna." Pag-amin ko. "And then?" "Ayun, ano, naboring ako." Tama ba 'yong pagkakasabi ko? s**t, baka naman hindi ako makalusot dito? Hindi sumagot si Stan at naglakad ulit siya kaya ganun na din ako, So I guess okay na sa kanya? Nabenta yung palusot ko? Naglakad lang kaming d

